“Any minute now, darating na siya.”

50 minutes later…

 

“Sure ka ba sa any minute mo, best? Halos isang oras ka na dito ah pero wala pa ring Thomas na nagpapakita…”

Nagsimula na akong mainis at nag-iinit na rin ang aking ulo. Saan ba nagpunta ang lalaking ‘yun? Humanda talaga siya sa’kin! Oorder-in ko buong restaurant tapos siya ang pagbabayarin ko at bubutasan ko rin ang gulong ng kotse niya! Nakakainis na kasi! Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Thomas. Ring lang ng ring pero hindi niya sinasagot!

“Sagutin mo Thomas! ‘Wag na ‘wag mong sisirain ang mga plano ko! Bwiset ka!” Halos matapon na ang cellphone ko pagkatapos koi tong ibagsak sa kama.

“Best, baka naman may emergency lang na nangyari kaya hindi siya nakasipot. Malay mo, may nangyari lang sa girlfriend niya.”

“Wala akong pakialam kung magunaw man ang mundo ngayon basta dapat makaganti ako sa kanya! Ang laki na ng hirap at gastos ko kaya hindi pwedeng ‘di matuloy! Best, tawagan mo nga si Jeron!” Asar at galit na talaga ako. Not to mention, gutom.

Tinawagan naman ni Mika si Jeron. Naka-ilang ring lang at agad namang sinagot ni Jeron pero bago makapagsalita si Mika, agad kong hinablot ang cellphone para ako na mismo ang makausap ni Jeron.

“Hi Miks! What’s up?” – Jeron

“Hindi si Mika ‘to! Si Ara!!!”

“O ba’t ng init ng ulo mo? Chill lang… it’s a Saturday night.”

“Nasan na ‘yang Hudas mong bestfriend?!”

“Ha? Bakit? Ano na naman ba ang ginawa niya sa’yo?”                                                                                                                           

“Sagutin mo ang tanong ko! May usapan kami ngayon pero ang hayop mong bestfriend, hindi dumating!” Nasigawan ko na talaga si Jeron.

“Kasi Ara, may problema siya ngayon kaya hindi pwede.”

“Wala akong pakialam sa problema niya. Nasan ba siya ngayon?”

“Ah… uhm…” Medyo nag-aalinglangan pa si Jeron.

“Sabihin mo dali!”

“S-sa bodega ng family business nila. Nandun siya. Text ko na lang address! Sige bye!” Mukhang natakot naman si Jeron dahil natataranta talaga siya. After 1 minute, dumating ang text message ni Jeron. Sinulat ko ang address at kinuha ko ang aking purse.

“Teka best, sa’n ka naman pupunta?”

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now