CHAPTER THREE

4 0 0
                                        

ZACH'S POV

Maaga akong nagising. Halos wala nga akong tulog. Hindi ako dinalaw ng antok kagabi. Gusto ko kasing titigan magdamag ang mukha ni Yen pero pinigilan ko ang sarili. Kaya paggising ko ay 'yon ang pinaka-una kong ginawa. Pinagmasdan ko siya habang mahimbing na natutulog. Siya yata ang pinaka-cute na nakita kong tulog. Nakayakap siya nang mahigpit sa unan habang nakabaluktot ang katawan. Natatabunan ang katawan niya ng kumot, ulo lang ang nakalabas. Kung titingnan mo para lang siyang unan na tinakpan ng kumot.

Hindi ako magsasawang tingnan ang itsura niya habang tulog. Ang cute kasi. Maliit na nga siya, lalo pang lumiit tingnan. Pero ang pinakagusto ko sa kanya ay ang buhok niyang mahaba na alon-alon na nakasabog sa kama. Idagdag pa ang kulay ng buhok niya na brown na kapag nasinagan ng araw ay parang tanso ang kulay. Mukha siyang isang diyosa.

''Yen kung alam mo lang kung gaano kita ka....'' Bigla siyang gumalaw at dahan-dahang nagmulat ng mga mata.

''Zach...'' medyo husky ang boses niya dahil bagong gising. Para bang inaakit niya ako.

''Good morning Yen.'' nakangiti kong bati sa kanya.

''Morning.'' bumangon siya at naupo patalikod sa akin.

''Kanina ka pa gising?'' tanong niya.

''Oo. Bakit nakatalikod ka?''

''Alangan namang magtanggal ako ng muta sa harap mo.'' bigla siyang humarap. ''Ibig sabihin pala kanina mo pa ako pinapanuod na matulog?''

''Siguro.'' pagkatapos kong sabihin 'yon ay binato niya ako ng unan. ''Ano ba?''

''Nakakainis ka.'' iyon lang ang sinabi niya sabay labas ng kwarto.

Naiwan akong nagtataka.

''Anong nangyri sa kanya?''

*************************

YEN'S POV

Abnormal talaga ang lalaki na 'yon. Tama bang panuorin ako habang natutulog? Maganda na sana ang gising ko dahil ang gwapo mukha niya ang nasilayan ko. Kaso ng malaman ko na kanina pa niya ako pinagmamasdan habang tulog ay nainis ako. Pero teka lang.....bakit nga ba ako naiinis dito? Matagal naman na kaminng magkaibigan at sanay na ako sa kanya. Madalas naman na ganon siya, dati pa.

''Ang aga-aga nakabusangot ka.'' puna ni Nanay Azon.

''Nay.'' galing sa kwarto ay dumiretso ako sa kusina. Doon na ako nagmumog. Hindi ako naghihilamos sa umaga at hindi ako nagsusuklay. Ipinupusod ko lang diretso ang buhok ko. ''Nasaan po si Tatay?'' tanong ko.

''Nagpapakain ng mga ibon sa labas.'' mahilig kasi si Tatay sa mga ibon, lalo na sa love birds at kalapati. ''Si Zach tulog pa ba?''

''Kanina pa ho gising.''

''Tawagin mo at mag-aalmusal na tayo. Pupuntahan ko lang ang tatay mo sa labas para sabay-sabay na tayong kumain.''

''Opo.'' maliit lang naman ang bahay na 'yon kaya maririnig lang ni Zach kapag sumigaw ako mula sa kusina. ''Zach, kain na.''

''Ang ingay mo naman.'' napakislot ako. Nasa likod ko na pala siya.

''Huwag mo nga akong gulatin.'' reklamo ko.

''Hindi kita ginulat.'' hindi ako sumagot naupo lang ako. ''Simba tayo.''

''Gusto mo pa lang magsimba dapat kanina mo pa ako ginising.''

Hindi 'yong pinagmamasdan mo pa akong matulog. Gusto ko sanang sabihin pero hindi na lang.

''Ayokong gisingin ka dahil alam kong pagod ka. Pwede pa tayong humabol sa third mass ngayong umaga.''

Caught Between I Love You and GoodbyeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant