August 13, 2008
"Reese are you ready?" Tumango lang siya at lumabas na. Sa ngayon, wala pa siyang gustong kausapin. It's been a week since her father and mother died. She's so hopeless.
"Mom! Saan yung mas bagay sa akin dito? Purple or Red?" She asked to her mother while looking at her. Masaya siya kasi ngayon lang siya magkakaroon ng bonding with her parents. Sa sobrang busy nila sa trabaho hindi man lang nila mapagtuunan ng pansin ang anak nilang si Reese.
"Hmm I think that purple dress suits to you, darling." Lumapit si Lorraine ang kanyang ina sakanya. Pumunta ito sa bandang likod niya at may nilagay sa kanyang leeg. Hinawakan niya yung nilagay sakanya at nakita niya ang letter "R" ngumiti siya at niyakap ang ina.
"Oh? Binigay mo na pala yan? Did you like it?" Sulpot ni Philip sa nagyayakapang mag-ina. "Yes dad. I really really like it! Where did you buy this?" Hinahawakan niya pa rin ang kwintas, you can see that she is really happy dahil hindi mabura ang ngiti sa labi niya.
Hindi namalayan ni Reese na nakahawak pala siya sa bigay na kwintas ng magulang. Nasa loob siya ng sasakyan ng grandparents niya, actually ngayon ang burol ng kanyang magulang kaya papunta sila sa sementeryo ngayon.
"Are you okay? You can stay to our house if you can't. " tanong ng kanyang lolo. Bakas sa mukha nilang nag-aalala sila sa kanya. "I'm fine lolo. I can and I need to" ngumiti siya ng pilit para ipakitang ayos lang talaga siya.
"Dad, where are we going?" Tanong niya sa ama. Kanina lang kasi nila sinabi na aalis sila. 5:00 pm na ng hapon kaya palubog na ang araw. "We bought a beach house in Batangas so we're staying there for 3 days" ngumiti siya sakanyang anak. Binili nila yun para pambawi sa pagkukulang nila kay Reese.
Actually, mamayang 8:00 pa sila aalis pero naghahanda na si Reese dahil sa excited siya. Medyo weird ang parents niya ngayon eh, nagtataka siya kung bakit gabi pa sila biyabiyahe eh pwede naman sila pumunta ng umaga? Pero tinanggal niya nalang ang pagtataka.
"Hija, baba na. We're here." Ngiti ng matanda sakanya. Binuksan niya yung pinto sa back seat at lumabas na. Lahat ng kamag-anak nila nandoon, masaya siyang sinalubong ng mga pinsan niya pero tumango lang siya at nagdiretso ng lakad. Habang nagsasalita ang pari hindi niya maiwasang maalala ang nangyari.
"After dinner, diretso na tayo sa Batangas okay?" Sabi ng ama niya habang kumakain. Ngumiti lang ang ina niya.
"Anak, naready mo na ba gamit mo? Bring clothes that last for 3 days huh?" Paalala ng ina niya.
"Nung pagkasabi niyo pa lang inayos ko na kaagad yung gamit ko." Sabay inom ng orange juice. "Oh? Too much excitement eh" pagsulpot ng ina niya sa usapan.
Maglalagay na ng mga bulaklak sa kabaong. Nauna ang mga kamag-anak niya, sinadya niyang magpahuli dahil di niya pa ata kayang makita ang Mommy at Daddy niya na nakahiga sa kabaong.
"Are we have a visitors tonight?" Her mother asked. Narinig kasi nilang tumunog ang dorbell kaya nagtataka sila. "Wait tignan ko sa baba" bumaba na ang ama niya. Nagpatuloy lang sila na kumain.
Tumayo na si Reese at pumunta na sa harap ng kabaong. Tinignan niya ng matagal ang ama at ina. Para lang silang natutulog ng mahimbing na mahimbing. Nag-uunahan na pumatak ang luha niya sa nakikita niya. The fact na hindi niya na kailanman makakapiling ang pamilya niya ay lalong kumirot ang dibdib niya.
"Ang tagal naman ata ng daddy mo? Wait sundan ko lang siya." Dumiretso ang ina niya sa may kusina at may kinuha bago lumabas.
'Ang tagal naman ata nila mommy at daddy tumaas?' Sa isip niya. Kakaalis lang ng mommy at daddy niya pero natatagalan na siya. Pagkatapos niyang kumain agad niyang hinugasan ang plato niya. Kahit na angat sila sa buhay marunong naman siya ng gawaing bahay.
*Bang*
"Waaaaah!" Nagulat siya ng may biglang pumutok na baril. Agad niyang tinakpan ang tenga at umupo. Pero di nagtagal mayroon nanaman siyang putok ng baril kaya dali dali siyang bumaba.
Nang makababa nakita niya ang magulang na nakahandusay. Agad niyang tinakbo ang mga ito at humagulgol. Niyakap niya ang mga ito.
"Mom! Dad!" Yugyog niya sa mga ito. "Mom, Dad?! Wake up? We were supposed to go to Batangas right?"
Niyakap siya ng lolo at lola niya at inakay papuntang kotse. Naisipan nilang iuwi nalang si Reese. Para kay Reese, isa ito sa mga pinakamalungkot at nakakatakot na bangungot ng buhay niya.
