"Psssst"
Parang gano'n lang nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Zen nung una niya akong in-approach. Bago ako pumasok sa kolehiyo ay naging kampante ako dahil may isa na kaagad akong kaibigan, si Zen.
Parati niya akong kinakausap kahit man sa una ay hindi ko siya kilala, hanggang sa nagkapalagayang-loob kami nang naging interesado na rin ako kausapin siya para tanungin tungkol sa kolehiyo dahil marami rin akong katanungan sapagkat nag-iisa akong anak at walang nagsabi sa akin na ganito at ganyan ang kolehiyo sa bagong panahon. Aaminin ko, sa una kong tingin sa kolehiyo, mahirap pero dahil sa kanya, naging madali. (Siya ang hero ng buhay ko..... eeeeee hahahaha)
Aaminin ko, masayahin akong tao na maraming kaibigan pero 'yung mga tipo ng mga kaibigan na solid, parang kay Zen, sa kanya ko nakita 'yon.
"Tao po."
Parang na-offend ako doon dahil parang pwede akong bagay, hayop, pangyayari, lugar kaya biglang chat niya na 'tao po'. Siya ang unang nag-approach. Natutuwa ako sa mga gano'n tao, madalas kasi ako ang unang lumalapit kaya kapag may taong unang lumapit sa akin at sinabing, "holdap 'to.", naku po delikado! HAHAHAHA Pero ayun nga, kapag may taong unang lumapit sa akin at naging friendly, siguradong magiging matagal ang friendship namin nito dahil first impression ko pa lang maganda na e, kasi siya ang unang nag-approach. Sa kalagayan ko kay Zen, 'yon ang nangyari.
Dahil nga na 3rd year siya, natulungan niya ako. 'Yon din naman ang naging dahilan kaya balanse ang pag-uusap namin kasi 'stranger' siya para sa akin sapagkat kakakilala ko lang sa kanya sa Facebook, nagtatanong-tanong ako kaya parehas lang kami nagsasalita. Mas lalo akong natuwa kay Zen dahil nangako siya na kapag may tanong o kailangan ako e approach ko lang siya (remember this line). Pinakanatuwa ako na nagyaya siya na kapag freetime ay pwedeng magkuwentuhan daw ng kung anu-ano (remember again this line), syempre may kakausapin ako at hindi ako loner sa college. Honestly speaking, siya ang unang naging kaibigan ko sa kolehiyo, mas nauna pa sa mga kaklase ko. Cool diba? (pero hindi na cool sa mga susunod kong sasabihin)
Nang una namin magkita sa university, kinakabahan pa ako nung una dahil baka scam lang at loko-loko lang si Zen dahil nung magkita kami ay may kailangan ako sa kanya. Ako naman naghintay (syempre marunong akong maghintay KUNG MAY KAILANGAN). Ang taas pa talaga ng tingin ko sa kanya e at hinahanap siya then parang may someone na tumawag sa akin sa bandang tabi, isang maliit (sorry Zen) na tao (nagulat ako seryoso) ang nakita ko. "Ikaw si Leo diba?" Tanong niya. Dapat isasagot ko na, "Malamang, nakita mo naman na ang mukha ko sa Facebook diba?" hahahahaha ang rude ko naman kung gano'n pero naging shy ako (pabebe) sa kanya. Kinausap niya ako, siya ang madalas magsalita (ang daldal parang hindi ano - nagduda na ako sa ano niya <-- hahahaha confirmed). 'Yung feeling na pinagpapawisan ako at kinakabahan nung may usapan kami. "Ba't gano'n?" Tanong ko sa sarili ko.
Hanggang sa hindi lang tungkol sa aral ang usapan namin, may mga personal na rin at getting to know each other na kami. First time ko makakita nang gano'ng klaseng kaibigan. Sana tuloy-tuloy at gano'n parati dahil masaya ako kapag siya kausap e, natatakot ako na baka balang araw magbago.
June 9, 2015 9:49am
Doon ko na-realize na noong una ko pa lang siya makilala, may naramdaman na ako sa kanya. Hindi ko maintindihan noon pero kumpirmado na pala, kaya para sa akin hindi ko maintindihan dahil first time ko umibig nang ganito. Bago pa lang ang panaginip na nangyari sa akin, siya na pala, siya na. Nang dahil naman sa panaginip 'yon, doon ko pa lalong napaintindi sa sarili ko, "Zen, mahal na nga kita." kaya naman ang normal na gawi namin dalawa ay NAGBAGO.
Naging weird ako sa kanya, nang gusto kong aminin ang feelings ko sa kanya, doon naman kami hindi pinagtatagpo ng tadhana kung saan may hadlang sa aming pagkikita upang aminin ko ang aking tunay na nararamdaman, siguro may pahiwatig ito pero hindi ako sumuko at naghanap ng oras at lugar. Hindi ko man naisambit sa kanya mula sa aking boses na gusto ko siya, nai-text ko naman kahit papaano para mailabas ko ang aking tunay na nararamdaman. Inintindi ko siya nang minsan na magtampo siya sa akin sa pagiging weird - naging ma-drama ako sa kanya at kung anu-ano ang pinagsasabi. Ang mas masakit pa ay kulang na lang ay saksakin niya ako ng kutsilyo nung hindi na niya ako binigyan ng pangalawang pagkakataon. Grabe, aabot pala kami sa ganito, akala ko ang masaya namin mga pag-uusap ay aabot pala sa ganito? Hindi ko 'to naisip na mangyayari pero bakit? Matipid na lang niya ako kausapin at madalang na lang.
ESTÁS LEYENDO
Dream of Love
RomancePaano kung nagising ka na lang na iba na ang nararamdaman mo? Pagkatapos ng isang panaginip na makakapagpabago ng buhay mo Si Leo, masayang tao ngunit magiging ma-drama ang buhay niya nang dahil sa isang tao. Isang tao na nagbigay kulay ng kanyang p...
