The 7th Thing. [06 - Your friends, they are jerks]

Começar do início
                                    

"Uy Ash! Dito ka pala." Talaga 'tong mga 'to oh. Mantitrip na naman ba 'tong mga 'to?!

Inakbayan ako ni Troy. "Ash, ano na? Wala ka na ba talagang gagawin?" Umupo silang 3 sa table ko.

"Oo nga. Hahayaan mo na lang ba silang magpakasal?" 

"Malay ko sa kanila! Problema nila yun." Umiwas ako sa kanila pero pinitik lang ni Evo yung ilong ko.

"Ikaw talaga. Wag ka ngang susuko! Mahal na mahal ka talaga ni Stephen. Hindi mo ba siya mahal?"

"Hindi."

"Sus. In-denial ka pa."

"Hindi nga e! Kulit niyo ah."

"May partner ka na ba sa Prom?" Tanong ni Evo.

"Meron na. Si Ethan. Bakit?" Napanganga silang tatlo.

"A-akala namin--"

"Akala niyo na alin?"

"W-wala."

Ngumiti naman silang tatlo.

"Ash, kakanta kami sa Prom, yung banda namin. Basta, yung huling kanta, nakadedicate yun sayo ha?" Sabay silang tatlong tumayo at umalis na.

Teka, anong kanta yun?! 

After ilang araw, Prom na. Kinakabahan ako na parang ewan. Sinundo ako ni Ethan sa bahay kasi syempre, siya escort ko. 

"Bye Ma. Bye Pa."

"Mag-ingat ka dun ha? Alagaan mo anak namin, Ethan." 

"Opo." Nagpaalam na kami sa kanila at sumakay sa kotse ni Ethan.

"May kotse ka pala."

"Sa daddy ko 'to. Hiniram ko lang."

"Ah." 

"Ang ganda mo pala ngayon."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Salamat. Ikaw naman, gwapo."

"Bolahan portion ba 'to?" Tumawa lang ako at tumawa rin siya. Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Hanggang sa may natanong akong gusto ko ng itanong sa kanya. Sensya, curious e. 

"May tanong ako sayo, Ethan. Wala ka ba talagang nagugustuhan?"

"Meron." Nagulat ako dun ha.

"Bakit hindi mo niyaya sa Prom?"

"Kapartner ko na siya e."

Napatigil naman ako dun at napatingin sa kanya.

Kapartner niya? Ako ba tinutukoy niya?

Di ko namalayan, nasa Shangrila Hotel na pala kami, kung saan yung venue. 

"Ash? Okay ka lang?" Iniwas ko sa kanya yung tingin ko. Ang awkward kasi e.

Umamin ba siya sakin na gusto niya ako?

"Hey, Ash." Lumabas ako sa kotse niya at palayo na sa kanya pero nahila niya ako.

"Relax, okay? Gusto kita. Pero dati yun. Alam ko namang wala akong pag-asa sayo e. " Huminga ako ng malalim at tinignan siya.

The 7th ThingOnde as histórias ganham vida. Descobre agora