"Ah... Ikaw lang pala! I'm sorry kasi galing lang ako sa mga files ng bruha kanina..." banggit ni Mya na magbabalik sa pagiging kalmado

Voiceover: (lalake) "Well... Masaya yan... Sigurado ako may development ka sa pinapatarbaho ko sayo?"


"Ah...", banggit ni Mya na pagkatapos tumingin sa mga dumaraang empleyado sa Main Door ay lilipat siya ng lugar na mas pribado sa gilid, "Eto na nga! Yung nabasa kong CONFIDENTIALITIES sa CD... nakuha ko na!!!"

Voiceover: (lalake) "Ano?! Hahaha! Magaling! At nang hindi na iyan maipasa sa pubriko... Sige at ikaw bahala tago diyan para alam atin sunod atin aksiyon"


"Yes... Malapit na! At unti-unti na rin nating malalaman kung ano ang mga itinatagong primary evidences at substantial documents ng Broadcasting Company na ito..."

Voiceover: (lalake) "Good job Mya! Sana nga sa lalong dari panahon..."
"Oh sige na at masyado pang delikado rito!", dagdag ni Mya sa kausap sa cellphone


Voiceover: (lalake) "Okay okay! Teka... nagkausap na ba kayo Milky Man? Ano kaya anyare sa bago produkto?!"

"Yun nga eh... hindi ako makakontak sa telephone ng company kasi madalas daw akong magtelebabad... ang hirap naman kung laging mga Foreign Correspondents ang palusot kong kausap ko nuh! Tapos naka-call barred pa ang phone ko sa international kaya..."


Voiceover: (lalake) "Hayaan mo na! I'm sure tawag rin yun sa Skype by next week ... Ingat ka diyan! Sayonara!"

"Thanks Leader... Bye!!!", banggit ni Mya na ibababa ang cellphone at pasimpleng aalis ng Company.



Day-off ng Tatlong Magkakaibigan. Dahil nagyaya ng date si Vince kay Rhyna sa Isetan Mall, si Rubie na lamang mag-isa ang nagsadya na dumalaw sa bahay nina Janice upang gisingin ito sa umaga at magpa-parlor.


"Janice!!!! Bangon na... baba na at narito si Rubie!", malakas na tawag ni Lola habang nag-aalmusal ng suman at tsaa sa hapag

OPO!!! ANDIYAN NA AKO!!!


Maririnig ng dalawa ang boses ni Janice mula sa kuwarto sa itaas habang may naliligo sa banyo malapit sa kainan.

"Oh! Nandito na raw siya Rubie!", sambit ng matanda


"Ha? Nandito na sa ibaba? Bakit wala naman po akong nakikitang Janice?", ani Rubie

"Wehhh? Di nga? Hanapin mo diyan sa ilalim ng mesa, sa upuan, o sa ilaim ng mantel ng sala... sa bintana o sa bakuran o...", paghahanap ng matanda


"Lola...", wika ni Rubie na iuusog ang bintana upang tignan ang labasan, "Sis! Nasaan ka rito?!", malakas na sigaw ni Rubie

ANDIYAN NA!!! ETO NA!!! ETO...


Magtataka ang dalawang naghahanap sa dalaga hanggang may bumaba mula sa hagdanan na feeling fresh, "...na!!!", wika ni Janice na bagong ayos at bihis na pang-alis

"Oh! Nasa itaas ka pa pala... sabi mo, nandito ka na sa baba?", tanong ng lola


"Lola... sabi ko nandito na ako para hindi na kayo mag-alala... papunta na!", ani Janice

"Ay sus! Hinanap ka tuloy namin ni Lola, baka kasi naipit ka sa mga carpet carpet dito"


"Tanga lang???", wika ni Janice kay Rubie at mapapansin ang ingay ng buhos ng tubig sa banyo, "Oh! Naliligo si Leo?! May lakad din yan?"

