Kokoro Connect

Magsimula sa umpisa
                                    

Napangiti naman sya. "Syempre naman noh. May title na nga eh,History of Professional Wrestling Through Variant of the Brainbuster," sabi ni Taichi at inilabas yung draft mula sa bag nya. "Sa ngayon, napakacommon na sa mga brainbusters na umatake mula sa likod pero sa totoo lang... ito ay isang move kung saan inaatake nila ang kalaban sa may ulo at---"

"Tumahimik ka! Tss," halatang iritable sya sa sinabi ni Taichi.

"Pero tinanong mo eh!," katwiran nya.

"Tinanong ko lang kung may idea ka na, hindi ko sinabing iexplain mo. As if namang interesado akong pakinggan 'yang kakornihan mo," taas kilay nyang sabi at patuloy parin sa pagtatype sa laptop nya. Hay, ang insensitive naman ng babaeng ito!,ngali-ngaling sabihin ni Taichi.

Siya namang pagbukas ng pinto at pagdating ni Iori.

"Hey! Sensya na late ako. Hehe. teka, kayo lang, Taichi, Inaban?"

"Ah-Oo. Wala pa sina Yui saka Aoki eh." Hmm... Parating naren siguro yung dalawang yun.

"Ano ba yan! Nagmadali pa mandin akong pumunta dito tas kayo lang pala madadatnan ko," medyo hinihingal pa nyang sabi.

"T-teka," nagulat ang dalawa nang umupo si Iori at itinataas ang palda nya. "Hahaha. P100 kada silip."

"Iori!," saway ni Inaba.

"Eh- andito ako. Ah-eh pero okay yun ah," sabi ni Taichi pero natigagal naman sya kasi ansama ng tingin ni Inaba eh. "Ah, eh ikaw, Nagase, may idea ka na ba sa next article mo?," pag-iiba niya ng topic.

Tumayo naman siya at humarap sa dalawa habang nakacross-arms pa. "Ahm, naisip ko, may something talaga sa CRC News na kelangan eh, at narealize kong kulang tayo sa mga erotic at medyo daring na materials," seryoso nyang sabi,

Nagulat naman sina Taichi at Inaba sa pinagsasabi nya. "Ha?Wala namang gustong may ganyan eh? Okay ka lang? Ba't naman naten ilalagay yang ganyan sa dyaryo naten," tanong ni Inaba kay Nagase.

"Pero! Tingin ko dapat lang tayo maglagay non! So, Inaban, ba't hindi naten itry magbulgar ngayon? Wahahaha." Seriously, ano bang trip neto?

"Nah! Masyado pa tayong bata para sa kalokohan mo, Iori!"

"Ano ka ba? Ako nang bahala dun. Basta ba hayaan mong picturan kita ng medyo daring eh, Inaban," sagot niya. Eh?

Nagsalubong naman ang kilay ni Inaba. "Ano ka, sineswerte? Lokang toh! Di hamak namang mas maappeal ka saken noh. Tutal,ikaw naman ang nakaisip eh di ikaw gumawa." May point sya.

"Hmmm...Tingin ko, mas okay ka noh! Kaw pa, lakas ng karisma mo eh!"

"Bakit di nalang naten itanong kay Taichi?"

"Ako?," bat naman ako nasali dyan,gusto nya pa sanang idagdag kaso, wag nalang.

"Yah! Tingin mo, sino sameng dalawa ang gugustuhin mong makitang nakahubad, Taichi?,"tuluy-tuloy niyang sabi.

"Ah, eh...s-sino?," halos di sya makapagsalita sa pagkabigla. "Eh-ah-eh... well, kung irerepresent ko ang mga highschool boys, then, ang masasabi ko, parehas kayo," kumpiyansa niyang sagot.

"3:55 PM. Yaegashi,Taichi ay nagsabing maghubad ang dalawang babaeng club members," sabi ni Nagase habang si Inaba naman eh tinatype ang kanyang sinasabi. "Inaban, nakuha mo ba yon?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kokoro ConnectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon