First Conversation

12 0 0
                                        

"Alyssa, ano, nasabihan mo na ba yung mga taga-Masaya tungkol dun sa gagawin nating video? Friday na oh, kailangan bukas mavideohan na natin yung mga isasali natin."

"Eto na nga po Ate, tinatanong ko si Mike kung pwede siya. Nakakasama naman ata siya ni Tita eh."

"O sige, sabihan mo ko pag pumayag. Ako nang bahala sa iba."

"Okay po."

---Ay oo nga pala, baka hindi kayo makarelate, ako si Alyssa Villanueva. Yung kausap ko kanina, pinsan ko yung si Ate Jackie. Gagawa kasi kami ng video clip para sa birthday ni Tita Amie. Birthday na kasi ni Tita Amie sa Monday, (January 21) tapos ngayon pa lang kami kukuha ng tao para sa video clip na gagawin namin. Bukas pa kasi kami makakapunta ng church kasi bukas pa yung practice sa church kaya bukas pa talaga kami makakapag-take ng video.

***Sa Facebook Messenger...

Alyssa: Hi Kuya Mike, pwede ka po bang videohan bukas para po sana sa birthday ni Tita eh.

Mike: Ay hello. Nako, mahal ang talent fee ko ah. Hahaha. Joke. Ano bang gagawin? :)

Alyssa: Magbibigay ka lang po bg short message kay Tita Amie. Parang birthday message ganun.

Mike: Ah okay, sige lang. Lapitan mo na lang ako bukas. :)

Alyssa: Thank you po! :)

Mike: Anytime. :)

***Sa Facebook Messenger...

Alyssa: Giiiiiiirl! Nakachat ko si Kuya Mike. Omg!!

Nadine: Landi Teh.

Alyssa: Tse! Kinikilig ako wag kang panira. Haha.

Nadine: Joke lang Teh. Love you. :*

***Saturday (January 19)

--Nakaupo lang ako sa isang sulok. Nahihiya pa din kasi ako sa mga churchmates ko. Di ko pa sila gaano kaclose. Biglang tumabi sakin si Kuya Mike. Omyyy! Pero di siya nagsasalita. Nakakahiya kasing kuhaan siya ng video dito eh. Baka mamaya na lang siguro or bukas na lang.

"Alyssa, practice na tayo." Sabi ni Ate Min (Kapatid ni Kuya Mike)

"Okay po."

--At ayun nga nagpractice na kami ng sayaw. Dancer pala ako sa church namin dito sa Masaya. Tapos si Kuya Mike, keyboardist siya dito tapos dancer din si Ate Min.

***After practice...

Alyssa: Kuya pasensya na po, di na kita nakuhaan ng video kanina, nakalimutan ko na din po kasi tsaka di ko nadala yung cam. :)

Mike: Ah kaya pala. Ayos lang. Sige, ikaw na lang bahala lumapit sakin bukas. Haha. :)

Alyssa: Okay po. :)

***Sunday (January 20)

"Aly, bilisan mo magbihis, magstart na dito." Ate Min.

"Okay po Ate."

After nung service sa Masaya, pumunta na kami sa may Starmall para sa service naman ng Main church namin. Ang church kasi namin ay madaming branches. Bale ako nasa Masaya branch ako pero umaattend pa din ako sa mother church namin or yung main church namin.

***After Main Church service...

"Kuya Mike, pwede na?"

"Ay, isasama ko na sila Ate tsaka sila Marcky."

"Sure po. Dito na lang po tayo sa loob."

---Navideohan naman namin sila pero ang tagal nga lang namin kasi ang daming take nung sa kanila. Natapos naman namin yung mga kailangan gawin. Pagkauwing pagkauwi namin ni Ate Jackie, kinompile na agad namin yung videos.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jan 21, 2016 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

WaitingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora