"a-anong ibig sabihin nito ?"

Konti nalang.. tutulo na yung mga luha ko

"can you read the last paper na nasa box ?"
"ano bang sinasabe mo .. bakit hindi mo ipaliwanag sakin kung ano-"
"please..... please"

Kinuha ko nalang yung last paper at binuksan..

I miss you so much alyanna - Andrew

At doon na nga tuluyang umagos ang luha ko habang pinag mamasdan ko yung papel

"10 years.... Alam kong 10 years kang nag antay at sobra akong na guilty dahil sa loob ng 10 years nay un hindi ko man lang nagawang paikliin.."

Napatingin ako sa kaniya

Kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot

"sa totoo lang natatakot ako... natatakot ako na baka hindi mo na ako kayang tanggapin... lalo na ngayon na hindi na ako yung Andrew na kilala mo"

At doon na nga ako humagulgol ng iyak

"so totoo nga ... totoo nga yung nabasa ko sa past medical history mo ? na nagkaroon ka ng serious car accident sa London na kailangan mong mag undergo ng plastic sugery ?"

Dahan dahan siyang tumango

"at nagkaroon ka ng amnesia ???"

Ngumiti siya

"kela-kelan pa nabalik ang alaala mo ?"
"simula nung nag punta ako sa despidida ni Samantha"
"bakit hindi mo sinabe sakin ?!"
"dahil hindi pa ako handa mentally..... alyanna , takot akong sabihin sayo"

Hindi na ako nag dalawang isip pa ..

Tumayo ako sa kinauupuan ko at niyakap ko siya


[ ANDREW FENDREZ SIDE ]

"gago ka..."

Napangiti ako

"hindi bagay sayo nag mumura.."
"nakakainis ka... galit ako sayo..."
"I know...."

Nagulat ako nanng bigla niya akong pitikin sa noo

"oh bakit.. ang sakit nun ah !"
"wala ... para masira yang plastic surgery mo !"

At naglakad siya ng mabilis

Pabalik na pala kami sa unit niya

Napangiti ako

Hindi ko din inaakalang nagawa niyang tanggapin lahat..

At hindi talaga ako nagkamali sa pag hanap sa kaniya datii...

"oh luke ! bakit saan kayo pupunta ?"

Nakita naming palabas ng lobby ng condo si Luke

"si Zedrick, sinugod daw sa hospital"
"ha ?!!"

----------------------------------------------------

Nandito kami ngayon sa hospital

"excuse me, nasan po si Zedrick Lopez ?" - Luke
"nasa operating room pa po sir..." - Nurse
"ano bang nangyari sa kaniya ??" tanong ni Alyanna
"dra. Kayo po pala.. umm"

Aligagang hinanap ng nurse yung record

"gun shot po.."
"ANO ?!!"
"opo.. umm, silang dalawa po .."
"dalawa ? sinong dalawa ? may kasama pa siya ??"
"opo.. si---"
"nurse, natawagan mo na baa ng kamag anak ni Mr. Lopez ??"
"nandito na po sila doc.."
"dra. Montero....
"dr. Perez... ano pong nangyari kay zedrick"

Bumuntong hininga yung doctor....

"it's a gun shot... and we try our best pero..."
"pero ano ?!!!" - Luke
"tumama sa puso niya yung bala and sorry...."

Failed To Love You ♥Where stories live. Discover now