"Lalabas din daw sila ng jowa niya... Alam mo na! Mag-e-eskabetse!", sambit ni lola


"Jowa? Escabetche?", pagtataka ng apo, "La, kanino mo naman natutunan ang...", mapapalingon si Janice sa ngumingising kaibigan at hahalik sa pisngi ng matanda

"Hayaan mo na anak... Masarap magluto si Virgo! Paborito ko ring ulam yun..."


"Si... sige, mag-iingat ka na lang dito lola ah! Kapag may nanluob, sigaw ka kay Kuya Tonyo sa kabilang bahay... alis na po kami...",pamamaalam ni Janice

"Sige po Lola!", nakatingin sa matandang sambit ni Rubie at bubulong sa tenga ng kaibigan, "Kapag iniwan... may manloloob agad?!"


"Ano ka ba...", mahinang sagot ni Janice na lumabas ng bakuran, "Maigi na yung nakakasigurado nuh! Alam mo naman ang laman ng mga balita ngayon kaya nga kapag may pasok kami parehas ni Leo eh hindi yan nagpapapasok basta basta sa bahay..."

"Well... Sinabi mo pa!", sambit ni Rubie na sa pagbukas naman ni Janice sa gate ay tatambad ang isang guwapong lalaking nakapolo na pakatok na sa gate


"Oh!", bulalas ni Janice sa binata

"Ah... Miss Behosano! ay este Jans! Good morning po...", bungad ni Lawrence na may hawak na sobre. Maaantig din dito si Rubie at magpapakilala.


"Hmmm... pogi! si Rubie pala...", sambit ni Rubie na titingnan ang tikas ng binata mula tuhod hanggang noo. Kakamay siya rito at yayakap. Agad naman siyang pipigilan ni Janice.

"Huy! Sis... Jans nga di ba? Jans ka ba? Ha?", inis na pag-awat sa kaibigan


"Pasensiya na, ang handsome niya eh!", sambit ni Rubie na nagulo ang buhok at damit

"He he! Salamat po!", masayang sabi ng binata


"Ikaw naman... wag mo na kaming po-in... What's your name ba?", pakembot na sambit ng kaibigan

"Ako si...", sabi ng binata na mapuputol


"Ah...", wika ni Janice na isasara ang gate at titingin sa sobreng hawak, "Sa akin yan di ba?", singit niya

"O... oo Jans!", sabi ni Lawrence na isusunod ang itinago sa likod, "Pati ito!"


"Thanks!", wika ng pinagbigyan na pipikit at aamuyin ang rosas. Maya-maya ay mapapansin ang sobrang pagkatitig ng kaibigan sa binata, "Ah... Sis, tara na! Late na tayo!"

"Ha? eh, alas nuwebe pa bukas ng parlor ah!"

"Hindi... nagbago na sila ng schedule!", ani Janice na hihilain si Rubie paalis at kakaway sa binata, "Salamat ulit!!!"


Habang umaalis ay nakangiti si Lawrence sa dalawang nagbubulungan at titingin sa nakaparadang van sa kabilang gilid ng kalsada. Pupuntahan niya ang kanina pang nakatitig na kasama.

"Wow... sobra ang ngiti mo dun Tol ah! Inspired???", banggit ni Trumpet

"Hindi masyado...Haay!", sabi ni Lawrence pagkapasok sa sasakyan at magpapahinga sa upuan katabi ng drayber

"Nagpakilala ka na ba sa kanya?!", tanong ni Trumpet na magpapalungkot sa kasama,"Tol... mahirap yung ginagawa mong pagpapang..."

"Sasabihin ko rin!!!", nasasaktang sabi ni Lawrence, "Sa tamang panahon... sa oras na handa na rin siyang malaman ang totoo...Ipapaliwanag ko naman lahat eh!"

"Aaay... basta ang payo ko lang sa'yo, huwag mong gawing dahilan na niloko mo siya kasi gusto mo lang siyang mapasaya... Ginawa mo ito dahil mahal mo siya!"

"Nahihirapan na nga rin ako... Wala naman siyang ibang malalaman pa!",ani Lawrence

"Eh paano kung meron????", mabilis na tanong ni Trumpet na magpapatahimik at magpapaisip sa kaibigan. Ii-start nito ang makina at aalis na ng kalsada.

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now