Chapter 27: Date?

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Pero—"

"Teka nga? Nag-aalala ka ba kay Jaydee?" Naka-evil smile siya sa 'kin.

Lintek na lalaki 'yon! Konsensya ko kaya 'yon kapag may nangyaring masama kay Jeydon dahil hindi ko sinabi kung anong alam ko. Kailangan may malisya agad? Kahit naman kanino mangyari 'yon, ganoon pa rin ang reaksyon ko. Binatukan ko nga si Troy.

"Ouch!"

"Kahit mortal enemy ko siya, mag-aalala pa rin ako. Mabait kaya ako. Pero bahala ka na nga. Basta ako, sinabi ko na 'yong nakita ko." Hindi na ako nagsalita. Pumasok na lang ako sa kotse niya. Bahala siya kapag may nangyaring masama kay Jeydon, basta ako, sinabi ko na kung anong nakita at narinig ko. Hindi na ako makokonsenya. Hmp!

Tahimik lang kami habang papunta kami sa TriNoma. Argh! Nakakainis.

"Huy, Troy! Bakit ba kasi ayaw mong sabihin kay Jeydon 'yong narinig ko? Ano bang tinatago n'yo?" Hindi ko mapigilang magtanong, e. Tsaka hindi ko na kaya 'yong katahimikan. Pinakaayoko pa naman 'yong naglilihim at nagsisinungaling sa 'kin. Ops, teka! Pero hindi ibig sabihing concerned ako kay Jeydon, ah! Ako? No way!

"Aish! Candice! Ang dami mong tanong! Ganyan ka ba nag-aalala kay Jeydon?" Noong una, akala ko, naiirita siya sa 'kin kasi ang kulit ko pero noong huli, naka-evil smile na siya sa 'kin. Nag-isip na naman siya ng malisya sa 'ming dalawa ni Jeydon. Halatang-halata naman sa tingin niya sa 'kin, e.

"Eww! Hindi ako nag-aalala ro'n, 'no? E kasi, may nililihim ka sa 'kin, ayoko ng naglilihim sa 'kin. Kaya sabihin mo na, Troy!"

"Don't worry about Jaydee. Kayang-kaya niya 'yong sarili niya."

Nag-cross arm arms ako tsaka nag-pout. Nakakainis naman! Ayoko talaga ng may hindi ako nalalaman. Hindi naman talaga ako nag-aalala sa abnormal na 'yon, e. Asa pa, 'no?

Tiningnan ko ulit si Troy. Ngumiti lang siya ng super wide. Parang hindi naman siya nag-aalala sa kaibigan niya. Kahit gaano pa kalakas 'yong abnormal na 'yon, kung isang gang 'yong gugulpi sa kanya, anong panama niya? Hays. Hindi ko na nga lang kukulitin si Troy, baka sabihin niyang may gusto talaga ko kay Jeydon. Eww, never!

Nakarating kami agad sa mall. Dumiretso agad kami sa loob papunta sa shop ni Ate Jaycee.

"Uhm... Troy?" Malapit na kami sa shop pero napahinto kami ni Troy. May gusto muna kasi akong malaman bago ko makita ulit si Ate Jaycee.

"Bakit?" Naka-smile pa rin siya sa 'kin, 'yong mapang-asar na smile. Argh! I hate you, Troy.

"Ano... alam na ba ni Ate Jaycee... na alam ko na 'yong tungkol sa inyo?"

"Hindi, ayoko na kasi siyang mag-alala, e," tapos ngiti na naman.

Masayahin talaga siya, 'no? Sabagay, magde-date nga pala kasi sila ni Ate Jaycee. Tapos ako ano? Maiiwan kasama 'yong abnormal na 'yon mamaya! Waaaa! Nakakainis. Bakit ba kasi ako pumayag? Huhu. Stupid ko rin minsan, e.

Pumunta na kami sa shop, nakita naman namin agad si Ate Jaycee. Grabe, ang ganda-ganda niya. May hawig nga siya kay Jeydon. Sabagay, hindi ko naman ikakailang gwapo naman talaga 'yong Jeydon na 'yon. Abnormal nga lang. Hindi lang minsan, ah. Madalas.

"Hi, Ate Jaycee!"

Nagulat ako noong tinawag niyang ate si Ate Jaycee. Kaso naalala ko ring marami palang nakakarinig sa kanila, 'yong mga tauhan ni Ate tsaka pati pala ako kasi hindi pa niya alam na alam ko na 'yong sa kanila ni Troy.

"Hi, Troy!"

Kahit naman magpanggap pa sila, halata mo naman sa mga tingin at ngiti nilang dalawa na in love sila sa isa't isa, e. Parang nainggit tuloy ako! Huhu. Ano kayang feeling ng ma-in love? At 'yong feeling na may taong in love sa 'yo? Mararamdaman ko pa kaya 'yon?

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