Nung nakalapit na kami kay daddy, nakatingin lang siya sa mga mukha namin. Tapus bumaba aag mga mata niya sa mga kamay namin. Tatanggalin ko na sana ang pagkakahawak ko sa kanya, pero hinigpitan niya pa lalo.

"Good evening, Sir." Tumango lang si daddy sa sinabi ni Hanzen. May gaddd, kinakabahan din ako. Perstaym kong humarap kay daddy na may ka holding hands.

"Sa tingin ko hindi lang employer-employee ang relasyon niyo ng anak ko." Napayuko ako. Kasi naman, di ko alam ang sasabihin ko.

 "Boyfriend po ako ng anak niyo, Sir." 

"I see. Pero, hindi ba babysitter si Ciara? Kung ganon, pamilyado ka?" Si daddy talaga. Tsk! Gigisahin si Hanzen.

"Hindi po Sir."

"Single dad?"

"No Sir, my niece." Tumango tango naman si daddy.

 "How much is your net worth?"

"DADDY!!" Pambihira. Pati ba yon itatanong niya? Kailan pa siya naging mukhang pera? My gulay! Hindi man lang nila ko pinansin. Isnaban ba to? Hmp! Hello, nandito pa ko. Nag e-exist. 

 "268 billion pesos, Sir. Hindi pa po kasama ang dollar." Wow. Yaman pala ng boyfriend ko? Mukhang impress na impress si daddy. Hmm. In our face. Pag mag asawa na kami, kahit 24 hours akong mag shopping, hindi mababawasan yung bilyones niya.

Pero matagal pa yun. Kasi hindi pa naman ako ready mag pakasal. 

 "Mahal mo ba ang anak ko?" Tumingin sakin si Hanzen. Shett. Kinabahan ako. Bakit ang tagal niyang sumagot. Tatanggalin ko na ulit sana yung pag kakahawak niya sa kamay ko. Hindi ko kaya ang intense. Pero hinigpitan nanaman niya ang hawak sa kamay ko.

 "Very much." Shettt. Wag kang tumitig ng ganyan, baka mahalay kita sa harapan ni daddy. "I'm willing to give her needs and wants just to spoil her." Na-flatter ako ng sobra sobra. Hindi ko akalain na mag sasalita siya ng ganyan sa harap ni dad. Yun din kasi ang gusto ni daddy. Ang i-spoil ako sa kahit anong paraan.

"Ayoko nang nahihirapan ang anak ko, kung pwede lang ayaw ko siyang pag trabahuhin. Dahil prinsesa ko siya. Nag kakaintindihan ba tayo dun, Hanzen?" Gaddd, parang general lang to si daddy.

"Yes Sir!" 

"Nah!! That's too formal. You can call me Tito... or if you want, daddy. Right Ciara?" 

"H-ha? Uh, o-oo." Gaddd! Daddy??? So parang feeling ni daddy, fiancè ko na si Hanzen? Boyfriend palang no. Di ko pa kaya ang kasal. Kahit pre-marital sex, okay na sakin yun. Pero, kasal? Omeged!

May pinag usapan pa si daddy at Hanzen, habang ako naka upo lang dito sa may couch. Di ko na nga lang naintindihin yung mga chika chika nila, busy kasi ang utak ko sa pag iisip ng kung anu ano. Bakit ba, pag ang usapan, malapit sa kasal, kinakabahan ako? Feeling ko, ayaw ko pa talaga. Pero paano kung yayain ako ni Hanzen? Papayag ba ko? Mahal ko naman siya, at sigurado akong mahal din niya ko. Pero, kaya ko ba? Tanggapin kaya niya? Baka naman din pa rin siya ready?Or ako lang nag iisip nun?

Nayaya niya na ba si Xienna na magpakasal sila? I remember, that girl choose her career over Hanzen. Pano kung tinanggihan na siya noon? Kaya ko kaya siyang tanggihan ngayon? Pero, hindi ko naman talaga pipiliin ang pag pipilit ko na mag trabaho sa company. Hindi ko lang muna talaga pina-prioritize ang marriage. 

Ah basta! Hindi pa naman siguro mag pipilit si Hanzen na mag pakasal kami. Like, duh!! Mag tu-two months pa lang kami eh.

Naputol ang pag iisip ko nang may biglang pumasok sa sa room ni daddy. Napatayo ako sa nakita ko.

