Chapter 3 ..
Photographer
"I'll fetch you mamayang uwian" sabi ni Rex pagkahatid nya sakin sa harap ng pintuan ng classroom ko sabay bigay sakin ng shoulder bag ko.
Oh di ba parang magboyfriend-girlfriend lang ang peg namin. Haysst! nabubuhay lang ako sa "PARANG" turingan naming dalawa. If I know natural lang kay Rex ang ginagawa nya sakin araw-araw pero for me it is the reason kung bakit lalo ko pa syang minamahal. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko 'pag dumating yung araw na manlalamig kami sa isa't-isa yung iba na ang mga magiging priorities namin. Lalong-lalo na sya dahil after nyang grumaduate e mamanage na nya ang isa mga branches ng company nila.
Wala na kong ibang magagawa dyan is to adjust.
"Okay, thanks" sagot ko.
"Sige na pumasok ka na para makaalis na ko" sabi nya.
Tinanguan ko sya at naglakad na papasok ng classroom ko nang ...
"Rexxxxxxxx!" rinig kong sigaw ng isang boses babae sa kanya sa labas, dahilan para bumalik ako sa paglakad palabas ng classroom ko.
Pagkalabas ko. Hayun! may limang babae na syang kausap.
"Rex can we have a picture with you?" tanong ni . . . ni hindi ko kilala kaya tawagin na lang natin siya ng girl 1 ..
Naririnig ko lang kasi sila mula rito dahil hindi masyadong kalayuan tong kinatatayuan ko kung saan sila nag-uusap.
"Sure why not?" sang-ayon nya sa mga babae. Nagsiapiran naman agad sila at kanya-kanyang nagsilabasan ng mga mamahaling cellphones nila.
"Para san to sa project nyo?" usisa ni Rex sa kanila.
"Ayy hindi Rex, remembrance lang sana namin sayo" paliwanag ni girl 2.
"Remembrance?" kunot-noong tanong nya sa kanila.
"Bakit mamamatay na ba ko?" patuloy nya, seryosong tanong ni Rex sa kanila dahilan para magkatinginan ang limang babae sa isa't-isa akala siguro nila na offend nila si Rex.
Pffff. natatawa na lang ako dito sa kinatatayuan ko.
"Hoy!" gulat sakin ni Meg mula sa likuran sabay tusok ng tagiliran ko.
"Aysst, ano ba Meg" inis na sabi ko.
"Ano yan ha?" tanong nya.
"Ang alin?" kunot-noong tanong ko.
"Pinagnanasahan mo si Rex mula sa malayo noh?" seryosong sabi.
"Ewan ko sayo Meg, pumasok ka na nga lang" inis na sabi ko sa kanya at bahagyang tinulak papasok sa loob ng classroom namin.
Tinawanan lang ako sa bruha, sabay sign sakin ng -I see you- yung dalawang daliri nya nilagay nya sa mata nya at tinuon agad sakin.
"Ewan ko sayo!" natatawang sabi ko.
"Anla, hindi Rex" agad na sagot ni girl 2 sabay siniko sa girl 3.
"Eh kasi di ba, gagraduate ka na thi - -
"Pfff. HAHAHAHAHA! reaction nyo sobrang priceless" natatawang bawi ni Rex sa kanila.
Kaya isa-isa sila nagpakawala ng malaking buntong-hininga sabay tawa.
"Sige na bilisan nyo hinihintay na kasi ako ng mga kaibigan ko sa baba" patuloy nya.
"Si-sige, Pril, ikaw na kumuha ng picture" girl 4
"Anla bakit ako? si Mikee na lang oh total hindi naman yan mahilig sa picture" reklamo ni girl 4.
"Anla, kahit na noh? ibang usapan na yan pag si Rex na" girl 5.
