---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ella - " kamusta na lagay mo Besh ? "

naikwento na ni Den lahat ng napag-usapan nila ni Bea . nagulat naman si ella at nag tanim ng sama ng loob kay Bea . ngayun nalaman nyang naiipit si Den dahil sa kondisyon ni Bea sa kanya . kahit sya ay nahihirapan dahil ayaw nya din matalo ang grupo nila . pero ayaw din nyang mahirapan ang kaibigan nya . kaya mas minabuti na lang nyang samahan si Den at damayan ito

Den - " ayos lang ako Besh .. "

nandito sila ngayun sa club nila . halos lahat ng girls ay mag kakasama , nag paalam ang mga boys nilang kasamahan na sasamahan nilang mag training si Bea at palakasin ang kakayahan nito . hindi naman nila iyon pinansin dahil masama padin ang loob nila sa kanila .

kahit bakas sa boses ni Den ang lungkot at pagkalito ay hindi nya padin ito maitago . gusto nyang makalaya kay Bea pero ayaw nyang matalo ang grupo nya . yun lang ang gumugulo sa isipan nya simula nung magkahiwalay silang dalawa ni Bea.

Ella - " hayyy ! ano na ba talagang nang yari sa atin !? " ginulo pa nya ang buhok nya dahil sa sobrang inis

Bang - " oh ells ? bakit pati buhok mo ginugulo muna ? hahah sanhi ba yan ng pag kagutom ? " mapag biro nyang saad

ella - " manahimik ka nga bangnita ! pero dahil pinaalala mong nagugutom ako .. makabili na nga lang ng pagkain .. "

lumapit naman si Den kay fille dahil napansin nyang nag aayos ito ng mga libro .

Den - " ate Fille .. anong ginagawa mo ? "

Fille - " ito ba ? heheh pinasuyo kasi ni Gretch na kunin ko lahat ng libro nya dito .. kakailangan daw nya para makapag aral ulit sya ng mga stratehiya .. "

hindi alam ni Den kung matutuwa ba sya dahil parang tumutulong si Fille sa grupo nila alyssa ,. hindi alam ng mga kasamahan nya maliban kay ella ang pinagusapan nila ni Bea . nahalata naman ni fille ang biglang pag tahimik ni Den at parang malalim ang kanyang iniisip.

Fille - " may problema ba ? "

hindi na sumagot si Den pero umiling lang ito bilang tugon . napangiti naman si Fille at pinag patuloy na lang nya ang pag kapatong patong ng mga libro para madala na ito kay Gretch . sabik na kasi syang makita ulit ang kasintahan nya .

nilapitan naman ni ella si Den

ella - " mabuti pa kayang sabihin na lang natin sa kanila besh .. "

Den - " hindi pwede Besh .. dapat ako lang ang sumulusyon nito .. baka pati sila magulo din ang utak .. "

ella - " so ako lang talaga ang pinagulo mo ng utak !? ganun ? " mapagbiro nyang tanong

Den - " may igugulo pa ba yang utak mo besh ? heheh " nag pakawala na sya ng mahinang tawa

natawa naman silang dalawa pati nadin sa nakarinig ng banant ni Den . kahit gustong mapikon ni ella kay Den ay hindi nya magawa dahil alam nyang pinapatawa lang din nya ang sarili .

Mela - " Fille .. tulungan na kita dyan sa bitbit mo .. "

Dzi - " asus .. yan tayo eh .. gusto lang din makita si Kim hahah .. "

Bang - " akala mo sya hindi ... may pag bato pa talaga ng kutsara huh hahaha .. "

kung kanina ay mahinang tawa ang pinapakawala ni Den pero ngayun ay humagalpak na sya ng tawa dahil sa pang aasaran ng mga kaibigan nya . " kakayanin ko ng mag isa ito para sa kanila .. heheh hindi na kailangan mandamay pa" sabi nya sa isip .

SUGO(alyden)Where stories live. Discover now