The 7th Thing. [03 - You're insecure]

Börja om från början
                                    

Bigla akong tumakbo nun papalayo. Naiinis talaga ako. Umasa pa kasi akong sisiputin niya ako sa date namin, no, hindi yun date, pero, diba siya nagyaya! Bakit hindi siya sumipot! Sana nagtext man lang siya or nag-explain na hindi makakapunta dahil kasama niya yung Angela na yun. Ugh. Nakakasama ng loob e. Kinabukasan, nagtext siya sakin at nagsorry. Sabi ba naman niya, nagkasakit daw yung nanay niya kaya hindi siya nakapunta. E gago pala siya e. Magsisinungaling pa talaga siya, sa akin pa? Akala ko ba, kaibigan niya ako? 

Tapos, last Monday lang, si Stephen na pala at si Angela. Ang sakit lang. Parang, bakit hindi man lang niya sinabi sakin? Akala ko ba kaibigan niya ako?

Bakit ba nasasaktan ako ng ganito? 

"Gusto mo kasi siya." Nabalik yung pansin ko kay Ethan. Anong sabi niya? 

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Wala. Pansinin mo na kasi siya. Ikaw rin naman magsusuffer, bahala ka. Hindi niya naman ata alam yung nakita mo e. Nagsorry naman siya nung hindi ka niya sinipot diba?" 

"Teka, Ethan, kampi ka ba talaga kay Stephen? Kasi, alam mo, ako yung nasasaktan di--"

"Alam mo, Ash, bestfriend kita. I don't want you to get hurt. Pero tanggapin mo na lang na gusto mo na siya. Hindi lang infatuation yan. Kaya, it's either two things lang naman Ash, pwede kang masaktan, o pwede kang maging masaya sa huli. Kaya, be careful." Habang sinasabi niya yung mga linyang yun, para bang, natamaan ako? Ewan ko. Sagad sa puso e. 

"Psychic ka ba?" Binatukan niya lang ako at tumawa. Pero, naisip ko rin, hindi pa naiinlove si Ethan noh?

"Hoy. Ethan, di ka pa ba naiinlove? Wala ka bang nagugustuhan ngayon?" Ngumiti lang siya at piningot ang tenga ko.

"Meron. Kaso, may gusto siyang iba e. Ang saklap." 

Pareho lang pala kami, sawi sa pag-ibig. Yung mahal namin, may mahal ng iba. 

"Ash. Pwede ba tayong mag-usap?" Napatingin ako sa taong nagsalita. Si Stephen, nakatitig sa akin ngayon.

Galit na galit.

Hinila niya ako papalayo kay Ethan. Di na nga siya napigilan ni Ethan dahil galit na galit siya e. Ano bang problema nito?! 

Dinala niya ako sa may bleachers. Walang katao-tao. Paano kung masuntok ako nito! "Bitawan mo nga ako! Ano ba Stephen?!" 

"NAKNAMPUTCHA NAMAN ASH! ANO BA KASING PROBLEMA HINDI KA NAMAMANSIN NG ISANG LINGGO TAPOS MAKIKITA KITANG MAY KASAMANG IBA?! NAIINSECURE AKO SAINYO. KAYO NA BA NI ETHAN?" 

Anong akala niya sakin? Sumosobra na siya. Gusto ko siya, oo, totoo yun, pero yung pagsalitaan niya ako ng ganito, sino ba siya?!

"Akala mo, perpekto ka, Stephen, ikaw ang unang nanloko sakin. Nagkasakit nanay mo nung last Tuesday? LOKOHIN MO LELANG MO! Nakita kitang kayakap yung Angela na yun! Now tell me?!" Napasuntok naman siya sa pader nun malapit sa mukha ko. Di ko namalayan, tumutulo na pala yung luha ko. 

"A-ash. Sorry..."

"SIMULA NGAYON. HINDI NA KITA MAGUGUSTUHAN! KAHIT KELAN! ANG SAMA MO PALA. NAKAKAINIS KA! AYOKO NA SAYO! AYOKO NA SAYO!  oomph--" Bigla niya akong hinalikan. Nagpupumiglas ako pero hindi niya ako binitawan. Ano bang nangyayari? Tinulak ko siya hanggang sa bumitaw siya. Pareho kaming natulala. Did that just happen?

Alam mo yung moment na hindi kayo makapagsalita dahil gulat na gulat kayo? Ganun naramdaman ko ngayon. Ilang tanong ang bumagabag sa isip ko. Halo-halong tanong. Puro walang kasagutan.

Bakit niya ako hinalikan? Takot ba siyang hindi ko na siya magustuhan? At gusto niya rin ba ako?

"Huli kayo!" Nagulat ako dahil may nagposas saming dalawa. Taga-Jail Booth 'tong mga 'to ha?

"T-teka--"

"Lika na po. Ang laya po niyong dalawa ay 100 pesos. Kung hindi po kayo makakapagbayad, makukulong kayo ng 3 oras sa jail booth. So, lika na po." Hinila nila kami papuntang Jail Booth. At, wow, sakto, kaming dalawa lang ang nakakulong dun.

Wala ni isa saming nagsalita. Pero syempre, alanganamang hindi kami makaalis dito? Wala naman akong pera. Nagpalibre nga ako kay Ethan diba? Kaya no choice, kung ayokong makulong ng 3 oras kasama 'tong si Stephen, kailangan niyang magbayad.

"U-uh. Stephen. May 100 pesos ka?" 

"Wala." Patay. 

"Pwede ba tayong mag-usap?" Napatingin ako sa kanya, syet. Biglang tumibok ang puso ko ng malakas. Ano bang nangyayari sakin? Umiwas ako ng tingin sa kanya. 

"Uy. Ash. Ano ba, tumingin ka nga sakin." Nakaposas pa rin pala kami. Nakakainis. Gusto ko siyang iwasan e. Di ko magawa.

"Uy!"

"Ano ba Stephen! Problema mo ba? Magsama kayo nung Angela na yun! Wag mo ko kausapin!" Nasabi ko ba yun?

Napatingin ako kay Stephen. At, nakangiti ang mokong. 

"Teka, nagseselos ka ba kay Gela?" 

Nagseselos ba ako? OO. Syempre, kasi, gusto ko siya.

Pero bakit ganun? Parang, mas malalim pa yung feelings ko sa kanya kaysa dati?

"Mahal mo ba ako, Ash?" Napatingin ako sa kanya. Hindi makasagot. 

Anong isasagot ko?

The 7th ThingDär berättelser lever. Upptäck nu