The 7th Thing. [01 - You're Vain]

133K 2.3K 122
                                    

1. You're Vain

Ako nga pala si Ashley Prieto. 3rd year College student. At oo, kagaya ng iba, sawi sa pag-ibig. Hindi ko malaman kung bakit nainlove ako sa taong yun e. Kahit 3 taon na ang nakakalipas. Hindi ko siya makalimutan. Alam mo ba yung feeling na, parang kahit matagal na kayong hindi nagkikita, yung puso mo, parang dala-dala niya pa rin? Nakakainis yun diba?

Nagsimula ang love story namin, dahil sa isang picture.

Last day of third year high school yung nangyari yun.  Hindi pa ako naiinlove. Ewan ko ba, wala naman kasi saking nanliligaw nun e. Hindi naman ako kagandahan, pero at least, may mukha pa rin ako diba? Teka, anong connect ng picture sa mukha ko?

Ganito kasi yung nangyari nun.

"Ash! Lika dito! Picture tayo!" Lumapit naman ako sa bestfriend kong si Trish. Si Trish, maganda, maganda, maganda. Ewan ko ba kung bakit ko yan naging bestfriend e. May pagka-vain siya. Sobra lang.

Nagsmile na ako, after 10 seconds, nagflash na yung camera ni Trish.

Pero kasabay ng pagkacapture ng camera samin, napatingin ako sa nakaakbay sakin.

"S-stephen?" Si Stephen Yu. Inakbayan ako? Hindi naman kami close nito ha?

"Epal mo talaga Stephen. Kaming dalawa lang dapat ng bestfriend ko yung nasa picture e. Sumingit ka pa. Bawal ang 3! Mamalasin tuloy si Ash."

Ngumiti lang si Stephen sa akin at nag-belat kay Trish. "Upload mo yan Trish ha! Sige bye na! Kita-kits next year! Bye rin, Ashley." Tapos umalis na siya kasama mga kaibigan niya.

Bakit parang nung sinabi niya yung pangalan ko, biglang tumibok yung puso ko?

Naabnormal lang ako siguro. Hindi naman kasi talaga ako inaakbayan ng lalaki e. Parang, nanibago ako? 

"Ang vain talaga nun. Bes. Tignan mo etong pic natin. Bagay kayo ni Stephen! Syet. At kung makatitig ka. Ikaw ha! May HD ka sa kanya noh?"Tinignan ko naman yung picture. Si Stephen, nakaakbay sakin, habang ako, nakatitig lang sa kanya. "Nagulat lang naman ako kasi inakbayan ako."

"Sus. Kunwari ka pa. Pero never pa natin naging kaklase yan noh? HAHAHA. Lakas daw mantrip niyan e."

"Oo nga. Haha."

"Yung camera Bes. Magpipicture pa ako kasama si Troy." Binigay ko naman yung camera sa kanya sabay batok. Crush niya kasi yung Troy e, kasama sa barkada nila Stephen. Pero ewan ko rin ba dun, manhid ata. Di nakakaramdam na gusto siya ng bestfriend ko. Kaya mismong si Trish na yung gumagawa ng paraan para mapansin siya. 

Umuwi na ako nun at nakatulog. Pagkagising ko, mga 5PM na, nagfacebook ako at nakita kong naupload na ni Trish yung pictures. 

Bigla kong pinindot yung picture namin ni Trish, kasama si Stephen. 

Tinitigan ko yung picture ng ilang segundo, na naging ilang minuto, hanggang sa napansin kong isang oras na, nakatitig pa rin ako sa picture namin.

Ano bang nangyayari sa akin? 

Yun ang simula ng pagkagusto ko sa kanya, malas ko pala talaga. Eto ba ang epekto kapag 3 kayo sa picture at ikaw ang nasa gitna?

Minamalas na ata ako.

The 7th ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon