Chapter Title: The More You Hate The More You Love Curse
Ang mundo ay kinapapalibutan ng mga maka-mundong bagay ^0^
Epekto na rin yan ng mga pelikulang nagmulat sa atin na kahit anong bagay ay kaya nating malagpasan.. Kasabay din nito ay ang patuloy na pagbibigay ng pag-asa na dapat tayong umasa kasi may pag-asa.. Sang-ayon kaya si Bro dito?. Isa sa mga bagay na inimulat sa’tin ng mga pelikula e ‘yung kapag trip nating maghanap ng lovelife o feel nating mag-soul searching e pakiramdam natin tayo sa Angel Locsin, Angelica Panganiban o Anne Curtis =_=a
na ganun lang kadali magka-lovelife, parang si Cinderella, naiwan lang ang sapatos, nagka-lovelife na *^__^*
, ‘yung mga babae sa pelikula nakabungguan lang, namalayan nila, may lalake nang handing magpakamatay para sa kanila.. ^.^
#^__^ Minsan sa sobrang pagiging filmy type ng tao, nakakalimutan na din nating mag-reality-check. ;)
Nakapagtataka ding isipin na nung umuso ang Temptation of a wife at No other woman e lalong nagtrending ang pagkakabitan at taksilan sa isang relasyon sa internet, telebisyon, lansangan at sa totoong buhay. Hindi maikakailang mas marami ng text quotes at posts sa fb tungkol sa mga malalanding babae na nang-agaw ng boyfriend, o kung hindi naman naagaw ay nakikisawsaw, mga lalakeng matapos ang lahat e nang-iwan o nanloko lang. >.<
At kung dadako naman tayo sa usapang relasyon, e nandyan ang M.U. -_=
na sa pagdaan ng panahon e nabigyan nan g iba’t ibang kahulugan, mula sa mutual understanding, naging malabong usapan, malanding ugnayan, mag-un at kung anu-anu pang naiisipan dahil sa pababago-bagong panahon at patuloy na pagdaloy nito.
Pumapangalawa sa M.U. ang relasyong kung tawagin ay friends with benefits, mga bumebenefit ng kung anek sa kaibigan, pero sa palagay ko, sa relasyong ‘to, kung babae ka, lugi ka, anung nabebenefit mo sa pagbibigay ng ka-everythingan dba? Masarap man, nawawalan ka pa rin. Pero nirerespeto ko kung saan sila masaya. ^_^
Isa pa sa trending e yung LDR na suki lagi kapag may humihingi ng advice sa mga programa sa radio, forums sa internet, at marami pang iba, kadalasan, ganito ang kanilang padale, “hihingi lang po sana ako ng advice, LDR po kasi kame ng bf/gf ko…”. Nakapagtatakang isipin na halos lahat na yata ng sagot sa mga katanungan, teorya ng iba’t ibang tao, paniniwala, banat, payo at marami pang kung ano sa pag-ibig ay nakahara lang at paulit-ulit nang sinabi at pinakita sa tv, radio, sinehan, tumblr, fb, twitter o maging mula sa kaibigan, barkada, classroom discussions at marami pang iba, pero madami pa ‘ding bigo sa pag-ibig.
Ano nga ba ang dahilan? ^0^
Bakit nga kaya? \_(^.^)_/
Kasi siguro, malaki ang ginagampanan ng word na martyrdom at risk sa buhay ng isang tao. Anyways, bakit nga ba ganyan ang pagtingin ko sa mga bagay-bagay na ‘yan??” ;)
Cassie ang nickname ko. At hindi Cassandra ang totoong pangalan ko. ^___^
I’m Cassadee, Cassadee Montez.
Long kulay buhok ng mais straight hair, singkit eyes, pointed ilong, pinkish juicy lips. TSSSUUPP! :* Slim body, 5’4 ang height at malilinis ang kuko sa kamay at paa! *^___^*
***** WHY WHY LOVE
Tanong kanina: Bakit ko nasabe ng lahat ng ‘yon?? Kase halos lahat ng ‘yan e hindi ko naranasan, pero nasaksihan ng mga magaganda kong mata kung paano nagsimula at natapos ang lahat ng kwentong nangyari kaugnay ng nabanggit ko sa itaas! – ToT
NBSB ako. Pero hindi issue sa akin. Open ako sa suitors. At sa awa ng Diyos, meron namang nanligaw at naligaw ang landas sakin kahit papano. Yun nga lang, sa sobrang dami kong nasaksihan at natutunan sa lovelife ng iba, nagsisimula pa lang bumanat sa akin ang mga lalake, alam na alam ko na ang patutunguhan at kung anong mga trip nila. Trip na tunay man o hindi.
