Nag bless ako sa kaniya

"gutom ka ba gusto mo kumain ?"
"hindi na po , bumili na po ako ng snacks"

Napatingin si mama sa mga dala ko at napangiti siya

"nandun siya sa kwarto niya..."

Umakyat ako papunta sa kwarto ni allen..
Bago pa man ako pumasok.. nakaramdam ako ng kaba at takot... hindi ko alam pero natatakot ako na baka hindi niya ako kausapin... galit ba siya sakin ? sabagay, sino ba namang anak ang hindi magagalit sa ama niya na nagkaka ganito..

Pero naglakas loob pa din akong pumasok..

Pag pasok ko naabutan ko siyang nanunuod ng cartoons... mukhang hindi niya ata narinig ang pag pasok ko.. dahan dahan akong lumapit nang bigla siyang napatingin ... Napahinto ako... ang laki na niyaa ah .. pakiramdam ko halos ilang taon ko siyang hindi nakita

"Daddy !!!!!"

Dali dali siyang tumakbo at yumakap sakin

"bakit ngayon ka lang daddy ??"

Humiwalay ako sa pagkakayakap

"busy kasi si Daddy eh.... Kaya hindi tayo makapag kita..."
"ganun po ba..."

Natawa ako...

"parang dumederetso na ang pagsasalita mo ng tagalog ah ?"
"ofcourse ! lola taught me :D"
"ganun ba... by the way , I have presents for you"
"waaaahh ! really /!!!"

Inabot ko yung mga plastic na dala dala ko at hinalukay niya lahat ng yun..

Ang sarap lang maging bata ule... ung pakiramdam na masaya ka lang sa maliliit na bagay, na hindi mo kelangan intindihin kung anong dapat mong gagawin sa mga susunod na araw .. na hindi mo kelangan makaramdamn ng emotional na sakit

Hinawakan ko ang ulo ni Allen

"sorry anak kung wala ako kahapon sa birthday mo..."
"its ok daddy.. I know that you are so busy and I don't want to disturb you"

Nararamdaman ko ang luha sa mga mata ko

"daddy are you ok ? why are crying ?"

Hinawakan ni Allen ang mukha ko

"daddy is just happy...."
"but why are you crying ??? are you hurt ??"

Niyakap ko nalang siya

"daddy its ok, you're not alone daddy..."

Nagulat ako sa sinabe niya

"lola is here, tita aly, tita Sammy, tito pogi (Luke Barmeho) , tito jenzel , and also ME !!! "

Natawa ako..

"tama ka allen... daddy is not alone right ?"

Tumango siya tapos bigla niya akong niyakap..
Bakit ganun pakiramdam ko may mas Malaki pa akong yakap na nararamdaman ???
Humagulgol nalang ako sa iyak...

Eliza, I miss you ... I really miss you....


[ ALYANNA MONTERO's SIDE ]

"doc, may gusto daw pong kumausap sa inyo..."
"ah ganun ba , sige papasukin mo nalang"
"good afternoon doc.."

Pag lingon ko

"Karen ?"

Ngumiti siya

"buti naman po at naalala niyo pa ako..."
"oo naman... have a seat"

Umupo siya

"so anong maitutulong ko sayo??"

Nanahimik siya sandal at tinignan ako ng seryoso

Failed To Love You ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon