"Zoey, get back inside. Uuwi na 'ko. I'm kinda...tired. And tipsy..." Tumingin ito sa kanya. "Kapag hinalikan kita, baka kung saan tayo mapunta."

Nanlaki ang mga mata ni Zoey. Something shoots up inside her. "I like that! I won't mind. I'm a virgin, by the way."

Nakangangang napabaling ito sa kanya. "What the hell?" hindi na makapaniwalang sabi nito. "You're willing for me to lavish you?"

"I want my first time to be with you," malambing niyang sabi. Agad-agad siyang nagdesisyon, and it's final! Mukhang hindi naman siya lugi. Parang kay Geoff lang niya gustong makipagsayaw ng hindi nagpapalit ng partner, makipaghalikan, at makipag...

Sex, sex, sex! 

Oh, you're in a big trouble, Zoey. Alam niya na ngayon kung anong kanina pang nag-e-energize sa kanya. Her libido!

Napailing si Geoff ngunit nakita niya ang anino ng mga ngiti nito. "Go home, darling."

Akmang isasara na nito ang pinto ng sasakyan nang pinigilan niya iyon. "Iiwan mo 'ko dito? Sama mo na lang ako!" Mabilis siyang umikot sa kabilang side at sumakay sa tabi nito.

"What the f—"

"Fuck? Yeah! We're going to do some 'f' word tonight!" Sinara niya ang pinto ng kotse at saka ikinabit ang seatbelt. Itinaas niya ang dalawang kamay. "I'm ready! I'm ready!"

Tumitig sa kanya nang matagal si Geoff at pagkuwa'y napasubsob ito sa manibela. "Ang ganda mo sana kaso, para kang baliw. You're a virgin but this liberated? Oh, come on!"

"Want to try me?" nang-aakit na sabi niya habang malagkit na tinitigan ito. "My body won't lie to you."

Nagtagisan sila nito ng tingin. Matagal. Parang tinatakot pa siya nito...na wala nang atrasan dapat... Hindi siya natinag. She's an adult! She can take him.

Napangiti si Zoey nang bumaba ang mga mata ni Geoff sa mga labi niya. Sadyang binasa niya iyon habang nakatitig nito. She noticed his adam's apple moved.

Nilayo nito ang tingin at sinara ang pinto nito. "Where do you live? Ihahatid na lang kita."

"Why being a gentleman? Ako na nga ang lumalapit sa'yo," nakalabing sabi niya.

"I only kiss the woman I love. I only make love to the woman I love," mariing sabi nito.

"Kaya nga pretend na lang na I'm the woman you love." Ginala niya ang tingin sa buong kotse nito nang nag-umpisa na itong magmaneho. Dahil malikot ay binuksan niya ang dashboard nito at nakita na may picture ito doon.

It's a picture of Geoff with a lady. They were hugging and kissing under the Eiffel Tower in the picture.

"Put that back," mahinahon ngunit mariing utos nito.

Hindi niya ito pinansin. Tinignan niya ang date. Oh. It was taken more than two years ago pa! Kung wala na itong girlfriend ngayon, ibig sabihin... "Is this your ex?"

Akmang aagawin nito iyon ngunit mabilis niyang nilayo. Tinignan niya ang likuran na may nakasulat;

Eunice, ma cherie.

Oh! Oh! Oh! It's really his ex-girlfriend! "You still love this girl? Eunice? Hindi ka pa naka-move on?"

"Put that back, Zoey. O ihahagis kita palabas ng kotse ko."

Natawa siya at binalik na ang picture. "Kiss me na kasi. Pretend that I'm Eunice," suhestisyon niya pa. Hindi naman siguro masama.

"Saan ka ba nakatira?" tanong nito, ignoring her remark. "Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?

Indulgent Geoff (TTMT #3)Where stories live. Discover now