Chapter 01 - Muling Pagkikita

82.9K 1.3K 166
                                    

This is it pancit! Eto na ang 2nd story na gagawin ko sa wattpad ang "Ano Ba Talaga Tayo?" masasabi kong ibang-iba ito sa AKK. Sana magustuhan niyo din :)

Dedicated ang chapter na to kay @BattleForYou kasi may hiniling siya sa akin na hindi ko natupad. To pambawi ko. Hehe :D

CHAPTER 1 - MULING PAGKIKITA

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

JOSH'S POINT OF VIEW:

Naglalakad palang ako patungo sa bahay nila ay hindi ko na mapigilang kabahan. Ito kasi ang unang beses na muli kaming magkikita pagkalipas ng pitong taon.

"Galit pa kaya siya sa akin? Gusto pa kaya niya akong makita?"

Mga katanungang umiikot sa utak ko.

Hindi na naman siguro. Matagal na panahon na ang nakalipas, siguro naman nakalimutan na niya yun. Baka nga may asawa na siya eh. Alam kong kakapalan ng mukha tong gagawin ko. Pero kailangan eh, para sa pamilya ko, gagawin ko to.

Nang makarating ako sa harap ng bahay nila ay agad kong pinindot ang doorbell. At maya-maya ay bumukas na ito.

"Oh, Josh, napunta ka?" Tanong ni Manang Janet

"Nandiyan po ba si Ryan?" Tanong ko

"Oo, nandito siya. Tara pasok ka."

Pagkatapos sabihin ni Manang yun, ay agad na niya akong sinamahan papasok ng mansyon ng mga Rodriguez. Mayaman talaga sila. Siguro ang laki ng bahay nila ay doble ng laki ng sa amin. Pero iisang subdivision lang kinatatayuan ng mga bahay namin.

"Nasaan po si Ryan?" Tanong ko kay Manang.

"Nasa garden siya. Tara samahan na kita."

"Wag na po. Ako nalang pupunta."

Hindi na ako nagpasama dahil alam ko nanaman ang pasikot-sikot sa bahay na to. Bata palang ako nakakapasok na ako dito. Tinuring ko na nga itong pangalawang bahay noon.

Tinahak ko na ang daan patungo ng Garden. Nang makarating ako doon. Agad kong nakita ang pakay ko. Nakatalikod siya sa direksyon ko. Nakatayo siya at nakitingin sa may swimming pool. Humingan muna ako ng malalim bago ako naglakad papalapit sakanya.

"Kamusta ka na Ryan?"

Kahit nakatalikod siya. Ramdam ko ang pagkabigla niya nang magsalita ako. Medyo napa-pitlag kasi siya eh. Hindi padin nawawala ang pagiging magugulatin niya. Bata palang kami, ganun na siya.

Nang humarap siya sa akin. Tila namangha ako sa nakita ko. Napaka gwapo niya. Pero dati pa naman siyang gwapo eh, MAS gwapo siya ngayon. Pero ibang-iba na siya. Wala na ang salamin niya sa mata noon na kasing kapal ng wind shield ng kotse.

Pero napasin ko ang walang emosyon niyang mukha. Naramdaman kong ayaw niya akong makita. Siguro galit pa siya sa akin?

"Oh Josh, ikaw pala yan."

Pagkasabi niya noon ay nginitian niya ako. Nakita ko na wala na siyang siyang brace sa ngipin. Nagbago na siya. Ang dating nerd sa school, parang model na ang itsura ngayon.

"Josh, napatulala ka ata?" Tanong niya sa akin na muling nagpabalik sa akin sa wisyo.

"Ah eh. O-ok lang ako." Nauutal kong sabi.

"Ok ka lang ba talaga? Balita ko naghihirap na ang dating spoiled brat noon."

Naka-ngisi niyang tanong sa akin. Parang naramdaman kong iniinsulto niya ako sa tanong niyang iyon. Pero ngumiti nalang ako sakanya.

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon