No More Tears (one-shot)

Start from the beginning
                                    

Pilit kong winawagayway ang paa ko na para bang naghahanap ng matutungtungan hanggang sa... May dumampi sa paa ko at may natungtungan na ko. 

Biglang may nagtanggal ng tali sa leeg ko at niyakap ako pagkatapos. 

Pagkamulat ko....

"d-dre?" 

Nagulat ako kasi nasa harapan ko na sya at kayakap ko. Nakatungtong din sya sa isa pang silya sa harapan ko.  

Nararamdaman ko ang tibok ng puso nya. Ang bilis bilis! Para bang hingal na hingal sya. 

"w-wag mo na ulit gagawin yan mey-mey! *sniff* p-please. Wag mo na ulit uulitin yun. Tinakot mo talaga ako"

Natulala lang ako sa sinabi nya.  

Tinakot ko sya? Bakit? Dapat hinayaan nya nalang ako. 

Pabigat lang naman ako sa kanya eh. Lagi nalang nya kasi akong pinagtatanggol sa mga umaaway sakin sa school. Nasisira ang image nya dahil sa pakikipagtalo nya sa kung sino sino dahil sakin. 

Ayokong naapektuhan ang bestfriend ko.

"tara na sa baba.. *sniff* nakahanda na ang hapunan" mahinang sabi nya habang unti unting inaalis ang yakap nya sakin. Hinawakan nya ang kamay ko at inalalayan ako pababa.

Kung hindi ko lang sya bestfriend, siguro nainlove na ko sa kanya. Ay hindi.. Ayoko palang mainlove sa kanya. Masisira lang ang buhay nya. Hindi nya deserve ang isang gaya ko.

"Mey-mey.. Walang pasok bukas. Date tayo!!" nakangiti nyang sabi. Hinampas ko nga sa ulo. 

"sira ka talaga. Anong Date ka jan! Di naman kita boyfriend ah" 

Bigla naman syang nagpout. Ang cute nya tuloy lalo. 

"Bakit? Bawal ba idate ang bestfriend?" 

"bawal. Masama. Nakakamatay! -_-"

"hahaha.. Patawa ka mey-mey! Magjoke ka nalang lagi kahit korni. Basta wag na wag ka na ulit magtatangkang magbigti ha. Pagod na rin ako sa pagliligtas sayo" 

Nalungkot naman ako bigla.  

Pagod na pala sya. Sana pinabayaan nya nalang ako. :(

"hindi ko talaga maiwasan eh. Depress lang talaga ako Dre. Tsaka alam mo, nakakainis ka! Andun na ko eh. Mamamatay na ko. Umepal ka pa! Tsaka pagod ka na palang iligtas ako eh. Sana pinanuod mo nalang akong madedbol kesa naman iniligtas mo pa ko. Edi sana di ka napagod" 

"pshhh. Kahit pagod na ko, ililigtas pa rin kita! At kung sakali mang hindi kita mailigtas.. Asahan mo, susundan kita!"

"aray!" napaaray sya. Sinapok ko kasi. Pinagsasabi nun? Ako? Susundan nya? A-S-A!

"tara na nga. Ihahatid na kita sa kwarto mo. Matulog ka na. Maaga pa ang date natin bukas" di na konakareact kasi hinatak nya na ko bigla sa kamay at dinala sa kwarto ko.

Di ko pa nga pala nasasabi. Nasa iisang bahay lang kami. 1 month na akong dito nakatira at 1 month palang din kaming magkakilalang dalawa. 

Long story kung pano kami nagkakilala ni Dre basta nung araw na yun, depress na depress ako at siya ang tumulong sakin para maka move on ako.

Humiga na ko sa kama at... 

"O-oy.. A-anong ginagawa mo? Bakit nahiga ka dito? Dun ka nga sa kwarto mo!!" pagmamaktol ko. 

"ayoko nga. Tabi tayo. Baka mamaya kung ano nanamang gawin mo. Mahirap na!" 

Bigla nyang hinatak ang braso ko, dahilan para mapahiga ako..

No More Tears (one-shot)Where stories live. Discover now