(CH2) "Ang Masakit na Katotohanan ng Isang Long Distance Relationship"

925 2 0
                                        

"Ano nga ba ang magagawa mo?"

Ito ang mga katagang tumusok sa aking puso nang marinig ko ito mula sa bibig ni Hannie. Hindi mo aakalaing ang tatlong taon at walong buwan ay hindi sapat sa isang babaeng nasa malayong dako. Pinilit ko man itong iwaksi ngunit sadyang masakit ang mga salitang ito - mga salitang nagbabadya ng katapusan naming dalawa.

Hindi mo rin siya masisisi kung ganon man ang gawin nya sa akin - malayo kami sa isa't isa - sapagkat naroon ang mga panganib ng kataksilan. Ngunit sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, ni minsan, hindi ko ito inisip - sapagkat umaapaw ang aking pagmamahal kay Lanie.

Magda-dalawang taon na kami nang nagdesisyon ang kanyang ama na nasa Canada na kunin siya. Pagkatapos ng kanyang 'graduation' ay agad-agad siyang kinuha ng kanyang tatay, at bago siya umalis, nagsumpaan kaming dalawa - pangahas ngunit binitaw ko ang aking mga ninanais sa muli naming pagkikita. Hindi nagtagal ay pumaroon na siya sa lupa na puno ng kasaganaan.

Hindi ako nagkulang sa pag-subaybay sa isa't isa ng aking mahal. Palagi kaming nagkukwentuhan ng aming mga buhay na naganap sa buong linggo. Puno ito ng pagmamahalan, at sa ikatlong pagkakataon, hindi ko inakala na ganito kaganda ang magkaroon ng isang 'Long-distance relationship', na kung saan may pagtitiwala kayo sa isa't isa. Kahit ilan pang mga babae ang dumaan sa akin, ay hindi ko pinansin, dahil si Hannie lamang ang aking irog, wala nang iba.

Ngunit dumadating talaga ang mga pagkakataon na kahit ang iyong akala na kayo na magpakailanman, ay sadyang kay pait.

"Hannie?"

"Oh?"

"Mahal kita!"

"Oh.. Salamat. Matutulog na ako. Pagod ako sa trabaho."

Hindi ko pinansin ang mga senyales na ito ngunit hindi ito ang naging dahilan upang itigil ko ang aking pagpaparamdam sa kanya. Hindi ko itinigil ang aking pagkamusta ko sa kanya ng 'magandang umaga/magandang gabi/mahal kita'.

Di nagtagal, isang tawag mula sa aking 'cellphone' ang gumimbal sakin. Si Hannie, tumatawag.

"Hello?"

Mga Kwento ni Kuya JoelWhere stories live. Discover now