Tenga: Hindi ko alam true name nun eh, bakit chikas mo?
Ako: Ungas hindi natanong ko lang, kapangalan kasi nung saken eh parehong may bear.
Tenga: Ewan ko lang dun, basta hindi yun nag rereply sa mga text namin eh, hindi rin nag g-gm.
Ako: Ahh, Tara meryenda nalang tayo
Naglalakad kame ni Tenga papuntang Tindahan ng humabol si Leon para sumabay sa meryenda.
Leon: Mga dude ano kakainin niyo?
Narinig ko na naman ang boses ni Leon, Go Signal sa Payabangan portion of the day.
Ako: Sizzling burger lang.
Leon: Magkano naman?
Ako: Ahmm tenga magkano na nga ba?
Leon: Kamura naman
( Hindi ako makakasabay sa payabangan ngayon kay leon. Napangiti nalang ako dahil medyo nawawala ako sa ulirat kakaisip sa totoong katauhan ni Twinkle.)
Kakaiba kasi yung nararamdaman ko sa katxt ko na to, Magaan yung pakiramdam ko na kahit hindi ko pa siya nakikita parang matagal na kaming magkakilala. May mga tao kasing ganon kausap, Yung tipo na kahit hindi kayo ganon ka close eh parang sampung dekada na kayo magkakilala at alam na alam niyo na ang lahat tungkol sa isat isa. Meron din namang mga taong kahit gano mo na katagal kakilala eh parang sampung dekada na kayong hindi nag kakakita.
Hmm matxt na nga lang si Twinkle
Tunabear: Hi twinkle musta na? ok naba dad mo?
Twinklebear: Ok naman na si papa medyo masakit lang daw yung binti niya, : (
Tunabear: Oh wag kna malungkot, kng ung mga batang alang makain na nasa kalye nagagawang ngumiti eh, sino ka para sumimangot
Twinklebear: Tnx Tuna : )))) buti nalang andyan ka may ktxt ako
Tunabear: Haha ok lang nabasa ko lang din yan haha, ala kaba ibang nakakatext?
Twinklebear: Wala namang ibang gus2 n mkpgtxt skin eh, hehe
Tunabear: Sus, Imposible atang alang gus2ng mkipagtxt sau
Twinklebear: Bakit tuna? Gus2 mo nako?
Nablangko ako sa kung anong irereply ko sa kanya, Hindi ko alam ang tamang mga salitang dapat ibalik sa kanya para hindi ako mag mukhang engot.
Makaraan ang ilang minuto nag txt ulit siya.
Twinklebear: I mean Gusto mo akong ktxt? Hehe baka akala mo naman dumadamoves ako
Tunabear: HEHE xmpre naman! Ok kpa sa orayt!
Twinklebear: : )))
Tunabear: : )
Naulit ang mga eksena at tagpo, Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napakaimportante na sakin ng Cellphone ko.
Iba kasi talaga si Twinkle, napaka misteryoso ng dating niya sakin ngunit kahit ganun ay palaging nangangawit ang panga ko kakangiti pagktxt ko siya. Sa ilang bwang nag daan ay maituturing ko na si Twinklebear na imaginary friend ko.
Sa totoo lang kasi ay siya lang ang katxt ko.
Lumipas ang ilang bwan, sa bawat araw na lumilipas ay nakakalimutan ko palaging mag dala ng gitara, malapit na rin ang 1ST periodical test, Nagsimula na ang tagulan, Tagulan, Paborito kong panahon ang tagulan, malamig kasi ang simoy ng hangin, hindi mainit, madalas alang pasok at naisusuot ko ang paborito kong jacket.
YOU ARE READING
Buhayhay
RomancePara sa lahat ng taong nakatikim na ng tamis ng halo halong walang pinipig <3
