Do Not Disturb [One Shot Horror Story]

Magsimula sa umpisa
                                    

"Were stuck in here! OMG!", sigaw ni Mariz.

"God! Will you stop for being a brat, Mariz. Kahit ngayon lang!", saway dito ni Tanya.

Lalong lumakas ang ulan. May bagyo pa yata. Nasa gitna kami ng di aspaltadong daan. Nagpuputik sa labas at dahil sa gabi di namin maaninaw kung anong meron sa labas.

Tumataas na rin ang tubig sa labas at malamang kapag hindi pa tumigil ang ulan ay papasukin na ang van namin ng tubig mula sa labas.

"Okey..I seek for help..", matapang na sabi ni Marco.

"Good idea...", si Mariz.

"Wait for me here, guys...", sabi ni Marco bago siya umalis.

Makalipas ang isang oras wala pa rin na Marco na bumalik sa van. Natatakot na rin kami kasi unti- unti nang nagkakatubig sa loob ng van. Alam din namin na lubog na sa putik ang mga gulong nito.

May nakita kaming isang tao napapalapit sa amin. Kinilabutan ako.

"Si Marco!", sabi ni Rex.

Nakahinga ako ng maluwag ng malaman na si Marco iyon. Basng- basa na siya sa ulan.

"Good news! May nakita akong bahay sa di kalayuan dito. Apartment yata yun. Nagsabi na ako dun sa pamangkin nung may-ari na kung pwedeng maki-stay tayo kahit ngayong gabi lang...Pumayag naman siya...", sabi ni Marco.

Hays...Mabuti na lang.

Kinuha lang namin ang mahahalagang gamit namin. Cellphones at ilang damit na binalot namin sa plastic bags.

Tumatakbo kaming sumunod kay Marco hanggang sa makarating na kami sa apartment house na sinasabi ni Marco. Pumasok kami sa loob. Sinalubong kami ng isang dalagita. Mukhang kaedad lang namin siya.

"Heto ang mga kaibigan ko...", sabi ni Marco.

"Ako si Hanna. Maaari kayong tumuloy dito pero dito kayo sa salas matutulog dahil puno na ang mga kwarto dito.", sabi ni Hanna.

"Ganun ba? Okey lang iyon..", sabi ko.

"Maiwan ko na kayo."

Isa- isa kaming nagtungo sa banyo upang makapagpalit ng tuyong damit. Marami ngang nakatira sa apartment na ito. Halos puro estudyante na college.

Naglatag kami ng makapal na kumot sa salas at doon umupo kami ng paikot. Hindi kasi kami makatulog noon.

Do Not Disturb [One Shot Horror Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon