CHAPTER 12:SKIP TO THE GOOD PART

Start from the beginning
                                    

''Prinsesa Mea, ano pang tinutunga-nga mo diyan? Mag laps kana.'' lumapit na ako sa mesa, pero nung uupo sana ako dun sa tabi ni Twaylem.

''Opps, sorry may naka upo.'' kumunot yung noo ko. E kami lang naman yung nandun. Lumingon ako sa paligi para tignan kung nasaan pa yung iba, baka mamaya kase nandito silang lahat.

Pero wala naman.

''Sino?'' inosenteng tanong ko naman sakanya.

''Yung Bag ko. Bakit hindi ka maupo sa tabi ni Darth??'' sabay grin nilang dalawa ni Donald. Liningon ko si Darth, hindi ito kumikibo at kumakain lang ng breakfast.

''Ahh e..'' sumesenyas si Twaylem na umupo daw ako sa tabi ni Darth. Kinakabahan na nga ako't lahat lahat, hindi pa rin nila maramdaman yun.

''Halika na dito.. Me...a'' mahinahong sabi ni Darth habang inaatras niya yung upuan sa tabi niya. Si Donald naman pasimple akong kinukurot sa tagiliran.

Tahimik lang akong lumapit at umupo sa tabi ni Darth. Hindi ako kumikibo dahil, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayare sa buhay ko.

Naiilang, oo. Pero kung anong kinawalang hiya ko date yun naman yung kina tameme ko ngayon.

''Ano yan? Bakit hindi kayo nag kikibuan? Huwag niyong sabihing nahihiya pa kayo sa isa't isa?'' panunukso ni Twaylem. Nakayuko lang ako at hindi kumikibo.

''Pero ang tanong kayo na nga ba talaga??''

Halos masamid kaming dalawa ni Darth ng biglang sabihin yun ni Donald.

''Ahh! K, lam na.'' sabay high five nilang dalawa ni Twaylem.

Liningon ko lang si Darth, napansin kong medyo naka ngiti ito. Pero hindi niya pinapahalata.

---

Dumating kami sa school na magka hawak kamay, nakayuko akong nag lalakad habang siya naman naka chin up at proud na proud na hawak hawaka niya ang kamay ko.

''Mag kita nalang tayo mamaya, hintayin mo ako. Sabay tayong uuwi.''

''Sige..'' tipid na sagot ko.

''Pumasok kana sa classroom niyo.'' tumango lang ako at pumasok na sa classroom.

Pagkaupong pagka-upo ko, naramdaman kong nag vibrate yung cellphone ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag, si Sly pala.

''Hello?''

''Bakit napatawag ka??''

''Nasa may school garden, nasaan ka? Usap tayo.''

''Nasa classroom na ako. Hintayin mo ako at pupuntahan kita diyan..''

Ano kayang pag uusapan naming dalawa?? Hmmm...

L.A SIDE STORY #1: THIS FOOLWhere stories live. Discover now