Please mag votes po muna kayo
SHANTAL POV
Nandito kaming tatlo ngayon sa room ko inaayusan ako ng dalawa kong kapatid, medyo kabado kasi nga first time kong makipag date.
"Ayan perfect" Sabi ni Steffi.
"Wow bongga ka ate parang hindi na ikaw si Astig na pulis."
"Sira astig ka diyan. Oo nga ang ganda ko ate Steffi maari pala akong mag transform ng ganito?"
"Oo naman kahit hindi ka mag make up magdamit ka lang ng pambabae ganyan pa din makikita mo."
"Para ka kasing tomboy kumilos kaya natatakot sayo ang mga lalaki lumapit, pero itong Adam na to matindi malakas ang loob na yayain kang makipag date diba ate Steffi?"
"Sis mabait si Adam gaya ng kuya Matthew mo, kaya sana kilalanin mo muna siya." wika ng ate niya.
"Ok sige sabi mo e. Salamat sa inyong dalawa ha."
"Ikaw naman Stacy nakikipag date ka naba?" Tanong ng ate nila.
"Nope! At ayaw ko pa po."
"Kasi te hanggang ngayon iniintay niya parin yong first love niya. Ay naku sis wag mo na intayin yon baka pumuti na yang buhok mo sa kakahintay sa lalaking yon."
"Wag mo na ako paki alaman te, ayan o bumaba kana lagpas na alas syete malamang nasa baba na yong prince charming mo."
"Tse... Umiiwas ka lang sa usapan e."
"O tama na yan magka pikonan pa kayo niyan. Ikaw naman Stacy tama si Shantal nasa wastong gulang kana rin naman bakit ayaw mong i try sa iba kysa naman mag intay ka don. Diba sis nabanggit mo noon mata pobre ang momy nong boy friend mo dati at ayaw sayo? kaya kalimutan mo na yon, pero kahit ano pa man ang magiging desisyon nyong dalawa sa pakikipag relasyon tandaan niyo nandito lang ang ate handag makinig sa inyo."
"Salamat ate Steffi." Sabi ni Stacy.
"Salamat din ate at ikaw ang ate namin." Sabi ni Shantal.
Nagyakapan ang tatlong prinsesa ng mga Cheon.
"Mga anak tapos na ba kayo riyan pababain niyo na si Shantal nag iintay na ang kanyang nobyo sa baba."
"Ma, gusto niyo pong sumali sa amin?"
"Abay naglalambingan lang pala kayong tatlo riyan. Masaya ako mga anak kasi napalaki namin kayo ng tama at di lang yan lumaki kayong magaganda."
"Ma, sa inyo naman kami nagmana hehehe."
"Tara na sa baba kanina pa yong bisita mo anak."
DAVID HOTEL
"Iuwi mo na ako Adam."
"Ano? Di pa nga tayo nag uumpisa iuwi na kita?"
"Kita mo anong pinagsasabi mong umpisa ha? hoy Adam kahit pumayag na sayo ang parents ko na i date ako, wala ka paring karapatan sa akin kasi nanliligaw kapa lang diba?"
"Yup ganon nga sweety nanliligaw pa lang ako sayo, kaya nga kita dinala dito diba?"
"Bakit Adam porke nakahalik kana sakin basta basta mo nalang akong dalhin dito sa Hotel? Ano bang tingin mo sakin ha easy to get?"
"Wait Shantal ano bang pinagsasabi mo? Yes nandito tayo kasi it's a date diba? Saan mo ba gusto kumain sa tabi tabi?"
"Ha? kakain tayo kakain lang?"
"Oo naman ano bang iniisip mo? Ah alam ko na, iniisip mong may gagawin tayo ngayon kasi dito kita dinala sa Hotel?"
Nahihiyang nakayuko ang dalaga.
YOU ARE READING
Destined To Be Love series3 PUSONG BATO
RomanceMatapang, astig at magandang pulis kung tawagin si SHANTAL sa lungsod ng CEBU. Lalambot pa kaya ang puso niyang bato para sa mga lalaking humahanga sa kanya at sino ang makapag patibok nito. Abangan!!!
