Ang sarap balikan ng nakaraan 'di ba ?
yung tipong papasin muna.
Tapos biglang nag spark ang mga mata.
Noong una balak ko barkada lang talaga
kasi nga bata pa raw sabi ng nila.
Pero di nagtagal nahulog din naman
sa taong ewan ko ba kung anong taglay.
Gayunpaman wala akong pinagsisihan
kasi alam ko hanggang sa huli walang iwanan.
Heto nga nangyari ang di inaasahan
ang dating musmos natutong magmahal.
Tanging pakiusap lang mahalin ako sa tamang paraan
nawa'y 'di masaktan, wag sanang masakal.
Binago ko sarili ko para sayo mahal ko
sana naman sa ganitong paraan ay matuto.
Patuloy kitang mamahalin 'gang sa huling hininga ko
para mapatunayan sayo,
Ikaw lang ang lalaking minahal ko ng ganito.
At kung mag kamali man sa relasyong ito
laging tandaan nasa iyo lang ang susi ng puso kong
nakakandado.
a/n:
From Juliet Penoscas for her boyfriend Jerome Valdez Camacho
may part 2 po ito.
pagbabago tula 2 (duyan)
tngin na lang po kayo sa profile ko.
thanks..
comment, comment at vote vote din pag may time!
haha..
- Imhevn
