Special Update 2: Mikko's birthday preparation

Start from the beginning
                                    

Si Lester, Katsumi at Sed.

"Oh? Anong ginagawa niyo dito? Mamaya pa party." sabi ko.

"Tinawagan po kami ng dakila mong asawa." sagot ni Kats.

"At bakit daw?" nakapamewang kong sabi.

"Buntis ka? Sungit ah." nakakalokong sabi ni Sed.

"Che. Sumagot ka ng maayos."

"Ay LQ yata sila. Tsk. Tulungan daw namin siyang magluto." sagot naman ni Lester.

"Oh! Anjan na pala kayo mga bregs!" sabi naman ni Gino na naka-apron pa.

"Ano 'to Mr. Dela Rosa? Sabi ko ikaw magluto ah? Bakit ka may tatlong itlog na kasama?" masungit kong sabi.

"Mrs. Dela Rosa, ang sabi mo po, ako ang magluto. Ako po ang magluluto. Tutulong lang sila." mahinahon niyang sabi. 

Inirapan ko lang siya. "O sya sya. Nandito na din naman sila. MAbuti pang may maitulong kayo." tumingin ako sa relos ko. "Siguraduhin niyong matatapos niyo yan bago mag alas tres. Dapat malinis din ang kusina."

"Intiendes?"

"Si!" sagot naman nilang apat at nagtakbuhan sa kusina.

Natatawa man ako ay pinipigilan ko. Mukhang sineryoso ako ni mister. Well, seryoso naman ako pero alam kong papalpak siya kaya nakareserba na ko. Pinagluto ko din si Mama. 

Hindi naman sa wala akong tiwala sa kakayahan ng mister ko sa kusina pero.. naninigurado lang.

Kagabi, aminado akong nabadtrip ako. Napamura pa ko dahil inis na inis ako dahil pinaghirapan ko yun. Ako pa mismo namalengke. Tapos mapagkakamalang ibang putahe? Nakakabadtrip. 

Pero kagabi ko din narealize na ang childish ko. Pero dahil gusto kong pagtripan ang mahal kong asawa, kaya ko yun ginawa.

Goodluck, my husband.

Gino's POV

"Tol naman! Wala tayong kaalam-alam jan!" reklamo ni Lester.

"Oo nga naman tol! Ang alam lang namin ay mangbabae!" -Sed.

"G*go! Ikaw lang yun!" -Kats.

"Pwede ba tama na reklamo mga bregs!" 

"Ngayon mo kaming tatawaging mga bregs! Ano? Sa oras na naghihirap ka?!" pagdadrama ni Sed.

"Sed. Pwede ba. Pangteleserye lang yang linya mo."

"Pero tol. Mag aano na sana kami ni misis nung tumawag ka eh!" reklamo ni Katsumi.

Nanlaki ang mata naming tatlo. "MAG-AANO?!"

"Oh kalma! Chill! Mga utak! Lumot! Magpaplano ng outing!" sagot ni Katsumi.

"Buti nga kayo mag aano pa lang, kami nag aano na." malungkot na sabi ni Lester.

"NAG-AANO KAYO?!" sigaw naming tatlo.

"Oh? Utak lumot! Nagiimpake na!" sagot ni Lester.

"Kami nga--"

Pinutol ko si Sed. "Tama na! Tama na! Lumot na lumot na eh! Tulungan niyo na ko!"

"Ok. San apron?" -Lester.

Tinignan namin siya.

"Naka-apron ka. Alangan ikaw lang? Nakakainggit yun bregs!" -Lester.

"G*go!" sigaw namin sakanya bago ko sila kuhanan ng apron at nagsimula na kaming magluto.

OURS [Hala Ka!? Book 2]Where stories live. Discover now