prologue

9.9K 144 4
                                    

━━━━━ ▹ ▹ ⌜ ⋈ ⌟ ◃ ◃ ━━━━━

⌜ Karylle ⌟

━━━━━ ▹ ▹ ⌜ ⋈ ⌟ ◃ ◃ ━━━━━

Naglalakad ako ngayon pauwi nang abutan ako ng ulan sa daan. Wala paman din akong payong. Sumilong muna ako sa isang gusali, nilalamig at basang-basa. Wala akong ideya kung paano makakauwi. Malalim na kasi gabi kaya wala ng nagdadaang mga pampasaherong jeep dito, kung meron man, puno. Kung minamalas ka nga naman oh!

Palinga-linga ako sa paligid, hoping na sana may makita akong jeep na masasakyan nang..

"Miss. You need help?"

May biglang kumalabit sakin mula sa likod ko. Hinarap ko siya at tinignan. Isang lalaking matangkad, chinito, maputi at nakasilong sa isang malaking payong. Well, lalaki nga ba? Naka-fitted jeans siya, naka-black top na may nakasulat na Sassy Girl, may nakapatong na itim na coat sa kanyag balikat na hanggang tuhod niya ang haba at rubber shoes na punong-puno ng dyamante. Ay ritskid. Tinernohan pa ng ubod ng kapal na make-up. Medyo manipis din ang pagka-tabas ng left-side ng hair niya, pinaghalong white at red naman ang kabuuan ng buhok niya, pati na yung bangs niya. Feeling ko, beki to. Pero ang pinagtataka ko, super baba naman ng boses niya.

"Uh, yeah. Wala kasi akong payong and I need to go home." sagot ko sa kanya. Pagkasabi ko nun ay pinayungan niya agad ako at inilagay ang coat niya sa balikat ko. Nagsimula narin kaming maglakad. Weird.

Habang naglalakad kami, sinabi ko narin sa kanya kung saan ang address ko.

Tahimik lang si Bakla habang naglalakad kami. Hindi nagsasalita. Ngayon lang ako nakakita ng Baklang tahimik, huh. Siguro, may problema 'to.

Hinatid na niya ako hanggang sa may gate namin.

"Thank you sa paghatid sakin," pagpapasalamat ko sa kanya at binigyan ko siya ng isang ngiti.

Papasok na sana ako nang bigla siyang nagsalita. "Yun na yun?"

"Huh?" anong ibig niyang sabihin?

"Ayon, ginalingan din eh. I did you a favor, hindi ka talaga mage-effort na tugunan yon? I mean, it's raining cats and dogs." g na g?

"Oh, sorry po. Pasok po, hehe." magalang ko siyang pinapasok sa loob ng apartment ko.

"You know what? I'm not comfortable kapag may nagsasabing 'po' at 'opo' sakin. As I can see, 'di naman ganon ka-layo ang agwat ng edad natin." medyo mataray niyang tugon at binigyan pa ako ng mapanghusgang tingin. Ay grabe to. Ginagalang na nga siya, siya pa 'tong may ayaw! Kaloka. Tsaka duh, mukha kaya siyang 40. (hahahaha 😂)

"Oh, sorry." hingi ko ng tawad sa kanya kahit na ayaw ko. Mahirap na, mukhang may kaya to at baka kung anong gawin sakin.

Dire-diretso siyang naupo sa sofa, tinaas yung paa niya at binuksan yung TV. Aba naman, feel at home ah!

"Dito ka muna hanggang sa tumigil ang ulan. Panik lang ako ha. Kapag may kailangan ka, tawagin mo lang ako," medyo asar kong sabi sa kanya. Gigigil din ako sa baklang to eh!

Nang makaakyat ako, agad kong hinubad ang coat na nasa balikat ko at sinampay sa likod ng upuan na nasa tabi ng desk ko. Matapos nu'n ay nag-dive agad ako sa kama ko. Forever ko talaga tong kama ko.

Dinama ko pa ang sarap (hahaha) na nararamdaman ko habang niyayakap ang unan.

"Nakakapagod.." unti-unti kong pinikit ang mga mata ko at di ko namalayan, nakatulog na pala ako.

Vice

Nasa'n naba yung girl? Isang oras na siya 'dun ah. Ano kayang ginagawa? Wala manlang miryenda na binigay. Unbelievable!

Inakyat ko siya sa kwarto niya at dahan-dahang binuksan ang pinto.

"Tulog?" bulong ko sa sarili ko.

"Ano ba namang klase matulo---g.... 'to," napatigil ako nang makalapit sa babaeng to at makita nang lubusan ang hitsura niya. Nakabulagta siya, halatang pagod na pagod. Iba rin ang nararamdaman ko ngayon. parang.. Parang pakiramdam ko nung una akong na-inlove sa isang babae. Ito yung pakiramdam na ayaw ko na sanang ulit na maramdaman pero.. pero anong nangyayari?

Para bang may sariling utak ang mga kamay ko. Hinawakan ko ang right cheek niya. Gumalaw siya ng bahagya at ngumiti. Para bang.. kumportable siya sa palad ko na nasa pisngi niya.

Hindi ko namalayan na unti-unti ko na palang nilapit ang mukha ko sa kanya.

Ilang pulagada nalang ang pagitan ng mga mukha namin. Nakita ko nang malapitan ang mukha niya. Ang ganda.

Sinimulan ko nang kabisaduhin ang mukha ng anghel na kaharap ko ngayon. Sinimulan ko sa mga mata niyang natutulog.. pababa sa ilong.. at pinagmasdan ko din ang pisngi niya na namumula. At narating ko na yung mga labi niya na ilang pulgada nalang ang layo mula sa mga labi ko.

Napangiti nalang ako nang makita ko kung gaano ka-perpekto ang mga labi niya.

Nanlaki nalang din ang mga mata ko nang maramdaman ko ang malalambot niyang labi.

Oh fuck.

Napabalikwas nalang ako ng tayo at agad na lumayo sa kanya. Nakita ko na nagmove siya ng konti at nasundan din ng ngiti sa labi. Napangiti nalang din ako at tumakbo na palabas ng kwarto niya at bumaba na sa tv area.

Napangiti nalang din ako at napahawak sa labi ko.

Shet. Hinalikan ko siya.

I can't believe it. But,

"I kissed a girl.. and I liked it."

━━━━━ ▹ ▹ ⌜ ⋈ ⌟ ◃ ◃ ━━━━━

I Kissed A Girl | ViceRylle [ EDITING ]Where stories live. Discover now