Huli ka na at Luma ka na (one-shot story)

Start from the beginning
                                    

Perstaym kong pagsabihan nito kaya siguro 'tong heartbeat ko--- ay letsugas lang! Bakit ang bilis?!

Inipit ko nalang yung papel sa isa sa mga libro ko at sinirado na yung locker ko. Saktong nagwild na rin yung mga alaga ko sa tyan kaya nagpasya muna akong dumaan sa canteen at bumili ng makakain.

"Ate, sampu pong chocnuts."

"luma ka na." pamilyar yung boses kaya napalingon ako sa katabi ko. At ang tanging nasabi ko nalang...

"woah, bagong line ah. Congrats! May natutunan ka na ding iba." pagtataray ko sa kanya habang nakasmile tapos binelatan ko kaya bumehlat din siya pabalik.

Ngumiti siya at tumalikod na. Kinuha ko na yung pinamili ko at susundan ko pa sana siya kaso bigla nalang nawala. Tumakbo yata.

Naupo muna ako dun sa isa sa mga tables ng canteen at kinain yung pinamili ko. Mula sa malayo, natatanaw ko yung school grounds na may konting kahoy at sa ilalim ng isang puno, may nakatambay na isang lalakeng naka-akbay dun sa katabi niyang babae. Ang sweet naman nila. Bakas din sa mga mukha nila ang kasiyahan at pagiging in love sa isa't isa. Kaya napa-isip ako, ano kaya kung ako yung babae? Ano kaya kung... si Louis yang katabi ko dyan? Dadating kaya yung araw na yun? Yun bang sasaya siya sa tabi ko tapos hindi na niya uulitin yang famous line niyang 'huli ka na".

Nagsimula nang umambon kaya umalis na yung lovebirds sa ilalim ng puno. Dun ko lang narealize na---teka, anong oras na ba? Tumingin ako sa orasan ko tsaka dun naman sa lovebirds. Papunta silang PE room.

Anak ng sinugbang chocnut! May praktis pa pala ngayon sa PE room!

Dali-dali ko nang iniligpit ang mga gamit ko sa mesa at tumakbo patungong kabilang building.

Takbo ako nang takbo hanggang malapit na ako sa PE room. Hala, 15 minutes na akong late. Sana wala pa yung instructor namin. Patay na talaga ako nito, hindi pa naman yun magpapapasok pag late na.

Kaya lang, napahinto nalang ako sa pagtakbo nang may nakita akong isang babae at lalake na nakaupo sa labas ng PE room. Si Louis at si Kaye. Napansin kong tumayo si Kaye at pumasok ng PE room which means naiwan si Louis na nakaupo dun. Tumayo siya pero nakatungo.

Lumakad pa ako papunta sa pinto ng PE room at papalapit na din ako sa kanya. Nasa may tapat na niya ako nang bigla siyang nagsalita.

"Luma ka na."

Bwisit.

Di ko na kaya 'to.

Humarap ako sa kanya pero nakatungo parin siya.

*sigh*

Kaya ko 'to.

Naramdaman kong may namumuong luha sa mga mata ko pero bahala na. "T-tama na please? L-louis, hindi ko na kaya eh! K-kung 'yang mga salita lang naman ang gusto mong sabihin sa akin wag nalang please! Tao din naman ako! N-nasasaktan ako Louis! Louis g-gusto kita kaya hindi ako sumuko kahit yan lang ang mga sinasabi mo! Kaya hanggang behlat nalang ang magagawa ko sa'yo! Kung luma na ako o kung huli na ba ako ok lang! Kaya kong tiisin! Nakakainis at Nakakairita! Pero tinitiis ko! Pero ngayon suko na ako. Ayoko na! Masakit na eh! Siguro nga huli na talaga ako. Alam kong huli na ako dahil malamang kayo na ni Kaye ngayon pero Louis, gusto ko lang malaman mong m-mahal kita. Sana sasaya ka kay Kaye. S-salamat sa masasakit na salitang binitawan mo sa akin. Sana babalik na ako sa dating Ana na hindi ka kilala at hindi ka minahal."

"Huli ka na."

Huli na nga ako. Ibig sabihin sila na nga ni Kaye. Huli na nga ako.

Huli ka na at Luma ka na (one-shot story)Where stories live. Discover now