"Sige!", banggit ng panot na susunod sa isa pang alalay



Isang oras ding inabot ang paglilipat ng mga produkto papunta sa isang bangkang ginawa ng dalawang alalay... mula sa pagsisiksik sa ilalim ng mga kahoy hanggang sa pagtatago ng mga plastik sa kanilang upuan, pagtatali, paglalagay ng cover at ang makailang ulit na pagsasagwan dahil sa masyadong magalaw na alon at mahangin na paligid na nagpapatumba ng kanilang ginawang sasakyan. Nagsuot ng sumbrerong itim ang dalawa upang hindi makilala sa pagtagos sa ilog at sa kabilang aplaya. Masyadong maingat at mapanuri dapat dahil sa ilang mga Coast Guard na nagbabantay sa Ilog Pasig. Pagkatuntong sa kabilang ibayo sa may ibaba lamang ng tulay ay ibinagsak ng isa ang ginawang sagwan sa tabi at dahan-dahang binuksan ng dalawa ang takip ng mga karton ng gatas at mapapahinto nang makarinig mula sa likod ng:
TIGIIIL!

Haharap ang dalawang alalay at titingin sa nagsalita. "Pulis ito! Itaas ang mga kamay!". Makakakita sila ng baril sa isang pulis na may katabaan at itataas ang parehong kamay at manginginig.

"Ahm... Bossing, mangingisda po kami galing sa kabilang sitio! Idedeliver lang po sana namin ang mga kahon sa talipapa!", wika ng panot habang nakataas ang kamay

"Oh?! Saang dagat ninyo ito hinuli?", nakatitig sa kahon na banggit ng pulis

"Boss... sa may Navotas po! Medyo malayo nga po ang paglalakbay!", sambit ng payat

"Ah... Ganun ba?! Pwede ko bang makita?!"

"B... B... Bossing! Puwede po...", wika ng panot at mapapansin ang masusing pagbaba ng isang kamay ng pulis sa mga karton upang tignan ang laman at ang isang kamay naman ay nanatiling may baril na nakatutok sa dalawa pa.


Dahan- dahang kinakapa ng paa ng payat ang nakalapag na sagwan habang dahan-dahan ding binubuksan ng pulis ang mga nakarepak na karton. Makakaamoy ng kakaiba ang pulis.

"Anong amoy 'yun?", tanong ng pulis na titingin sa binuksang karton at tatambad ang mga gatas. Manlilisik ang mga mata nito at mabibigla sa makikita paglingon sa dalawang alalay.

"Eto ang amuyin mo... Tanga!", sambit ng payat at biglang sipa ng malaking sagwan papunta sa kamay na may baril ng pulis. Mabibitawan ng pulis ang hawak at magkakasugat sa kamay. Mapapaluhod ito at bago pa man makasigaw ay aambahan pa ng hampas ng isa pang alalay.

"Rest in Peace... Big Bossing!", wika ng panot na inihampas ng madiin ang bungo ng pulis gamit ang sagwan. 

Mawawalan ng malay ang pulis at itatago ng dalawa ang bangkay sa dilim upang hindi mapansin ng iba pang daraan at ilang motorista sa tulay.

Isa-isang ibinaba ang mga gatas hanggang makarating sa malapit na saradong parking space. Isa itong maliit na kuwarto na kapag itinaas ang sliding door ay lalantad ang isang magarang sasakyan. Mabilis na inilagay ng mga ito ang mga kahon sa gilid ng sasakyan at naglinis ng sarili sa malapit na water hose na nakakabit sa gripo.


"Weew! Hirap nun partner! Malapit na tayo dun ah!", wika ng panot na nakasandal sa sasakyan

Hihingalin ang isa at magsasalita, "Siyempre... expert tayo sa mga martial arts wapak! na ganyan..."

"Haha! Kung hindi ba naman siya pakialamero eh di sana buhay pa siya ngayon...", wika ng panot at magpapatuloy sa tawa ang dalawa. Mapapansin ng panot ang makinis na sinasandalang sasakyan, "Swerte ni Milky Man dito nuh! Magandang taguan ang lugar na 'to"

"Oo nga... tsaka pansamantala, pwede tayo magtago rito nina Leader kapag natuloy ang gibaan sa Bartolome!", sambit ng payat

"Sana nga... at kapag nagsawa na si Milky Man dito sana sa akin na lang niya ipamana ito... Sarap 'to i-drive... Wooh!", banggit ng panot na titingnan ng malapitan ang kotse. Hihilahin siya palayo ng kasama at yayayain itong umalis.

"Tara na at baka marami pang makapansin sa atin dito..."
"Oh Siya! sige... at gusto ko na ring matulog! Ako na ang magsasara dito...", banggit ng panot na ihahanda ang lugar upang iwan ang mga gatas na ibebenta.

Sa pag-aayos ng panot sa gagamiting bangka pabalik ay hihilahin naman ng kasama palubog sa ilog ang pinaslang na lespu upang iwan doon at magpatuloy sa mga susunod na gawain.






Malakas ang tinig ng isang babaeng nakahiga sa kanyang kama na nakapikit na nagsasalita... ANO KA BA! HI HI HI! HUWAG DIYAN... NAKIKILITI AKO! AH! TAMA NA,HE HE!
Mula sa nag-aalmusal na maglola sa kusina ay magagambala sila sa mga ungol. Pagkatapos isubo ang natitirang maliit na tinapay sa kamay ay agad sumugod sa kuwarto ang binatang bagong suklay at inusisa ang naririnig.


TAMA NA... ALIS NA AKO... KAHIT KAILAN ANG HAROT HAROT MO TALAGA! HMMMH!


"Huy! Ate! Gising na!", istorbo ng naka-unipormeng si Leo sa kanina pang nananaginip na pinsan

"Ah... Anong oras na ba?!", tanong ni Janice pagkamulat ng mata

"Alas dose na! Ano ka ba! Inuuna pa kasi yang pag-iimagine mo sa ex mo eh!"

"Haaah?!", gulat na sambit ni Janice na titignan ang relos. Hahampasin niya ng unan ang binata sa ulo, "Niloloko mo ako eh!"

"Oh, Ate Janice... buhok ko!"

"Ikaw talaga...", ani Janice

"Haha! Ang OA mo kasi diyan sa tulog mo... Si Julius yun nuh!", banggit ni Leo at gagayahin ang mga nasabi ni Janice, "Huwag diyan... Nakikiliti ako diyan! Haha! Tara na nga sa baba, hinihintay ka na ni Lola!"

"Okay po! Haaaay...", dagdag ni Janice na mahihiya sa nangyari at titingin sa paalis na pinsan



Mabilis na nakapag-ayos si Janice ng kanyang higaan... kumain ng almusal at naligo. Nang makapagbihis ay ihahanda niya ang isang CD-R sa loob ng sariling bag at ang sobreng sulat na sorpresa niyang bubuksan bago makarating sa kanyang pinagtatrabahuhan. Pagkatapos makapagpaalam sa kasamang matanda ay agad siyang lumabas ng bahay at dumiretso sa sakayan. Habang naghihintay ng jeep ay bubuksan niya ang sulat at pangiti itong babasahin:

MULA NG MAKILALA KA
BUHAY KO'Y BIGLANG NAG-IBA
KAY SAYA NG BAWAT SANDALI
KAILANMA'Y HINDI IPAGPAPALIT


If we fall in-luvWhere stories live. Discover now