Babysit ~ Twenty Eight

Magsimula sa umpisa
                                    

Noon, responsibilidad ko lang siya kasi nagta-trabaho ako sa tito niya, kay Hanzen. Pero ngayon, tinuturing ko na rin siyang pamangkin na at the same anak na din. 

Napapaisip ako kung magiging effective mom ba ko. Kasi pakiramdam ko, hindi talaga ako para sa pamilya. Kung pwede man, hindi pa siguro. Noon kasi, ang balak ko mag asawa sa edad na, hmm 30, I guess. Pero eto, parang pinapamukha na sakin ni God na malapit na kong magkapamilya. Kasi parang pina-practice niya ko.

Naputol ang pagmumuni ko nung biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na natignan ang name ng caller. Baka kasi magising pa si Riley kung patuloy na magri-ring.

Pagkasago na pagkasagot ko, boses agad ni Hanzen ang sumalubong sakin. Galit siya na may halong pag aalala. 

"Ciara! Nasan kayo ni Riley? Is she okay? Are you okay? Anu pang ginawa ni Xienna??"

 "We're fine, Hanzen. You don't have to worry." 

  

"Nasan kayo? Susunduin ko kayo."

"Bukas na Hanzen, bukas kami uuwi. You don't have to fetch us."

 "No, hindi ako mapapalagay. Text me the address at pupuntahan ko kayo agad."

"Fine. Uuwi kami, pero hintayin mo na lang kami dyan sa bahay. Dala ko yung kotse ko." Pagkatapos kong sabihin yun, ini-end ko na yung call. Nakakainis kasi eh. Ngayon lang niya nabalitaan yung nangyari kanina? Anu, kakauwi lang niya sa bahay? Alam ko naman sila manang, hindi sila mag kukwento lang sa cellphone. San nanaman siya nanggaling? Bahala siya sa buhay niya. Nakakainis. Naiirita nanaman ako. Hindi naman akk ganito dati. Pero ngayon, ang bilis kong mairita. Dahil siguro a pag epal ng Xienna na yun. 

Nagising ako na may humahaplos sa buhok ko. Dali dali akong bumangon. Pag tingin ko...

"Hanzen! What are you doing here?" Tinignan ko yung cellphone ko. "Oh gaddd! It's already 4 am." Nakatulog pala ako. Bigla akong niyakap ni Hanzen.

  

"Akala ko kung anu nangyari sa inyo. Dam! Ciara, pinag alala mo ako." Napansin ko na may itim sa ilalim ng mga mata niya.  Hindi siya natulog? "Hinintay ko kayo. Natataranta na ko kung bakit hindi pa kayo dumadating. Nagpunta ako sa hospital. Hinanap ko kayo... hinanap kita. Tinawagan ko si Nina, ang tagal tagal sumagot. Good thing, naalimpungatan daw siya at nasabi niya kung nasan ka. Wag mo ng uulitin yun, okay?" 

  

"Nakatulog ako... sorry." Nakonsensya kasi ako sa sinabi ni Hanzen, nakatulog kasi ako eh. Di ko naman sinasadya yun. Isa pa, galit ako sa kanya. Kaya dapat, hindi niya ko niyayakap. Kaya humiwalay ako sa yakap niya. Lalo na, amoy alak pa siya.

"Uminom ka ba?" Tanong ko na obvious na obvious naman. Tapus tumingin siya sa ibang direksyon.

"Ikaw kasi, hindi mo ko pinapansin. Alam ko na nakita mo naman talaga. Hindi mo naman talaga napanaginipan..." Buti naman nahalata niya. "I'm sorry. Kung yung halik lang yung naabutan mo, she kissed me and I was shocked that time. Pero, I pushed her. Sinabi ko tigilan na niya..."

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon