UK'S POV:
Di ko na pinalagpas ang isang araw na pagmumukmok at pag-iisip kung susungitan niya ba ako o hindi. Basta bahala na si Batman.
Naglalakad ako papuntang cafeteria ng makita ko siya. Inayos ko ang sarili ko pagkatapos ay ngumiti ng malapit na siya ay binati ko siya.
"Hi."
Pero nilagpasan niya lang ako na para bang walang nakita. Anyare dun sa masungit na yun?
Sinundan ko siya hanggang sa makarating siya sa parking lot ng university. Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa. Pinagsisipa niya yung gulong ng kotse-na pag mamay-ari niya. Para bang inis na inis siya at sa gulong ng kotse niya ibinubuhos yung galit niya.
"J-joel." Lumapit ako sa kanya at pinigilan siya.
"What are you doing here?" Tanong niya at tinapunan niya ako ng masamang tingin.
"What do you think you're doing with this poor car? Huh?" Balik tanong ko sa kanya.
"Anong pake mo?"
"May pake ako kasi kaibigan kita Joel."
"Self proclaimed friend." Napapailing niya sabi sa akin.
"T-teka." Hinawakan ko yung mukha niya dahil napansin ko na may pasa siya sa may malapit sa labi niya. "Ano nangyare dyan? Bakit ka may pasa?" Tanong ko.
"The hell you care!! Pwede ba umalis ka na sa harapan ko baka ikaw pa ang masapak ko eh." Galit na galit na sabi ni Joel. And to tell you honestly nakakatakot siya ngayon. But I don't care. Kailangan magamot nung sugat niya.
"Then go. Punch me! Basta dito lang ako at sasamahan kita!!" Matigas kong sabi.
"Why are you so stubborn huh? Can't you see I want to be alone!!" Pasigaw na sabi ni Joel.
"No! I won't let you be alone!"
"Pwede ba, babaeng makulit at sakit sa ulo. Umalis ka na sa harapan ko dahil baka nga masapak kita at di ako makapag pigil!" Pagbabanta niya.
"Bakit ba ayaw mo akong maging kaibagan?"
"Cause I don't want! And I don't need you!!" Sagot niya.
Nalungkot ako sa sinabi niya. Napayuko ako at balak ko na talagang umalis at pabayaan siya ng mapansin ko ulit yung sugat niya. Medyo nagdudugo.
Kinaladkad ko siya papunta sa park.
"Hoy, bitawan mo nga ako. San mo ko dadalhin ha??" Nagpupumiglas siya sa pagkakahawak ko pero ako naman kada gagawin niya yun ay mas lalo kong hinihigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
"Sumunod ka na lang." Yun lang ang sinagot ko at di ko na siya pinansin pa.
Nakarating na kami sa park. Pinaupo ko siya sa may bench.
"Dyan ka lang. Hintayin mo ko. Wag kang aalis dyan ah!!" Iniwan ko siya doon, syempre pati yung bag ko iniwan ko dun para di siya makaalis.
Nagpunta ako sa isang drug store na malapit sa park. Bumili ako ng bulak at betadine. May band aid naman ako sa bag kaya di na ko bumili pa.
Pagka balik ko dun ay nakita ko siyang nakaupo lang doon at tahimik.
"Gagamutin ko yang sugat mo." Sabi ko sa kanya ng makalapit na ako.
"Wag na."
"Gagamutin ko nga sabi eh." Nakakainis din pala tong isa na to pakipot!
Nilagyan ko na ng betadine yung bulak. Dahan dahan kong idinadampi sa sugat niya yung bulak. Siya naman iwas ng iwas. At sa sobrang inis ko idiniin ko yung bulak sa may sugat niya.
"Aray!" Pagrereklamo niya.
"Ang kulit kulit mo kasi!! Pwede bang wag ka umiwas?" Itinuloy ko yung ginagawa ko. Siya naman ay nanahimik na lang.
Medyo naging awkward ang atmosphere namin.
"Bakit mo to ginagawa?" Napatigil ako saglit ng tanungin niya ako.
"Minsan mo na akong tinulungan. Gusto ko lang makabawi." Sagot ko.
"Bakit gusto mo ko maging kaibigan?"
"Kasi gusto ko. Di na kailangan ng rason." Sagot ko sa tanong niya. "Pero.." dugtong ko "wag kang mag-alala. Di na ko mangungulit. Ito na yung last." Kinuha ko yung band aid sa bag ko at itinapal ko yun sa sugat niya.
Inayos ko yung gamit ko. Pagkatapos ay nagpaalam na ko sa kanya.
"Tapos na. Maiwan na kita dyan."
Tumalikod na ako sa kanya, at nagsimula ng maglakad.
Maybe I should accept the fact na hanggang sa panaginip ko lang siya maaabot. Na hindi talaga siya katulad ng sa panaginip ko na mabait. Dapat ko na nga talaga siyang iwasan. He don't need me anyway.
Pumasok ako sa next class ko. Wala sa itinuturo sa amin ang katinuan ng isip ko. Gusto ko kasing matulog. Gusto ko ng katahimikan.
"Ms. Marasigan, if you want to sleep go home and not here in my class."
"Im sorry Ma'am."
Maagang natapos ang klase ko, dumiretso ako ng library. Gusto ko na kasi talagang matulog.
Uupo na sana ako sa favorite spot ko ng marealise ko na may natutulog din pala dun. I don't care I just want to sleep too.
Naupo na ako tapos dumukdok.
