The 7th Thing. [06 - Your friends, they are jerks]

Начните с самого начала
                                    

"Look, bestfriend kita, diba? Sana hindi masira ang friendship natin dahil sa gusto mo lang ak--" Tumawa naman siya.

"Di mo ba narinig sabi ko, Ash? Hindi na ikaw ang gusto ko. Si Lizelle ang gusto ko noh." Lizelle? Yung schoolmate namin?  "Atsaka, kagaya mo, mas mabuting tulungan na lang kita sa problema mo kay Stephen. Ang labo niyong dalawa e." 

"Bakit hindi mo niyaya si Lizelle sa Prom?"

"Naunahan na ako e. Pero hayaan mo, aamin ako sa kanya mamaya. Baka kasi, masawi rin ako sa pag-ibig e." Natawa naman ako sa sinabi niya. "Kaya ikaw, umamin ka na rin, kahit ba walang mapapatunguhan yang pag-ibig mo sa kanya. At least, umamin ka diba?"

Aamin na ba ako o hindi?

"Lika na." Nilagay ko na yung kamay ko sa braso niya at tuluyan na kaming pumasok sa venue. Ang ganda ng place. Magical. Sobrang cool ng nag-organize nito!

Nakita ko si Troy at Trish na magkasama at nag-hi kami sa kanila. Nakakatuwa nga e, bagay talaga sila. Napatingin ako sa may entrance ng venue at, andun na ang Golden Couple.

Stephen Yu and Angela Tuazon.

"Okay ka lang, Bes?" Nagtanong pa talaga si Trish. Hay.

"Let's dance na lang!" Sumayaw lang kaming apat hanggang sa mapagod kami. Nakakatawa nga e, para kaming abnormal dito. 

Maya-maya, inannounce na yung King and Queen of Promenade, at, akalain mo ba naman kung sino ang nanalo.

"Ms. Lizelle Diaz and Mr. Ethan Bunsoy. Come up here." Nagpalakpakan naman kami. Moment na 'to ni Ethan! Sana naman umamin na siya.

Ang lakas ng loob kong sabihin yun noh? Ako nga, di pa rin umaamin e.

"Have your first dance. Then, the others, you're welcome to dance!" Nagsimula ng sumayaw si Lizelle at si Ethan. Natatawa nga ako e, para bang, nagkakahiyaan sila, namumula si Ethan! Sarap asarin e. HAHAHAHA. =))))))))))))))))))))))

"May I have this dance?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Kevin, classmate ko. Napangiti lang ako at um-oo.

Maya-maya, nakakailang-sayaw na ako. Pero wala pa rin na kasama siya. Tanggapin ko na nga lang na hindi ko siya makakasayaw!

"Sayaw tayo?" Sabi ni Troy. 

"Sige."

Habang nagsasayaw kami, natatawa ako. Hindi siya marunong sumayaw e. Parehong kaliwa ang paa. Hindi ba natuturn-off dito si Trish? Ang sama ko ha.

Pagkatapos ng song, bumulong siya sakin. "Yung sabi namin sayo ha. Yung huling kanta, para sayo yun. Pinapadedicate sayo ng taong makikipagsayaw sayo sa last dance mo." 

Last dance? Kanta? Dededicate sakin? 

Nagbonding na lang kami ni Trish, kumain ng kumain. Uminom rin ng onti. Tapos, eto na ata yung sinasabi nila e. Yung Last Dance.

Nagpunta sa stage si Cleo, Evo at Troy. Tutugtog na ata sila e. Bakit wala si Stephen?

"Hello guys. Yung kakantahin namin, pinapadedicate ng kaibigan namin sa mahal niya. Kaya, eto na."

Eto ba yung sinasabi nila? Sinong nagpapadedicate? Wag niyong sabihing si--

"May I have this last dance with you?" Napatingin ako sa taong nagsalita. Si Stephen Yu. Natulala ako bigla. Pero tinanggap ko naman yung alok niya.

The 7th ThingМесто, где живут истории. Откройте их для себя