Utot love story...

68 1 0
                                    

 Ang kwentong ito ay bunga lamang po ng imahinasyon at kalokohang namamalagi sa utak ko.. Pag pesensyahan nyp nalang ang kakornihan ng kwentong toh..  Tsaka bunga rin pala toh ng boredom..

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Hoy! Gising na! Tapos na yung klase! Tinulugan mo na naman si ma’am!” pang bubulabog sa akin ni Marcus.

Si Marcus ang pinaka gago, pinaka sira ulo, pinaka magaling mang bulabog at pinaka nakakainis na tao sa buong mundo!

Bakit?

Nakaw! Simula grade school kami, kaklase ko nayan. Oo close kami pero hindi kami mag best friend. Mest frienemy kami nyan. Mag kaaway pero mag kaibigan. Marami nang kasalang ginawa yan sa akin. Nung grade one kami, hinila nya yung upuan ko. Grade two, sinipa ako tapos nahulog ako sa putikan. Grade three, muntikan na akong masubsob sa inidoro dahil bigla nyang binuksan yung pinto habang nag lilinis ako. Grade four, muse ako.. sya ang escort.. Hindi ako sinipot sa contest naming.. pero nanalo kami.. no, AKO.. masakit yun eh.. kasi nung grade four kami, nag karoon ako bigla ng crush sa kanya..

Oo gwapo kasi sya.. mayaman.. matalino.. masipag daw.. genatleman daw..

Tandang tanda ko pa lahat ng kalokohan nyan!

Pero ang pinaka ayaw ko sa lahat ng ginawa nya..

Nung graduation namin..

Papababa na ako ng stage ng bigla nya akong pinatid..

Sumubsob ako nun.. pinag tawanan.. dali dali nya naman akong nilapitan..

Hindi ko na napigilan ang luha sa mata ko..

“Ang sama sama mo! Wala naman akong masamang ginawa sayo ah!” sigaw ko sa kanya at umalis na sa school kahit na hindi pa tapos yung ceremony namin.

“SHANA! SORRY!” sigaw nya pero hindi ko pinansin..

Habang tumatakbo ako, patuloy na umaagos ang luha ko. Sinalubong ako ni mama at umuwi kami..

Ngayon..

Third year high school na kami..

Hindi na crush ang nararamdaman ko sa kanya..

Mahal ko na ata yung sira ulong yun!

Pero ang nakakapag taka lang..

Parehas kami ng pinasukan school samantalang may school na nag aalok ng scholarship.. gagawin pa ng ata syang model dun dahil sa kagwapuhan nya..

Pero he rrefuse daw.. pinilit pa nga sya ng magulang nya pero no can do..

Hay nako! Back to the story..

So break na..

“Try mong gumalaw!” sabi nya.

“Che manahimik ka!” sabi ko.

“Sorry!” sabi nya sabay killer smile.

“Pasalamat ka mahal kita…” bulong ko sa sarili ko.

Nag aayos ng ako ng gamit ng biglang may..

“Holy sh*i! ano ba naman yan!”

“Putcha! Hoy kung sino man yang umutot, mag tago tago kana!”

“Grabe yang granada nayan! Sa kanal ata ginawa yan eh!”  sigaw nilang lahat.

“Si Shana!”

Utot love story...Where stories live. Discover now