The 7th Thing. [10 - Reminisce]

Start from the beginning
                                    

Pagkatapos, nagpunta naman kami sa Mcdo.

"Ash. Libre na kita. My treat. Anong gusto mo?"

"Nakakahiya naman."

"Hindi. Friends naman tayo diba?" Wow. Friends. Hanggang dun lang ba, Stephen?

"Ash?"

"O-oh?"

"Ang sabi ko, anong gusto mong food?" 

"A-ay! Uhm, Mcnuggets na lang. With rice. Mauna na akong umupo ha?"

"Sige." 

Maya-maya, umupo na rin siya sa harap ko. Di ko alam pero lumakas yung pintig ng puso ko. Para bang, kapag kasama ko siya, kahit kaharap lang, ang saya ng feeling.

"So, musta na?"

"Okay lang ako. Ikaw?"

"Okay lang rin."

Kumain lang kami ng kumain. Wala miski isa saming nagsalita. Ang awkward kasi e. Pero alam kong kailangan ako naman ang gumawa ng conversation. Kung hindi, pareho lang kaming matutuyuan ng laway.

"Uhm, kamusta buhay mo sa America?"

"Sa States? Masaya. Comfortable. Bakit?"

"Ha? Wala lang."

Silence ulit.

"So, anong nangyari nung nawala ako?"

"Wala naman. Bakit?"

"Wala lang. Communication Arts major ka diba?" Paano niya nalaman?

"Oo."

"Pareho pala tayo ng course." 

Silence ulit.

"Nagkaroon ka ba ng boyfriend nung nawala ako?"

Napatingin lang ako sa kanya nun. 

"Wala. Never pa ako nagkaroon."

Silence ulit.

"Ikaw? May naging girlfriend ka na ba sa America?"

Silence ulit.

"Meron na."

Alam mo yung feeling na yung puso mo binibiyak? 

Ganun nararamdaman ko.

"Ah. Hehe." 

Silence ulit. Silence na umabot hanggang sa natapos na kami kumain. May namumuong luha sa mata ko pero hindi ko na lang pinansin.

Nakakapang-hina ng loob.

"Lika na? Uwi na tayo?"

"Sige."

"Hatid na kita." Um-oo na lang ako kasi 6PM na rin.

Naglakad na lang kami pauwi. Ewan ko ba kung bakit? Pwede naman magtricycle o jeep na lang. Hindi kaya gusto niya akong makasama ng matagal kaya naglakad na lang kami?

Ilusyonada naman ako. May naging girlfriend na nga yung tao e. 

Kung siya, nakamove-on, kailangan, ako rin, makamove-on. May napapala ba ang one-sided love? Wala.

Kaso, matagal-tagal yung prosesong yun. Kayanin ko kaya?

Nung nasa tapat na kami ng dorm, humarap ako sa kanya at nagsmile. "Salamat. Sa Tuesday na yung flight mo diba? Di ko alam kung magkikita pa tayo bukas, pero, salamat. At least, nakasama ko ang isang taong importante sakin." Sabay nagwave at tumalikod na. Papasok na ako ng gate ng biglang hilahin niya na naman ako.

"W-wait Ash." Napatingin naman ako sa kanya. "Hanggang dun na lang ba ako? Isang importanteng tao sayo?" 

"Di kita maintindihan." Napasuntok lang siya sa pader. Anong nangyayari sa lalaking 'to?!

"I tried, Ash. I tried na kalimutan ka. Nagkagirlfriend pa ako sa States kasi baka makamove-on ako sa pagmamahal ko sayo, pero, wala e. Kampante ako na kapag nakita kita ulit, kapag nakita ko ang mukhang 'to..." Sabay hawak sa pisngi ko. "Makakalimutan ko na mahal kita. At tutuparin ko ang pangako ko sayo dati na hindi ko sisirain ang friendship natin dahil sa pagmamahal ko sayo. Pero, tangina, wala e. Mahal pa rin kita. Kahit alam kong walang patutunguhan 'tong pagmamahal ko sayo." Teka, mahal niya pa ako? Mahal pa ako ng mahal ko? 

"Wait, May sasabihin din ako--"

"You don't need to say sorry. Na hindi mo mabalik yung pagmamahal ko sayo. I understand. Kaya, simula ngayon, I give up." Sabay tumalikod siya at bumitaw sa pisngi ko.

HINDI. NIYA. NAIINTINDIHAN!

"Hey! I'll explain!" Kaso, too late, tumakbo siya papalayo sakin.

Bakit kasi hindi niya muna ako pakinggan?! >_____<

Kung susuko ako kagaya ng gusto niya, ako lang ang masasaktan sa huli. Ayokong pagsisihan ang mga desisyon ko.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Trish.

"Trish?"

"Oh? Napatawag ka?"

"Sa tuesday na ba flight ni Stephen?"

"Oo. Bakit?"

"Anong oras?"

"9AM. Maghahatid ka rin ba sa kanya?"

"Hindi."

"E bakit mo tinatanong?"

I need to do it. Kahit anong mangyari. At least, tinry ko, diba?

"Trish. I need your help. I need your help guys."

The 7th ThingWhere stories live. Discover now