"Mom!" Pinuntahan ko siya at yayakapin na. Gadd!! I miss my mom very much. Nag melt yung tampo sa puso ko at napalitan ng longingness. Nang makalapit ako sa kanya. Sampal. Yan ang bumungad sakin. Ang sampal niya. 

Napahawak ako sa kanang pisngi ko. Ang init. Ang sakit.

"M-mom!" Bulong na lang ang pag sasalita ko. Kasunod pala niya si ate. Lahat kami dito natigilan. Parang reunion lang. Pero hindi tawanan, yakapan, at kwentuhan ang bumungad sakin, kundi sampal. Kanina sampal ni ate. Ngayon naman, sampal ni mommy. Kanino pang sampal ang susunod?

Diretso lang sa pagtulo ang luha ko. Kahit kailan, hindi nila ko napagbuhatan ng kamay. Siguro puro lang arguments. Pero yung physical? Wala. Ngayon lang. Pero mas nagulat ako sa sunod na ginawa ni mommy... niyakao niya ko. Sobrang higpit na yakap. Tuluyan na kong napahagulgol. Para kong bata na nawala sa isang malaking mall. Pangungulila. Yan ang nararamdaman ko ngayon, kahit yakap ko na sila. Seven months ang pinaka matagal kong pag kakahiwalay sa kanila.

"Where have you been, Maria? Pinag alala mo kami, ako, lalo na ang daddy mo. Claire, told me everything. Kung hindi pa dahil sa sugat mo dyan sa braso--"

"Aaaaw!" Nadutdot kasi ni mommy ang braso ko na may sugat. 

"Sorry, sorry. Ikaw naman kasi. Manang mana ka sa ama mo. Ang tigas tigas ng ulo niyo." Napapailing na lang ako kay mommy na biglang napatingin sa side ni Hanzen.

Lumapit si Hanzen kay mommy. "Good evening po. Hanzen Miguel Monteverde po." Tapus nag lahad siya ng kamay. Tinanggap din naman agad niya kahit na medyo gulat. Eto lang siguro ang hindi naikwento sa kanya ni ate.

"Good evening din." Tapus tumingin sino mommy sakin na parang nag sasabi na 'I-explain mo siya sakin, Maria' Kabisado ko na si mommy.

"M-mom si Hanzen, b-boyfriend ko po." Mas nagulat ata si mommy sa sinabi ko. 

 "Mag usap tayo, Ciara Maria." Okay, anu ako, parang teenager na ii-interogate ng nanay dahil may boyfriend na pinakilala. 

"Clarita, hayaan mo na munang makapag pahinga yang si Kia. Mauwi na muna kayo, Kia." Tumingin ako kay mommy, kung hindi ganyan ang kalagayan ni daddy. Malamang nakaoag protesta na yan.

 "Sige daddy. Yung napag usapan po natin ha?" 

"Basta babalik ka, at dadalawin ako araw araw." Tumango tango na lang ako. Hinalikan ko na lang siya sa may noo. Tatalikod na sana ako, pero hinawakan niya ko sa kamay. 

"Come home soon." Nginitian ko na lang siya ng tipid. "Hanzen, magpunta ulit kayo dito ni Ciara bukas." Makapag command lang si daddy.

"Yes d-daddy." Kinirot na nanaman ang puso ko sa.pag tawag niya ng daddy kay daddy. 

Nag paalam na din ako kay mommy at ate Claire.

"Maria, we'll talk some other time, aryt?" Tinanguan ko na lang siya at lumabas ng hospital room. Hinawakan kaagad ni Hanzen ang kamay ko at pinag intertwine yun. I really feel safe when I'm with him.

"Let's have dinner first, bago tayo umuwi." Pag kasabi niya nun, hinalikan niya ko sa noo. Tinanguan ko na lang siya at sabay kaming nag punta sa parking lot.



(c) Eilramisu


Mwahahaha. Tsaka ng update. Anw, namiss niyo ba ko? Or yung update ko? Sensya. Feelingera alert.

Ngayon lang ako nakapag update, sa kadahilanang, dapat may date ako kahapon, kaso di na tuloy. Nag punta na lang ako sa Paranaque. Kanina natuloy ang aking date with my sweet loving boyfriend. Mwahahahaha. Kaya, I'm so happy. It's so nice to be happy, shalala.

May readers ba ko na nagpunta kanina sa Festival Mall?? Mga around 2pm ="))

His BABYsitter (Complete)Where stories live. Discover now