Una
Tsismis
Aisla's POV
Isa sa mga pinaka ayaw kong pakiramdam ay ang mapahiya. Lahat kasi ng atensyon, nasayo. Iba't ibang bagay ang iniisip nila sayo. Awa, aliw, inis, mangha, diri, at marami pang iba. At hindi mo maipagtanggol ang sarili mo.
Kaya naman simula nung pumasok ako sa St. Clarence, siniguro ko na hinding hindi ako makikilala. Na hindi ako kailanman gagawa ng mga bagay na ikatatawag ng atensyon ng iba.
Bakit?
Hindi kasi ako tulad ng marami. Hindi ako mayaman. Wala akong magagandang damit na sinusuot araw-araw. Wala akong driver na naghahatid sundo sa school. At wala rin akong mansyong inuuwian.
Scholar ako kaya nakapag-aral ako at kahit na tinatawag akong role model ng karamihan, napanatili ko parin ang aking 'low profile'. 'Di kasi uso ang matalino at masipag dito. Kung wala kang suot na bag o sapatos na milyon ang halaga, sasakyan na araw-araw, iba-iba, wala kang halaga sa eskuwelahan na to. Wala silang pakialam sayo.
Mabuti narin iyon. Kahit papano'y napapakinabangan ko ang pagiging ordinaryong mamamayan ko. Wala kasing pumapansin at may pakialam saakin. Kuntento na ako sa pagmamasid at panonood sa iba.
Sa ilang taon ko sa SCA, natutunan kong hindi naman lahat ng mayaman, masama. May kanya kanya silang ugali. Nagiging masama lang sila kung may ginawa kang di maganda sa paningin nila.
"Nandito na po tayo, ma'am." Untag ng driver ni Mari.
Pinapasundo niya kasi ako tuwing umaga sa kaniyang driver dahil mahirap daw bumiyahe tuwing umaga dahil rush hour.
Si Mari ang bestfriend ko. Pero di kami magkatulad. Mayaman din kasi sya. Pero kahit papano, nagkakasundo kami.
"Salamat po." Pilit na ngiti ko sa driver bago bumaba ng sasakyan. Di ko kasabay ngayon si Mari. Siguro dahil alam niyang may kasalanan siya sakin. Napasimangot ako.
Sa tuwing naaalala ko yung mga nangyari kahapon, kinakabahan ako. Pagkatapos ko kasing umamin sa Yter na yun, umuwi ako kaagad sa sobrang hiya. Ilang beses kong sinampal at kinurot ang sarili ko para lang masiguro na di to masamang panaginip.
Pero nung makita ko ang masasamang titig ng mga estudyante ng SCA, alam kong totoo. Totoo itong lahat.
Maaga akong pumapasok at tumungo sa school office para icheck ang aming school editorial.
Ako palang magisa pagpasok ko. Binuksan ko ang computer para icheck ang newspapers para sa araw na ito na una nang naipost sa school website bago ipublish at ipamahagi mamaya.
Nasapo ko ang aking noo at marahang inumpog sa table.
'SCA'S SCHOLAR & ROLE MODEL, AISLA AGUIRRE'S CONFESSION TO THE CAMPUS BAD BOY YTER SALCEDO IS SURELY A SHOCKER FOR EVERYONE! YESTERDAY, IT IS SAID THAT THE SCHOLAR BRAVELY LEFT A LETTER TO THE BAD BOY'S LOCKER WHICH WASN'T DONE FOR MANY YEARS! WHAT CAN YOU SAY ABOUT THIS? YAY OR NAY?'
Comments:
anon: Nay,,! Like duh? She thinks Yter will let that pass? Hey little girl, you're so lagot to us but i'm sure Yter's gonna give you hell. Goodluck!
anon: wrong move bitch, wrong move
anon: transfer school if i were u.
anon: go to hell
At marami pang ibang hate comments.
"Don't read those, Aisla." Napabaling ako sa nagsalita. I sighed.
"Good morning, Levi." He nodded at dumiretso sa table niya at may kinuhang envelope.
"Your morning seemed to not be good, neither mine." Blangkong tugon niya. Bahagya akong natawa ng mahina. Lagi namang masama ang araw nitong si Levi. Isa kasi siya sa mga hinahangaan ng kababaihan ng SCA. Responsable, masipag, matalino, pero suplado. Bilang ko sa kamay ang mga taong kinakausap niya kaya't sobrang nasisira ang araw niya kapag kinakausap o hinahawakan siya ng iba. "So much for that Salcedo guy." Iling pa nito.
YOU ARE READING
Stupidly Beautiful Letters
RomanceI was fine with my life. Home, studies, and few friends. It was all good. But when one stupid letter was given to one stupid person and stupid people mistook things, everything messed up. Oh how I wish I could go back to my old normal life.
