Bumaling na lang siya sa isa niya pang katabi. "Hello! Bakit tahimik ka?" tanong niya na medyo namilipit ang dila dahil lumabas ang Canadian accent niya.

Kunot-noong binalingan siya ng lalaki na naka-white long-sleeved polo pa.

Oh, wow! Napasinghap siya. Ang guwapo-guwapo-guwapo! His features were more likely from a European bloodline.

Biglang pumungay ang mga mata ni Zoey at naging malambing ang tono. "Hi, I'm Zoey." Nilahad niya pa ang kamay rito.

Tinignan lang nito iyon at binalik na ang atensyon sa wine nito.

Wow. Wine lang ang iniinom nito?

Kinalabit niya ito. Napatingin ulit ang guwapong lalaki sa kanya. Ngayon ay hindi na ito nakakunot-noo. He boringly looked at her. "Qu'est-ce que c'est?"

Oohhh... So, he's a French! Nakakaintindi lang siya ng kaunti niyon dahil uma-attend siya ng foreign language class nu'ng nag-aaral pa siya.

"I'm Zoey," pagpapakilala niya ulit. Mas tinamisan niya pa ang pagngiti, nakalahad pa rin ang kamay.

Tinignan lang ulit nito iyon at saka ngumisi.

Napatili si Zoey sa isip. Ihhhhhh! Lalong gumuwapo ito! Ang naughty pa ng dating ng pagngisi nito kaya parang ang sarap ding maging naughty. Hehehe!

"I'm Zoey...again," pagpapakilala niya na naman nang umangat ang tingin nito sa kanya. "And you are?"

Uminom ito ng wine nang hindi siya nilulubayan ng tingin. "Why do you want to know my name? Sorry, darling. You cannot pick me up tonight."

Ngumuso siya at kinuha na lang ang kamay nito. Pinaglapat niya ang mga kamay nila at kunwaring nag-shake hands. "Nice meeting you, Mr. 'Why do you want to know my name? Sorry, darling. You cannot pick me up tonight.'!"

Akala nito hindi niya makakabisado ang linya nito? Gayang-gaya niya pa ang tono nito. Magaling sa memoryahan si Zoey. Lahat natatandaaan niya.

Lumundag ang puso ni Zoey nang naging ngiti na ang ngisi ng lalaki. Pinigilan niya ang mapatili. Tila lumiwanag ang buong paligid ng madilim na bar na iyon dahil sa mga ngiti nito!

Hinawakan nitong talaga ang kamay niya at nakipag-handshake na ng totoo. 

Ihhhh! Impit na tili niya sa isip. Parang mas hinihingal siya rito kaysa sa pagsasayaw kanina.

"Call me 'Geoff', Zoey."

Geoff. Pati pangalan, ang guwapo! Lahat na lang ba ay guwapo sa lalaking ito?

"Do you have a girlfriend, Geoff?" tanong niya kaagad. Wala nang paliguy-ligoy! Makikipag-flirt talaga siya rito kapag wala... well, kahit mayroon pa!

Umiling ito ng marahan. "Wala akong girlfriend."

Napanganga si Zoey. "Nagta-Tagalog ka!" bulalas niya. Oh, wow. Doon pa siya nagulat kaysa sa katotohanang walang girlfriend ang napaka-guwapong nilalang na 'to.

"Pilipino kasi ako. Half-half."

"Ako din, eh. Half-half. Half-Filipina, half-goddess. Hehe."

Napangiti ulit si Geoff at hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya. Malapit nang manginig si Zoey dahil sa kilig. Grabe, grabe, grabe! Ang suwerte niya ngayong gabi.

"Wala ka pa lang girlfriend. Bakit? Hindi ba official ang mga babae mo?"

He chuckled.

Ay grabe naman, o! Pati tawa, ang guwapo pakinggan! Lalaking-lalaki. Grabe na 'to. Perpekto yata si Geoff!

Indulgent Geoff (TTMT #3)Where stories live. Discover now