PAANO?

31 3 2
                                        

Puso ko'y nasasaktan
Dahil ang gusto mo'y aking kaibigan
Kaya naman ako ngayo'y nahihirapan
At walang magawa kundi lumuha nalang ng tuluyan.

Mahal kita pero mahal mo siya
Siya na matalik ko pang kaibigan
Ang iyong nagugustuhan
At ako'y hanggang kaibigan na lamang.

Bakit pa kasi ikaw ang minahal ko
Marami naman dyang iba
Pero anong magagawa ko
Ikaw ang sinisigaw ng puso ko

At sa pagkakataong ito
Ala-ala mo'y hanggang dito na lamang
Dahil ang puso mo'y sa iba na nakalaan
Hay... paano ba kita makakalimutan?
PAANO?

My ThoughtsWhere stories live. Discover now