FIRST LOVE.

81 5 5
                                        

Living for about twenty one years without a father figure in the house but I don't hate the fact that you're not here beside me all these years, I know its God's will. (Tay! Wag mo ko dadalawin hah ^^v loveyou!).

Nung bata pa ako, never ko naman naramdaman na may kulang, na walang tumatayong ama sa pamilya, kasi naman diba musmos palang at ano palang naman ang alam ng mumunti kong isipan, nung nagkaisip nalang naman unti-unti kong nakita at namulat, "asaan tatay mo?" madalas tanong ng mga kalaro ko, iiling lang ako bilang sagot ... at mapapatanong sa isip ng...

"oo nga, nasaan ka ba?"

"ano kaya pakiramdam ng may ama?"

"Ano kaya feeling ng pag nagfifill-up ka ng fathers name sa mga form ng walang (deceased) na nakasunod ".

"Ano kayang feeling ng may family picture tayo tapos katabi mo si nanay sa litrato?."

"Ano kaya yung pakiramdam na ikaw naman tumutulong sa akin sa paggawa ng mga projects ko na may kinalaman sa pagkukumpuni, tulad ng paggawa ng parol?"

"Ano kayang pakiramdam na kapag may manliligaw ako, haharap muna sya sayo para makilatis mo muna sya?"

"Ano kaya yung feeling ng pagalitan mo ko kapag ginagabi ako sa lansangan?"

"Papayagan mo din ba ako na mag overnight, kasama ang mga kaibigan ko?"

"Proud ka din ba sa tuwing aapak ako ng stage at kukuha ng award?"

"Ano kaya reaksyon mo, kung makita mo kong nakaitim na toga at may hawak na diploma?"

"Ano kayang mararamdaman ko kung hanggang ngayon nandito ka sa tabi ko, kung buo ang ating pamilya, kasama ka?"

"Nakikibalita nalang ako ng tungkol sayo, sa mga kwento nila, ni ate at nila kuya at naiinggit ako kasi buti pa sila naranasan nila na andyan ka.

"Sabi mo, makakapag abroad ako, mali ka sa ngayon kasi si ate ang nasa ibang bansa, at ako nasa plano palang, dadating din tayo dyan."

"Sya din pala, yung tumayong ikaw simula nung nawala ka, alam kong sa tulong at gabay niyo naman ni Lord kaya nya nagawa o nagagawa yon, ang maging bread winner ng pamilya."

"Si nanay, sya ang binabati ko ng Happy Father's Day bilang sya talaga ang tumayong ama at ina namin sa loob ng dalawampu't isang taon, saludo ako dahil sa batang edad nya naitaguyod nya ang pamilya sa tulong na rin ate at kuya, at nagpapasalamat ako sa kanya na inuna nya pa ang pagmamahal nya sa amin kaysa sa sarili nya, ikaw kasi yata ang True Love nya kaya hindi na sya naghanap pa ng iba, naks! :)"

"May apat na apo ka na pala, isa kay ate, dalawa kay kuya at isa kay dikong."

"May apat na manugang ka na din este tatlo palang hahaha, wala pa sa akin don't cha worry, natutulog pa yata kasi sa pancitan yung forever ko, o kasalukuyan palang sinusulat ni Lord yung love story naming dalawa, yung mahal na mahal ko sya at mahal na mahal nya ko hahaha."

"Yung naunang dalawa kasi, medyo palpak medyo hindi nakaliskisan ni kuya at dikong pero natuto naman ako sa mga relasyong yon."

"Sa ngayon, nandito ako sa malayo, nagtatrabaho para makatulong na din kay nanay, nakikipagsapalaran sa pagsubok ng buhay, ng hindi umaasa sa iba. Independent ba.

Hindi naman sa nagrereklamo ako kasi wala ka na, nagtatanong lang po sa mga katanungang na alam kong hindi mo na mabibigyan ng kasagutan at nagsasalaysay lang po ng mga nangyayari sa akin sa kasalukuyan.

There's also a certain point in my life that I once envy a girl, posting a picture with his father with a caption "My first Love". I envy a child, walking in the park holding a balloon with his dad. I envy a boy plays basketball with his Papa treated each other as best friends. Seeing a family eating dinner together in a restaurant, cracking jokes and having fun, I envy them, because even one single moment in my life, I never experience that with him.

To you, if you're reading this, if your father is still there alive and kicking, make and allot time for him, smile at him and say I love you or make him feel that you love him sooo much, hug him or kiss him until it's free and unlimited. If you're not into words and actions (that's very me), make him at least proud, the reason may your studies or other types of commitment that you will excel. It's not every day that he's beside you, supporting you in everything you do. Do it before it's overdue. Do it because you want it. Do it now, you don't know if he's still there tomorrow, smiling at you. Today isn't father's day but make him feel that today and each day is their special day! :)

To you, I may never feel your existence, I may never remember your face, your built, your voice, your smile, but I know here in my heart you play a bigger role in my life.

And because of you, I'm here, typing ... sharing this untold story of mine, so thank you.

You're my First Love, forever. Praying that we'll meet again. I love you and I love missing you.


Untold.Where stories live. Discover now