Day 1: The Pessimistic Girl And The Nude Statue

49 1 0
                                    

-UNANG BAHAGI-

“Nozomi, gising na.”

Ginising ako ng nakakasilaw na sinag ng araw mula sa aking kwarto.

7:34 ng umaga, araw ng lunes.

“Hoi, Nozomi!”

Ang ingay talaga ni Akane.

Noong una, binale-wala ko lang ito hanggang nahimasmasan na ako ng tuluyan matapos sigawan ng aking nangagalaiting ina.

Kahit bahagya akong bumangon, pilit pa rin’ pumipikit ang aking inaantok na mga mata.

Talagang ayaw akong lubayan ni antok.

At sa mga oras na iyon, nananaginip pa rin ako.

Matiwasay kong nililibot ang sinaunang mansion ng angkan ng Maeda na pagmamay-ari ng aking lolo.

Dito kami nakitira ngayon matapos mahimlay sa ospital ang aking ama gawa ng kanyang matinding pagdurugo sanhi ng Hemophilia.

Tahimik ang buong lugar at dahan-dahan kong tinakbo ang buong paligid.

Hitik na hitik sa mga antigong reliko mula sa sinaunang panahon ang mansion na iyon.

At karamihan sa mga ito ay mga relihiyoso.

At sa kapabayaan ko, nasagi ko ang isang malaking relikong bato na hugis-tao.

Nabasag ito’t nagkapira-piraso sa malinis na tatami na bagong pudpod ng aking ina.

At speaking of ina, nakita ko siya sa likuran ko.

May dala siyang megaphone at nakatingin sa akin ng masama.

“Bumangon ka na dyan, Nozomi. Nakakahiya sa mga naghihintay sa’yo.”

“Bumangon ka na dyan, Nozomi. Nakakahiya sa mga naghihintay.”

“Bumangon ka na dyan, Nozomi. Nakakahiya.”

“Bumangon ka na dyan, Nozomi.”

“Bumangon ka na dyan!”

“NOZOMI! Sabuyan kita dyan ng mainit na tubig, isa!”

At tuluyan na nga akong nagising.

Mula sa pader ng aking kwarto, napakinig kong ang ngisi ng dalawa kong kaibigan habang bumababa si ina.

“Sabihin niyo lang ha pag di’ bumaba si Nozomi ha. Nakahanda na ang thermos sa kusina.”

Napa-“oo” na lamang ang dalawa na hindi na mapigilan ang sarili sa kakangisi.

“Tsss.”

Kahit kalian talaga, ang dalawang iyon.

Shuzimiya Hayami.

Tsinita.

Bilog ang mukha na halos perpekto kahit sang angulo mo man’ tignan (Kamukha na niya si Mocchi ng Monster Rancher).

Paiba-iba lagi ang pirintas sa buhok kada araw.

Takenori Ran

Payat.

Abot-balikat ang mala-emo nitong buhok na makintab, malandas at halos kasing lambot ng foam (Ano kayang brand ng shampoo nito?).

Mapapagkamalan mong “chix”, yun’ nga lang, tomboyin.

Kinabahan ako sa magiging reaksyon ng dalawa kapag nakita nila ang pagmumukha ko’.

Halos kalahating oras rin’ ang hinintay nila mula saming salas.

NekomataWhere stories live. Discover now