UK'S POV:
Nakaramdam ako ng mahinang pagtapik sa balikat ko. Sino kaya yung istorbo na yun. Can't they see I am peacefully sleeping here.
"Hoy, gising na. Magsasara na tong library." Sabi ng boses lalakeng nanggigising sa akin.
Iminulat ko ang mga mata ko, kahit hindi pa malinaw ang paningin ko ay tinitigan ko siya ng masama. Pesteng kyawa to istorbo eh.
"Tayo na dyan. Labas na tayo dito."
I stretch my arms, then grab my things and go outside the library. Nang makalabas na ako dun ko lang narealise na past 6 na pala at medyo madilim na din. Kinusot kusot ko yung isa kong mata para luminaw at makapag adjust.
"Ang panget mo pala kapag natutulog." Napatalon ako sa gulat ng may mag salita nun mula sa likod ko.
"Ay palakang nabuntis ng kalabaw." Napa atras ako tapos ay humarap dun sa taong nanggulat sa akin. And I was surprised to see this man standing infront of me.
"Hahahahahaha." He burst out of laughing. And here my heart goes again. Fast beat. "You're so funny."
Tumalikod na ako at naglakad. Umiiwas na nga kasi ako di ba? And besides he don't want me to be his friend.
"U-uy teka lang hintayin mo ko." Hinabol ako ni Joel at nang maabutan niya ko ay sumabay na sya sa akin maglakad.
Nasa waiting shed na kami pareho. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Ang tanging maririnig lang ay ang ingay ng mga sasakyan.
"Awkward. Haha." Nagulat ako nang sabihin niya yun. Pero di ko na lang siya pinansin. I am praying hard na sana may mapadaan na ditong bus na masasakyan ko para makauwi na ko.
"Di mo ba ako kakausapin?" Tanong niya. Tinignan ko siya at di siya nakatingin sa akin. Diretso lang ang tingin niya, kaya naman inalis ko na din yung tingin ko sa kanya.
"Mukha ngang di mo ko kakausapin."
Pagkatapos niya sabihin yun ay di na ulit siya nagsalita pa ulit. Maski ako ay wala nang balak pang magsalita.
Pumara siya ng taxi. Akala ko para sa kanya pero nagulat ako ng buksan niya yung pinto ng taxi.
"Sayo na to."
Tinignan ko lang siya. Madilim na kaya di ko makita ang kabuuan ni Joel. Tanging yung bag niya lang at yung mata niya ang naaaninag ko sa dilim. Then it strikes me.
"I-ikaw din yung-..." di ko na naituloy pa yung sasabihin ko ng maranig ko ang pag sigaw ng driver.
"Hoy kayong dalawa sasakay ba kayo o ano? Nakabukas pa yung pinto. Sayang yung aircon." Galit na sigaw ni kuya driver.
"Ay sorry po. Sasakay na po siya." Itinulak ako pasakay ni Joel sa taxi. At ako naman sa sobrang gulat ko ay di na ko nakapag react pa. Isinara niya na yung pinto. Tinitigan ko lang siya mula sa bintana ng taxi hanggang sa tuluyan na yun umandar.
Siya din ba yun? O hindi? Hay ito nanaman ako nababaliw sa mga naiisip ko tsk.
Nakauwi na ko sa bahay at dumiretso sa kwarto. Nakaupo ako sa may study table ko para sana magbasa ng libro pero yung utak ko lumilipad pa din.
"Siya ba yun o nagkamali lang ako?" Tanong ko sa sarili ko.
Naguguluhan ako. Ang daming mga tanong na pumapasok sa utak ko.
Kinuha ko yung phone ko tapos ay nakinig na lang ng music.
Unti unti ay nakakaramdam nanaman ako ng pagka antok. Bumibigat na ang mga mata ko. Nahiga na ko sa kama ko at ipinikit ang mga mata ko.
*UK's dream*
Hinihingal ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Tumatakbo ako at parang katapusan. May kinakatakutan ako at tinatakasan ko yun. Pero di ko alam kung ano yun.
Tumatakbo lang ako ng tumatakbo. Walang humahabol sa akin.
Takbo dito, takbo doon. Nakatingin ako sa likod ko habang tumatakbo dahil natatakot ako na baka maabutan ako ng kinakatakutan ko. Hanggang sa may makabangga ako at pagtingin ko. Si Joel ang nasa harap ko. Ngumiti siya sa akin, and that gave me an assurance that I am safe and nothing to afraid of. Lumiwanag yung madilim na paligid. Hindi na ko tumatakbo, o hinihingal manlang. Wala na yung takot na nararamdaman ko habang nakatingin sa mga mata niya. And suddenly, I smile.
