Bihira kasi kami magdate at hindi rin naman ako ganun kacomfortable sa mga ganitong lugar kasi minsan nakakainom din si Leo pag nandito.

Trauma from the past.. Siguro.

Nakakainip dito tanging pagkain nalang nung ubas ang naglilibang sakin. Ang tagal naman kasi maligo nung isang yun.

Nagshashaower kasi siya dun sa cr ng room niya.

Bukas narin yung TV pero puro currency news lang naman kung saan wala naman talaga akong hilig.

Dun nga ako maghihintay sa kwarto niya.

Baka kung ano isipin niyo ha, pinapayagan naman niya ko dun kaya ayos lang.

Tinitingnan ko lang yung paligid ng kwarto niya. May pinagbago sa mga pwesto ng gamit pati kulay ng kurtina, dati kasi black eh kaya hindi ako pumapasok, masyadong madilim. Buti nalang ngayon may kombinasyon ng white yung color.

Nakita ko namang nakabukas yung laptop niya na nasa may bedside table.

Hindi naman siguro masama kung titingnan ko diba?

"Special?" napangiti ako sa pagbasa ng file name.

Binuksan ko yun.

Letse. Mga pictures ko to ahh, may mga baby pictures ko rin na ang alam ko nasa photo album lang namin.

Tsk tsk, si mommy nagbigay nun. Jusko yung apple cut pa ko nung bata. *iling iling* no no. Ang pangit ko nung mga panahong yun.

Waitㅡ at may video pa talaga ha.

/play/

"Oh babe." tawag ni Leo na kalalabas lang ng pinto ng cr niya.

"Babe." sabi ko at nginitian siya at binalik ang tingin sa laptop.

This isn't true.

Unti unting namuo yung mga luha sa mata ko.

"What the fuck?" I said pero walang lumalabas na boses dahil sa pagpipigil ko ng luha.

"Wait. Ano ba yangㅡ" natigilan siya ng makita niya ang kasalukuyang nagpeplay parin na video.

"P*tangina mo." gigil na sabi ko sakanya.

"I can explain." sabi pa niya.

"Of course you can explain! You can explain kasi ikaw to! Ikaw tong nakikita ko sa malaswa at nakakadiring video na to! At kung may papakinggan ako sa explanation mo is kung bakit at paanong si Alyssa ang kasama mo dito! Bakit siya? Paanong siya?" pabulong na at mahina na ang pagkakasabi ko sa huling salitang binitawan ko. Nanghihina ako at hindi ko alam kung bakit hindi pa ko umaalis sa harapan niya hanggang ngayon.

"I-i Stephanie..." yun lang ang nasabi niya.

"I thought you can explain?" mapait na tanong ko sakanya.

"I'm so sorry..." nagmamakaawa yung mga mata niya. Fvck?!

"I don't need your apologies. Dahil ang kinakailangan ko ay yung sagot mo, yung sinasabi mong explanation na maibibigay mo! YUN ANG KAILANGAN KO!!" iyak na ko ng iyak. Hindi ko mapigilan dahil parang pinipiga yung dibdib ko sa sakit.

"Kailan mo pa ko niloloko?" mahinang tanong at tiningnan ko siya sa mata.

Naghintay ako at hindi siya sumagot.

"Bago pa man ba?" itinaas niya yung tingin niya sakin.

"Bago pa man maging tayo?" tanong ko sakanya pero nanatili lang siyang hindi umiimik.

Love [HunLi FanFic]Where stories live. Discover now