Chapter 3

3.4K 90 48
  • Dedicated to Jordao Ako
                                    

"Kuya, pangalan ko po ang nakasulat diyan sa hawak ninyo. SIno po ang nag-rent ng van?"  nalilitong tanong ni Sam.

"Ma'am, iyong agency po namin ang nakakaalam niyan. Inutusan lang po ako na maging driver ninyo habang nandito kayo sa Palawan," magalang na sagot nito.

"Ano ang pangalan ng agency ninyo at contact number?"  Mahirap na basta magtiwala sa panahon na ito.

Agad na tinawagan ni Sam ang agency na ibinigay ng driver. 

"Ma'am, si Mr. Alex Lagdameo po ang nag-hire sa amin para iservice po kayo habang nandito kayo sa Palawan."

"Wala akong ibabayad sa inyo," tanggi ni Sam,

"Don't worry po, Ma'am. Binayaran na po ng asawa ninyo ang isang linggong rental at kung mag-eextend raw po kayo ay tawagan lang siya."

"Ha?" Gusto sana niyang ikorek ang maling pag-aakala ng babae sa kabilang linya na asawa siya ni Alex Lagdameo kaya lang ay lalo lang magugulo ang usapan at nagmamadali siya.

Hay, why not? Tutal bayad na rin naman ang van rental, gamitin ko na lang. Mas mapapabilis pa ang pagdating ko sa ospital. Xander, my darling nandito na ako.

"Miss, saan po ang kuwarto ng pasyente ninyong si Xander Cortes," tanong kaagad niya sa receptionist ng ospital.

Pagkaraan ng ilang sandali. "Miss, nasa room 203 po si Xander Cortes."

"Thank you po."

Nasalubong ni Sam si Amelia sa pasilyo. Nasa higit kuwarenta na ang edad nito. Medyo payat ito, nakasalamin ng makapal.

"Ate Amelia, kumusta na si Xander?" nag-alalalang tanong kaagad ni Sam sa pinsan.

"Ayon nasa loob, nandoon pa ang doktor at nurse kaya lumabas muna ako para makabili ng makakain. Mabilis ka yatang nakarating," sabi nito.

Tumango lang si Sam. "Papasok muna ako, Ate."

"Sam, kailangan masalinan agad ng dugo si Xander sabi ng doktor."

Muling tumango si Sam. halatang pinipigilan nitong maluha sa harap ng pinsan.

"Xander, my baby!" Nagmamadaling lumapit si Sam sa kama kung saan nakahiga ang batang lalake.

"Mommy," nanlalata nitong sagot. Wala ang dati nitong sigla sa mukha.

"Baby, nandito na ang mommy para alagaan ka," umiiyak na sabi ni Sam habang yakap ang anak.

"Miss you, mommy."

"Ako din baby, sorry ha kailangan kasing mag-work ni mommy sa malayo para may pera," mahina niyang usal na paslit habang hinahagod ang likod nito.

"Misis, ako po si Dr. Santiago ang attending physician ng anak ninyo. Gaya po ng sabi ko doon sa pinsan ninyo, kailangan masalinan agad ng dugo ang anak ninyo dahil sa sakit niyang dengue," paliwanag nito.

"Opo, dok. Naiintindihan ko po."

"I suggest po na magpa-test kayo sa lab para makapag-donate kayo ng dugo sa anak ninyo kasi medyo nagkakaproblema po ang hospital ngayon sa dugo. May shortage lalo na blood type ng anak ninyo."

"Misis, sorry po hindi compatible ang blood type ninyo sa anak ninyo. Maghahanap na lang po kami ng ibang donors para masalinan agad ng dugo si Xander," sabi ng doktor pagkaraan na isang oras.

"Dok, please po gawan po ninyo agad ng paraan. Ang putla-putla na po ng baby ko," naluluhang sabi ni Sam.

"Gagawin po namin ang lahat ng kaya namin, Misis."

Nang makalabas ang manggagamot ay pumasok naman ang pinsan niya.

"Sam, balita ko ay nagkakaproblema sa dugo."

"Oo nga Ate pero ginagawan naman nila ng paraan."

"Kung okay lang sa iyo ay uuwi muna ako sa bahay at kailangan kong kumuha ng mga gamit ni Xander."

"SIge Ate. Ako na ang bahala dito."

"Mommy, uhaw po ako," usal ni Xander sa mahinang boses.

"Ito ang tubig, baby."

"Mommy, huwag kang alis," sabi ni Xander pagkatapos makainom ng tubig.

"Hindi ako aalis sa tabi mo, Sweetheart. Nandito lang ang mommy." Luhaang niyakap niya ang bata.

Dahil sa matinding pagod ay nakatulog si Sam sa silya katabi ng kama ni Xander. 

Bigla siyang nagising nang marinig ang boses ng nurse. "Misis, meron na po kaming nakuhang dugo para sa anak ninyo," pagbibigay alam nito sa kanya.

"Salamat sa Diyos."

"At sa akin. Ang ama ng iyong anak," sabi ng isang baritonong boses.

"Ikaw!!!"

****Sino ang dumating? Abangan sa susunod na kabanata.

Thank you sa inyong pagbasa.

 @Gidgetwitty (If you want to follow me on Twitter and Instagram)

Gidget Corpuz (Facebook)

http://www.facebook.com/groups/gidgetwitty/  (Please join our open reading group Kim Xi FanFic Stories by Gidgetwitty)

www.facebook.com/KimXiFanFicStoriesByGidgetwitty. (Please like our fan page also. Thanks.)        

Maghihintay Sayo (The Love Story of Alex and Sandy)Where stories live. Discover now