A Taste of Freedom and Serenity

Start from the beginning
                                    

Masaya kaming nagsimulang kumain, pareho kaming interesado ni Chynna sa mga nagawa ni Rhian sa London, at sa mga papel na ginampanan niya, dahil hindi lang pala siya umani ng papuri at ilang pagkilala sa pag-ganap bilang Juliet at Desdemona sa Shakespeare Rocks, kundi pati na din sa Wilde Rice series na The Importance of Being Earnest. Tuloy ang aming pagkain at pagkukwentuhan ng biglang tumunog ang cellphone ni Chynna, at agad naman siyang lumabas at kinausap ang tumawag.

"Oh sinong tumawag?" tanong ko ng makabalik siya

"Ahh wala, si Eunice lang." tipid na sagot niya

"Ahh okay, tara Rhi, iikot kita sa buong building."

"Oo nga mabuti pa nga Rhian, maiwan nalang ako dito sa reception." Prisinta ni Chynna.

"Sige ba!" Ngiting sagot naman ni Rhian.

Sinimulan ko siyang ilibot sa unang palapag kung nasaan ang mga classroom para sa mga estudyanteng gustong matutong magplay ng iba't ibang instrumento, tulad ng gitara, piano, drums, violin at cello. Pumasok din kami sa studio mismo kung saan ko nirecord ang ilan sa mga kanta ng Synthesis at ng mga sumunod ko pang album.

"So dito pala nabigyan buhay ang lahat?" tanong ni Rhian habang inililibot ang mata niya sa buong paligid

"Dito nga nabuhay muli pati ako."

"Ang galing mo, hindi ako nagkamali sayo..." sabi niya bigla sa seryosong tono

"Hindi mo naman ako iniwan ng dahil sa inakala mong magiging failure ako?" derechong tanong ko sa kanya, bigla naman siyang natawa

"Ano ka ba Cha? Hindi yun yung dahilan at ni sa hinagap hindi ko naisip na magiging failure ka sa kahit anong gagawin mo, number one fan mo kaya ako!" masiglang sabi niya at hindi ko nanaman napigilan ang ngiti ko.

Lumabas kami ng studio at paakyat na sana sa ikalawang palapag ng biglang may tumawag sakin...

"Cha..."

"Ben? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa lalaking naghihintay samin sa may reception na may bitbit nanamang bulaklak

"Can we talk?"

"Ben - -"

"Please Glai?" pagmamakaawa niya, kaya imibis na tanggihan pa siya uli at pahabain ang usapan ay bumuntong hininga nalang ako at bumaling kay Rhian, na nakasimangot na din kay Ben.

"Yon, kausapin ko lang ha?" paalam ko dito, ngumiti lang siya sakin at tumango.

"Tara sa office ko Ben." Sabi ko kay Ben sa seryosong tono, sabay lakad papunta kung saan kami kumain kanina ng lunch.

+++

"Oh wag ka ng sumimangot, maguusap lang yung dalawa." Puna ni Chynna sa pagsimangot ko.

"Bakit ba kasi ayaw tigilan ni Benjamin si Cha?" yamot kong tanong

"Hindi mo din naman masisisi si Ben, siya kasi ang isa sa mga maigting na tumulong kay Cha para makabawi nung lumamlam ang career niya sa ABS, nung umalis ka kasi nawala sa sarili niya si Glaiza, naging mapili siya sa projects, akala ko nga hindi pa niya matatapos yung huling semester niya eh."

"Ano pang nangyari?" malungkot kong tanong habang pinagmamasadan ang mural painting ng mukha ni Glai sa reception area.

"After ng graduation binitawan din siya ng ABS, eh mataas ang pride kilala mo naman at ayaw magpapuna sa mga magulang niya kaya nung nag-offer ulit si Ben, tinanggap niya agad, dun nagsimula yung pagkakaibigan nila na inakala kong magiging mas seryosong relasyon lalo na nung umuwi si Glai na brokenhearted nung Makita ka niyang may kasamang iba sa London."

The Anatomy of Our AlmostsWhere stories live. Discover now