#Lokador

103 4 7
                                        

Nandito na ako ngayon sa room nakaub-ob. Napagod kasi ako kakabuhat sa mga libro ko, na wala man lang may tumulong sakin. Kahit pagpasok ko dito sa room walang may naging gentleman man lang. How dare they? Dagdagan mo pa 'tong mga kaibigan ko. Humanda talaga sila. Last subject na lang ngayon para sa umaga at nalaman kong may quiz kami. Hahaha

"Good Morning everyone. Let's have a quiz."bungad samin ng AP naming teacher. Narinig ko namang nagbulungan 'tong mga kaibigan ko.

"Okay lang yan, nandyan naman si Kaye eh." sabi ni bakla at tumingin sakin. Kakairita sila, porket ang ganda at ang bait ko? Gaganon-ganon na lang? No way! Lalo na at hindi niyo ako tinulungan?

"Orally." dagdag ni ma'am. Nagstretching kaagad ako. "If I caught you cheating, I'll mark you zero." sabi pa ni ma'am. Nagworry naman kaagad sila. Naku ma'am salamat talaga. Hahaha

"Kaye." sabi nilang tatlo with those pleading eyes. Naku, 'yokong magpadala. Bahala sila diyan. Tumingin na lang ako sa left side ko, nang nakalimutan kong ang pangit pala ng view.

"You're surely confident Ms. Lokador." sabi niya at nagsmirk. Pambihirang kambing na may bangs, tinawag pa niya ako using that?

"Cause I know I can, Mr. Heralgo." sabi ko at nagsmile.

"Let's see."

"Okay then, Let's start." sabi ni ma'am na may ngiti.

"Ang pagkakatuklas ng mga tectonic plate ang lalo pang nagpatibay sa isa sa mga teorya ukol sa pinagmulan ng Daigdig." Napangiti ako sa narinig ko, simula pa lang ng tanong. Binabalik lang niya ang tanong. Parang pang Grade 7/8 'tong tanong na 'to. At nagpapasalamat ako dahil todo study at pagmemorize ang ginawa ko kagabi.

Hindi na ako nagpatumpi-tumpi pa, inisa ko na ang aking kamay ngunit nagkasabay kami ni Pambee. My Gosh! Uunahan pa yata ako nito eh.

"CONTINENTAL DRIFT THEORY!" sigaw naming dalawa. Buwisit, sumabay pa. Akin lang yung puntos na yun. Akin lang. Haist!

"Very Good!" sabi ni ma'am sa aming dalawa. Para sakin lang yun dapat eh.

"Ano ang pinakamataas na bundok sa mundo?"

"Mount Everest! Ito ay may taas na dalawang po't siyam na libo at tatlong po't limang talampakan o walong libo, walong daang limang po't na metro." sunod-sunod na sabi ko.

"Pfft. Ganon pala yun kataas? Ang taas pala ng buhok mo ah. Hahaha" mahina niyang saad. Nakakabuwisit siya.

"5 points for that. Total of 10. Next."

Umupo ako at dinilaan si Pambee. Ano ka ngayon? Hahaha! Pero ang mokong nagsmirk lang. Buwisit talaga siya.

"Ano naman ang kinikilalang pinakamalawak na kapatagan sa Daigdig?"

"North European Plain ang pinakamalawak na kapatagan sa Daidig na may sukat na humigit-kumulang isang libong milya, mula sa kanlurang bahagi ng baybayin ng France hanggang Ural Mountains sa Russia." sabi niya at umupo. Kinompleto talaga niya?

"Very Good Mr Heralgo."

" See, I can be as confident as you are Ms. Lokador." sabi niya at nagsmirk.

"Wala akong pakialam. Saka puwede ba? Huwag mo nga akong tawagin gamit yan?" pagalit na saad ko.

"Hahaha. You're not the boss of me." sabi niya at tumingin na sa harapan. Haist! Ayoko na magpatalo. Ayoko na. Tumingin na ako sa harap at nagfocus ulit. Akin na 'to. Akin lang.

"Sino ang tagapagsulong ng continental-----"

"ALFRED WEGENER!" sabay ulit naming isinigaw. My Gosh! Kung hindi siya nauuna sumasabay pa. Haist! Tiningnan ko siya ng masama. Kanina pa 'to eh.

Huwag ka nang Humirit || JADINEWhere stories live. Discover now