MONDAY. Inaasahan na ni Gino na papupuntahin sya ng Boss nya sa Smart Logic. Excited ka?Tanong ng isip nya.
Damn! Kinakabahan ako, hindi ako excited. Sagot ni Gino sa sarili.
Bakit ka naman matatakot kay Karina?
Sino bang natatakot? Tumigil ka nga! Saway ni Gino sa sarili.
"Gino, sabi ni Mr. Tan, magready ka daw ng 10 am at pupunta kayo sa Smart Logic."
"Oh okay!", nakangiting may halong kaba. Teka, bakit nga ba sya kinakabahan?
"May irereto yata sa'yo si boss. Ha ha ha. In fairness, bagay kayo", tudyo ni Consuelo.
Napakunot ang noo ni Gino.
"Sino naman? Lahat naman nirereto ni boss. Kahit nga matrona, mukha ba kong desperado?"
Napatawa si Consuelo.
"Hmmm, hindi naman. Pero iba aura ngayon ng lolo ko ah! Mukhang nabunutan ka ng tinik. Ano nga ba nangyari nung Thursday at tumatakbo ka na parang takot na takot."
See? I told you. Mukha kang nakakita ng multo. Mukha bang multo si Karina? Ang tanong ng makulit na isip nya.
Shut up!
"Ahh , may pinuntahan lang akong kaibigan sa ospital. E walang pera kaya nagmamadali ako"
Tumango lang si Consuelo.
"Pero in fairness, maganda ung irereto sa'yo ni boss, at take note.... malaki ang sweldo..", sabi ni Consuelo.
"Oo nga, intimidating ang dating, pero nung nagsalita, very soft spoken.", sabad ni Elmo habang inaabot ang telepono para ipakita ang ang photos na kinuhanan nung Thursday. "Sayang 'tol, hindi mo nakilala, eto picture, ung naka-pink na long sleeves."
Napamulagat si Gino. Tsug-tsug! Tsug-tsug! Kabog ang dibdib mo tol!
Si Karina ang tinutukoy ng mga kasamahan. Hindi sya nagpahalata na alam nya na andoon ito.
"Ito ba? Parang kilala ko nga ito. Baka schoolmate ko 'to nung college", pagsisinungaling ni Gino.
"Wow pare! Talaga? E baka kayo na nga ang destiny!"
"Hindi lang ako sure ah, pero parang pamilyar to sa kin."
Binalewala n lang ni Gino lahat ng pang-aasar ng mga kasamahan. Naupo na sya sa desk nya. Pero hindi nya masimulan ang trabaho. Excited ba syang makita si Karina? Oo! Sagot ng makulit ng isip. Sumimangot sya sa repleksyon nya sa salamin ng computer monitor. Hindi ako natatakot na makaharap sya at lalong hindi ako excited. Weh?? Bakit ampogi mo ngayon?
Ngumiti lang sya at ignore na lang nya ang makulit na boses sa isip nya. Bahala na!
DUMATING SILA ni Mr. Tan sa Smart Logic sa isang building malapit sa Ayala. Mas kinakabahan sya sa pagkikitang muli ni Karina kesa sa presentation na gagawin. Bahala na. Bahala na.
Dinala sila ng sekretarya ni Mr. Marcus sa isang meeting room, they are asked to wait 10 mins dahil may iba pa itong meeting. Dinalhan lang sila ng maiinom ng sekretarya at umalis na rin ito. Inihanda na ni Gino ang laptop at projector para sa presention nya.
"Gino, galingan mo, this will determine kung ikaw nag ipapadala ko sa Norway, kung magugustuhan ka nila. I guess your counterpart will also attend the meeting. Karina yata ung name.", bungad ni Mr. Tan.
Nagulat si Gino. Alam nyang narito si Karina, expect nyang magkita sila but hindi para makaharap sa isang presentation.
"Don't worry. I guess they just want to know how knowledgeable you are with this system. Isipin mo na lang na parang job interview."
YOU ARE READING
Back Into My Arms
RomanceHanggang saan nga ba ang pagmamahal? Nagtatapos ba ito sa salitang paalam? ...Sa paalam na hindi mo man lang narinig kailanman? "Nagmamakaawa ako! Sabihin mo sa akin kung ano ang nagawa ko!" Saan ba nagmumula ang paalam? Galing ba ito sa pusong nasa...
