Napaikot tuloy ang mga mata niya at napangusap " Tell me about it. Wala nang mas mamalas pa sa kalagayan ko ngayon. Mahirap magtago sa isang bagay na hindi dapat...." Napahinto siya sa pagsasalita bago pa niya masabi rito ang lahat. "Magtago saan?" salubong ang kilay na tanong nito sa kanya.
"Oh,nothing. Malas na kung malas,"paiwas na sabi niya. Nagkibit-balikat na lamang ito. Bagaman tila napukaw ang kuryosidad into ay hinayaan na lamang siya into. "Anyway,if there is any consolation, there is a 'but , Ang sabi,sa bawat kamalasan mo may katumbas na suwerte.
Halimbawa nadapa ka,'tapos nang tumayo ka, may nakita kang pera. Iyon ang suwerte mo." Pagkatapos maglibot doon ay marami pa silang napasyalan. Natutuwa siyang hindi man lang niya naiisip ang problems niya sa kanyang ama sa buong maghapon ba lumipas. Salamat sa binatang ito ngunit alam niyang sa pag-uwi niya sa tinitirhan ay ganoon pa rin ang sitwasyon at wala ni isang pagbabago. Napabuntong-hininga na lang siya.
"Gutom ka na?" tanong ni Leo kay Lea. Napansin niya ang pananahimik into. Nang umilin into ay hindi na rin siya multi pang nagsalita. Kanina ay parang ang saya-saya nito. Kung ano man ang problema nito ay tiyak nitong masyadong mabigat ang problema ng dalaga. "Saan tayo pupunta?" Tanong nito sa kanya na hindi man lang siya tinitingnan.
"I was thinking of a very good place. But since your mood has already changed, we are not going there anymore. Maybe some other time."
"You seem to know a lot about this country, Leo."
"My grandmother used to live here." Nakita niya ang dalaga sa gilid ng mata niya ang ginawang paglingon sa kanya,ngunit saglit lamang iyon.
Ang huli nilang pinuntahan ay ang Gyeongbokgung Palace. Bagamat Napakaganda ng paligid ay hindi hindi na bumalik ang saya ng dalaga. Umupo ito sa isang upuan at pinanood na ang mga tao na pinagkakaguluhan ang isang stall na nagpapahiram ng tradisyunal na kasuotan ng mga Hari at Reyna.
"Gusto mo ng ice cream?" Tanong nga sa dalaga. May ilang minuto rin nitong tinitignan ang ice cream na inaabot niya. "Nangangalay na ako, Lea, at matutunaw na into.
Kinuha nito iyon subalit bago pa ito makaiwas ay nalaglag na ang isang scoop niyon at tumapon sa damit into. Natarantang pinagpag nito ng kamay na lalong nagkalat sa damit niya. Batigilan ito sa ginagawa bang bigla na lamang siyang tumawa. Naka-focus kasi rito ang dala niyang camera. Nakangiting nilapitan nito at laking gulat niya nang ipahid Nito ang ice cream sa suot niyang polo.
"Hey! What the...."
Tumawa ito nang malakas. "Now, were even.' Nagpatiuna itong naglakad at upang maghanap ng restroom.
" Lea,wait up!" Nilingon siya nito at sumenyas ba bilisan niya ang paglakad. Pagkatapos libutin ang buong paligid ng palasyo ay umalis na sila at nagpasyang umuwi na upang makapagpahinga. Nang yayain siya nitong magkape tumanggi siya at sinabi nga na may kailangan siyang ayusin sa kanyang silid tungkol sa trabaho niya. Pasakay na siya ng elevetor nang tawagin siya nito "Thank you for this day. I enjoyed it." He smiled and mouthed the word " welcome"
