"Ui ano pala yung mga nasasagap ko? Na hiwalay na daw si Sade at Stephanie? Tapos kakakita ko lang dun sa boyfriend na sinasabi ni Stephanie ngayon na may kasamang jontes, pero hindi ako sure eh. " kunot noong kwento niya samin.

"Ha? Tamo puro kasinungalingan yang nasasagap mo. Eto kasi yun, si Sade ang may najontes, tapos si Stephanie ay may bago ng boyfriend. " paliwanag naman ni Jazz.

Natatawa lang ako sa pag-uusap nila. Ganun parin, parang nung mga College palang kami.

"Hindi eh, kilala ko na nga yung boyfriend ngayon ni Stephanie, at may nakita akong may kasama siyang buntis. " pakikipagtalo ni Lexi.

"Saan mo naman nakita? " tanong ni Jazz.

"Sa ospital namin. " napatingin nalang sakin yung asawa ko kaya nginitian ko nalang siya.

-

Krystal's POV

Nandito kami sa bayan para maglibot nina Lian.

Kasama namin si Mark at Kendrick pero bibili daw silang makakain namin eh.

Naghihintay lang kami dito sa gilid ng kalye. Kanina pa kasi sila nakaalis para bumili ng pagkain.

"Siguro walang makita yung mga yun." sabi ni Lian na sinangayunan ko naman.

Yun narin yung naiisip kong nangyayari sakanila ngayon. Hahaha letse XD

"Bili na tayong inumin para pagdating nila sabay sabay na tayong pumunta sa mall." sabi ko at hinawakan ang kamay ni Lian at tumawid kami ng kalsada.

/BOOOOOOOOOOOGGGGGSSHH/

Then everything went black.

-

Jazz's POV

"Langya kang babae ka. May manliligaw ka na naman haaa." sabi ko sakanya sabay tawa naming parehas.

"Ikaw nga tong nauna pa sakin, maawa ka nga sakin Jazz." sabi niya sabaw bato sakin ng hotdog pillow ni Pauline.

"Syempre ako pa!"

Kanina pa kami nag-aasaran nitong babaeng to. Hindi na matapos tapos, namiss ko siya ng sobra grabe.

Bago pa man kami pumunta sa Amerika nina Kendrick kaibigan ko na tong isang to. Buti nga may nabalikan pa ko nun pagkatapos ng ilang taon.

"MY. Kelangan ko pumunta sa ospital naaksidente sina Lian. She needs me." nagmamadaling bumaba si Paul dala dala yung susi ng sasakyan niya.

"What? Sasama kami!" sigaw ko sakanya pero parang hindi niya na ko narinig dahil agad na siyang nakasakay sa kotse niya.

"Kung sasama tayo sinong maiiwan kay baby Pauline?" tanong ni Lexi sakin.

Shocks! Oo nga pala.

Hindi ko naman pwedeng dalhin dun si Pauline.

"Sige, dito muna ako hanggang makabalik ka." sabi ni Lexi at inabot sakin ang susi ng kotse niya.

"Don't worry. I'll take care of her." sabi niya na mas nakakumbinsi na sumunod ako kay Paul.

Kinuha ko na ang susi at inabit ang wallet sa dining table at agad narin akong umalis.

-

Stephanie's POV

Nadito ako sa condo ni Leo sa Living Area. Actually pang fifth time ko palang ata dito.

Love [HunLi FanFic]Where stories live. Discover now