"Aba, makapag-utos ka ha. Bahay ko kaya to." Joke nito sa kaibigan.

"Ay oo nga pala. Sorry." Sagot nito habang naka-peace sign.

"Haha. Ba't ka ba kasi nagmamadali eh maaga pa naman." Habang nakatingin sa orasan sa side table ng kama ni Sarah.

"Kasi mamamasyal kami ni Gerald." Wala sa loob nitong sagot.

"May date pala kayo. Ang bilis mo naman girl. Kagabi lang kayo nagkakilala ah. Ay mali, sa terminal pala kayo unang nagkita." Pang-aasar niya rito.

"Hindi yun date. Pasyal yun te." Pagdadahilan nito.

"Ganun na din yun noh." Dagdag nito.

"Hay naku. Bahala ka na nga kung anong gusto mong isipin. Sige na., labas na't maliligo na ako. Bilis." Pag-iiba nito ng topic sa kaibigan.

"Denial queen ka talaga Sars kahit kelan." Puna nito sa dalaga.

"Tse!" Ang tanging naisagot nito sa hirit ni Angge. 

Dali-dali itong pumasok sa banyo at naligo. Habang ang kaibigan naman ay napagpasyahang magluto na lamang ng kanilang almusal. Saktong kalalabas nito ng banyo ng marinig nanaman niyang tumunog ang kanyang phone. Agad nitong binasa ang mensahe na galing sa lalaki. 

"I'll be waiting for you at Baguio Cathedral." Mensahe ng binata sa kanya.

Naisip naman niyang replayan ang binata. "Hi Ge, good morning. It is okay kung mga around 10 tayo magkita?" Tanong nito kay Gerald.

"Yah, it's okay. Gusto mo sunduin na lang kita?" Gerald asked. 

"Ah hindi na. I'll just take a cab." Maikling sagot nito as a smile formed on her lips.

"Okay. So see you around 10 at Baguio Cathedral." He reminded.

"See you!" She replied. 

"I'm so excited." Reply ng binata sa kanya. 

Magrereply na sana ito ng marinig niya ang pagtawag ni Angge sa kanya.

"Sarah, tama na ang text. Kakain na." Pang-aasar nanaman ng kaibigan sa kanya.

"Hindi po ako nagtetext!" Sagot naman ng dalaga sa kaibigan. "Nagbibihis po ako." Emphasizing the word nagbibihis. Pagkatapos nitong mag-ayos ay agad itong lumabas ng kwarto. Nadatnan niya ang kaibigang inihahanda sa lamesa ang nilutong pagkain. 

"Uy excited na siya sa date niya." Pambungad ni Angge sa kanya ng makaupo na siya sa lamesa.

"Hindi yun date noh. Kung gusto mo, sumama ka pa." Sagot nito habang kumukuha ng tinapay.

"Ayoko nga. Ano ako chaperone." Maarte naman nitong sagot.

"Ewan ko sayo." Ang tangi nitong naisagot sa inasal ng kaibigan.

Maya't maya'y inaasar pa rin siya ng kaibigan habang kumakain. Natatawa na lamang ito sa ginagawa ni Angge. Malapit na silang matapos kumain ng naalala niyang kelangan pala niyang tawagan ang bestfriend niyang si Anne. Binilisan nitong kumain at agad nagtungo sa kanyang kwarto para kausapin ang kaibigan. Naintindihan naman ito ni Angge at nagpresentang siya na lang ang magligpit ng pinagkainan nila.

"Hello, who is this?" The other line answered.

"Anita." She replied.

"Sarah. Sarah Sophia?" Halos pasigaw na sagot ng kabilang linya. "Oh my God. Where are you? Saan ka nagpunta." Tuloy-tuloy na tanong niya sa kanyang kaibigan.

"Hep hep. Relax lang te." Singit niya rito. "I'm okay." Maikling sagot nito.

"Hay., pinag-alala mo ako ha. Whose with you? Nasaan ka?" Her friend asked.

It's Not about your Scars, It's All about your HeartWhere stories live. Discover now