Chapter 5: Inuman

1.4K 68 1
                                        

Chapter 5: Inuman

NAGULAT si Richard nang makita niyang umiiyak si Ruby.

"B-bakit ka umiiyak? W-wala namang nakakaiyak sa mga sinabi ko a," takang sinabi ng binata. Patuloy naman ang dalaga sa pag-iyak.

"M-ma-mabuti k-ka pa. M-mayroon ka pang ina..." Lalong napaiyak si Ruby. Hindi na nga alam ni Richard ang gagawin.

"B-bakit? Ikaw ba?" tanong ng binata.

"W-wala na siya... m-ma...matagal na..." Pinunas ng dalaga ang luha niya. Doon na rin siya napilitang magk'wento tungkol sa nakaraan niya.

*****

"R-RUBY... Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Reyna Beatrice sa batang anak nito, si Ruby. Dinala kasi siya nito sa loob ng kakahuyan. Medyo malayo rin ito mula sa palasyo.

"Gusto ko pong ipakita sa inyo ang aking natuklasang lugar. Napakaganda po ng tanawin doon..." wika ng batang si Ruby sa kanyang inang reyna.

"Pero dahan-dahan anak... Baka madapa tayo!" Paakyat kasi sila sa isang matirik na lugar.

"Dito po ina... 'Di ba ang ganda po!"

Narating nila ang isang mataas na burol, maraming bulaklak doon. May isang puno rin na nasa tabi noon, sa dulo ng burol. Iyon ay ang bangin ng burol. Kitang-kita at tanaw na tanaw nga roon ang palasyo ng Florania. Ang palasyo nila.

"Ang saya ditong maglaro, 'di ba ina? Gusto ko po ay lagi n'yo akong samahan dito!" Nakabungisngis pa si Ruby habang sinasabi iyon. Nagtatakbo at masayang-masaya.

"Oo naman, mahal kong prinsesa... Palagi kitang sasamahan dito," nakangiting tugon ni Reyna Beatrice.

Naglagi sila roon ng mga ilang oras, nagk'wentuhan at naghabulan.

"M-magandang araw po mahal na reyna. Sa inyo din po mahal na prinsesa. Ipagpaumanhin po ninyo dahil hindi po namin alam na nandito kayo!" Nagbigay galang ang isang pamilya sa prinsesa't reyna na bagong dating din sa lugar na iyon. Balak ng nga ito na magpalipas oras at mag-relax, kaso, hindi naman nila inaasahan na nandoon din pala ang reyna at ang prinsesa nila.

"Wala kayong dapat ipagpaumanhin... Halika kayo't samahan kami," nakangiting alok ng reyna na kakain na rin pala ng baon nilang tinapay nang mga oras na iyon. Medyo nailang naman ang pamilyang dumating pero dahil bihira lang itong mangyari ay natuwa na rin sila.

"M-marami po talagang salamat mahal na reyna... Napakalaking karangalan ang kayo'y aming makasalamuha sa ganitong bagay..." sabi ng ama ng pamilya.

"M-malaki na ang mahal na prinsesa at mukhang magiging kasing-ganda n'yo rin po 'pag nagdalaga..." papuri naman ng ina ng pamilya sa prinsesa. Ngumiti naman ang batang si Ruby na kasalukuyang kumakain.

Nagk'wentuhan ang mahal na reyna at ang mga pamilyang iyon habang nakikipaglaro naman si prinsera Ruby sa dalawang batang kasama nito. Ang mga anak na kaedadin din lang ng prinsesa.

"Do'n tayo sa may puno! Maganda ang p'westo ro'n," yakag no'ng isa sa dalawang bata.

"Oo nga kitang-kita ro'n ang palasyo namin!" pagmamalaki naman ni prinsesa Ruby. Nag-unahan sila sa pagpunta ro'n subalit aksidenteng natisod ang isa sa dalawang batang kasama ng prinsesa nang marating nila ang puno. Gumulong ang bata at dumiretso paibaba ng bangin. Mas'werte na lang at nakakapit ito sa may kakapalang damo kaya hindi ito tuluyang nahulog.

Nag-iiyak si prinsesa Ruby dahil doon. Nakatingin. Nanonood sa kapatid no'ng bata na pilit kinakapitan ang kapatid nito. Pareho na rin silang umiiyak.

"I-na! A-ama! Tulungan n'yo po kami! Mahuhulog na po si Arnel!" sigaw ng kapatid nitong pilit hinawakan ang kamay ng kapatid.

Dali-dali iyong pinuntahan nina Reyna Beatrice. Maging ang reyna ay lumapit din sa dulo ng bangin para tumulong. Maagap naman ang ama ng mga bata at agad nitong nailigtas ang mga anak... subalit hindi nila inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Aksidente nilang nasagi si Reyna Beatrice. Napakabilis ng nga pangyayari. Nahulog ang reyna mula sa mataas na bangin.

Ang Prinsesa at ang Basurero (COMPLETED)Where stories live. Discover now